Chapter 13 - Ang Pagtatapat

1.9K 46 5
                                    

Viktor’s POV

 

Hindi ko rin alam kung bakit nangyari yung kagabi. Hindi ko inaasahang sasabihin ko kay Stephen yung ganoong sikreto na totoong siya naman talaga yun. T*ang**** This! Nababakla na nga yata ako. Pero nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko.

Pero, promise hindi ko na alam talaga ang susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung anong magagawa kong paraan para sabihin kay Stephen yung nararamdaman ko sa kanya. Nangako pa naman ako sa kanya na sasabihin ko sa kanya at ipagtatapat ko ang lahat. Bahala na si Batman, si Superman at maging si Wonderwoman. Anak ng Tofu! Kailangan bang isama pa si Green Lantern para mabuo na talaga ang Justice League. (HAHAHA) na magliligtas sa akin.

Dumaan ang maraming araw, at mas lumawig pa yung malalim na pagsasamahan namin ni Stephen at syempre patuloy akong nahuhulog sa kanya ng hindi ko namamalayan kung bakit ba talaga sa isang katulad pa niyang kapwa ko lalaki ako magkakaganito.

Ano ba tong nanagyayare sa akin. Puro kamalasan na lang, pano nalang kapag nalaman niya na siya pala yung sinasabi kong mahal ko na hindi ko masabi-sabi.  Pano nalang yung magiging reaksyon ng mga barkada namin. Haaayyy.. Eto na talaga siguro yung pinakamahirap na part sa buhay ang umamin na mahal mo yung taong yun, na hindi lang yun ang problema – hindi kayo nababagay sa isa’t isa kasi pareho kayong lalaki at uulanin kayo ng kritisismo.

“Pare, mayang gabi dito kayo matulog sa bahay namin ha”

 

“Naku, pare hindi ako pwede ngayon! pasensya na”

 

Ang pakikipag-usap ko sakanya gamit ang BBM ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para layuan siya at paglabanan yung feelings na to’ para sa kanya. Alam ko kasi sa sarili ko na mali talaga ito. Maling umibig sa maling tao, na kagaya mo pang lalaki. Anak ng Pogi namang talagang yan oh.

“Pare may problema ba? Parang ilang araw ka nang hindi nagsasama sa akin ha! May nagawa ba ako tol?”

 

“Pare, ano ka ba wala ka namang ginagawa. Busy lang talaga ako lalo pa’t malapit na yung finals ko. Easy lang bro!”

 

“Viktor, pare.. I can read between the lines naman eh. I know who are you. Di ba pakners”

 

“Tol, ano ka ba wala nga to’ kulit natin ngayon ha! HAHA”

 

“Ah basta Viktor, kailangan kong malaman ang lahat-lahat kung bakit ka nagkakaganyan. nag-aalala ako sayo bro”

 

“Salamat pare, pero wala talaga to’ promise”

 

Siguro talagang nasa denial stage pa ako. Kahit hindi niya tinatanong kung siya ba yun, basta hangga’t kaya kong ideny gagawin ko - Kahit mahirap.

Shit!! Alam mo yung namimiss mo siya. Siya kasi yung lagi ko ng nakakasama e. Bestfriends na talaga yung turingan namin. Pero parang ako ang may mali, masisira pa yata lahat ng iyon ng dahil lang sa akin.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon