Stephen's POV
“Hi kamusta ka?”
“Mabuti naman :D”
“Bi ka ba?”
“Nah sorry”
Isa na namang istranghero ang pangahas na nagtanong ng tanong na yun. Ewan ko ba kung bakit nila akong pinagkakamalang ganoon eh sa tikas at tindig ko, posturang postura – aakalain ba naman akong Bisexual! Natatawa na lang ako minsan eh.
“Stephen”
“Po?”
“Kamusta?”
“Okay lang naman po :D”
Yan ang mga karaniwang tanong na sawang-sawa na akong sagutin sa BBM. Sa tuwing may mga bagong tao o friends akong nakakasalumuha rito yan ang mga litanya nila. Ang iba hindi pa nakuntento hihingi yan ng “D*ck Pic”. Ibang mundo. Ibang-iba, kaya minsan iniisip ko ano ba ang lagay ng mga kabataan ngayon? iba na talaga ang thread.
Anyways, mahuhuli na ako sa trabaho ko. Masesermunan na naman ng tatay kong boss ko.
Ang hirap talaga kapag ganito nuh. Parang buong buhay mo kailangan mong ituon sa pagta-trabaho mo lalo pa’t may pressure dahil ang boss mo ay ang tatay mo.
Kailan nga ba ako ulit nakapag-saya? Parang wala na yata akong matandaan. Kung sana nandoon pa ako sa Canada edi sana marami pa akong friends na nakakahang-out.
Eh dito sa Pinas, mabibilang mo sa daliri mo ang mga kakilala ko. Magta-tatlong buwan pa lang ako sa Pinas. At naging masaya naman ako. Kahit na minsan Boring.
Noong una ko ritong punta kakaiba ang sayang naramdaman ko. Ganoon naman siguro ang pakiramdam ng umuuwi at nakakakita ng bagong ambiance. Well, ilang taon rin naman kaming namalagi sa Canada ng nanay ko at ng mga half-brothers kong puti. Kung hindi lang dahil sa tatay kong Pilipino hindi ako basta-basta naririto.
Hinasa ako ng tatay kong magpaka-pilipino sa pananalita. Even though medyo mahirap sa una pero na-immune na rin naman ako dahil yung iba kong friends sa Canada ay kalimitang Pilipino. Lalo pa yung mga katrabaho dati ng tatay ko ay karaniwan Pilipino.
Kaya hindi ganoong kahirap sa akin ang magsalita ng Filipino.
“Hi” – bati ko sa isa kong friends na nasa list ko. Kakaiba kasi ang pangalan niya mukhang sexy hindi pa kasi narerefresh yung DP niya sa BBM so I insist na i-chat siya. Hindi ko talaga mafigure-out yung name niya kaya ayun.
And nagkamali ako, lalaki rin pa lang katulad ko. Hindi ko lang alam kung tunay nga talagang lalaki. HAHA. Mahirap na, maraming manlilinlang ngayon. hehe
Matapos niyang mai-refresh yung DP niya, nakita ko ito agad HAHAHA.. Natawa na lang ako noong makita ito. Well actually he’s kind of guy na lahat ng babae at mga bakla, siya ang habol. There are times kasi, minsan kahit ganito na ako na maraming nagsasabing Pogi daw o Ganoon, Ganyan, eh hindi ako madaling maniwala (pa-humble kumbaga). Kaya minsan na-iinsecure ako sa mga lalaking nakikita kong, sabihin na nating gwapo. Oo, minsan lang naman yun.
Makulit din itong si Viktor, finally nafigured out ko rin kung ano yung name niya, akalain mong naka-ilang Ping kahit na Stephen ang profile name ko. Baka isa ito sa mga kagaya ng contacts ko. Isa sa mga Bi o Gay.
“Ayy sorry Pare, kala ko babae ka my style kasi Profile name mo” – ang sabi ko sa kanya nanghingi ng despensa.
“Ahh ganoon ba? Sige pare, favor na lang pa-BC nalang ng pin ko.”