Nang mai-orient na sila ni Aling Rosing sa kanilang mga respective rooms na tutuluyan nila handang handa na kami sa matinding galaan. Nagbihis kami ng naayon sa klima na aming nararamdaman dito at agad kaming namasyal ng walang humpay sa di kalayuang tourist spot dito.
Nagpiktyuran. Pose dito, pati mga magagandang chicks hindi makakawala sa matinding piktyuran. May iba sa kanila, sila na ang nag-oofer para mapasama sa piktyuran namin at ang madalas naming photographer ay si Alex. Kaya kawawa siya lagi, hindi masyadong nae-eexpose ang kagwapuhan sa kamera.
Walang humpay ang pagbili namin ng sari-saring pagkain. At hindi nauubusan ang aming tiyan para sa pag-imbak sa mga pagakain na iyon.
“Oh mga tol, itry natin yang zip line”
“Oo ba pare game ako! Ewan ko lang sa isang bata dyan?” – sabi ni Viktor na may halong pag-aasar sa hindi ko malaman kong sino sa dalawa ni Alex at France.
“HAHA, sino ba pareng may fear of heights?”
“Pare, kayo na lang sakit na ng tiyan ko eh” – ang pagtugon ni France sa tanong ko.
Nagtawanan lang kaming lahat dahil alam namin na alibi lang niya yun para hindi makasubok ng zip line. Hindi ko alam ang history kung paano siya nagkaroon ng takot sa matataas na lugar.
Eh kahit sino naman talaga matatakot na tumawid gamit lamang ang cable bilang tulay at anumang oras pwede kang mahulog kahit naka-harness ka pa. Mula kasi sa baba nito mahigit ilang talampakan din ang taas. Makikita mong malapitan ang creater at saka tanging ang dalawang magkabilang animo’y bundok lamang ang nag-uugnay sa mga ito.
Sa tingin ko mahaba iyong span ng cable na aming tatawirin. Siguro tama na ang 30 minutes para marating namin yung kabilang dulo noon (OA!!) HAHA.
Ilang oras din naming pinilit si France na pumayag na sa pag-zizipline at para ma-face niya rin yung fear niya about heights. Sari-saring ritual ang ginawa niya. Talagang tawa lang kami ng tawa, dahil aakalain mong matatae siya sa sobrang kaba.
At tumawa pa kami ng malakas noong oras na niya para mag-zipline. Daig pa niya ang sirena ng ambulansiya sa pagsigaw. HAHAHA. Ibang klase, isang matipunong lalaki, pero takot pala sa heights hahahaha.
Natapos ang aming buong maghapon sa mga ganitong gawain. Walang humpay ang saya namin lalo pa’t kasama ko ang mga bago kong kaibigan. At habang pabalik na kami sa resthouse wala namang sawa ang pang-aasaran naming lahat. Para talaga kaming buong barkada na hindi kailanman matitibag. Oha!! At ngayong asaran na ito ang puntirya ay si Alex dahil sa hindi pagsali sa kanya sa mga picturan.
“Alex, tignan mo yung picture mo dito, kakaunti na nga lang kuha mo, blur ka pa HAHAHA” – sabi ni Viktor na sabay-sabay naman kaming naghalakhakan.
Pagkauwi na pagkauwi namin agad kaming dumiretso sa kanya-kanya naming mga kwarto at lahat kami tila pagod sa aming pamamasyal sa kalakhang tagaytay.
Inayos ko ang mga gamit ko sa kwarto. Naligo muna ako at saka nagbihis na para matulog.
Lalabas na sana ako papuntang sala upang kunin yung naiwan kong kamera ng makita ko si Viktor sa sinasabi kong open space at kita ang tanawin mula doon kung saan pwede kaming mag-bonding magkakaibigan. Tila may iniisip siyang malalim. Agad ko siyang tinungo para kausapin.
“Mukhang nage-eemo na naman ang kaibigan ko ha”
“Ah tol hindi! ang sarap lang ng hangin dito. Presko! Para talagang malilimutan mo ang lahat ng problema.”
“Nasaan na si Alex at France?”
“Ayun knock-out! sobra sigurong napagod”