Stephen’s POV
Matapos ang nagyaring yun sa amin ni Viktor. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko sa sarili ko. Sa tanan ng buhay ko ngayon lang ako pumatol sa isang kagaya kong lalaki. Pero hindi ko yun pinagsisisihan. Ganoon naman siguro, kapag mahal mo ang isang tao, lahat siguro ng posible at pwede mong ibigay para sa kanya, ibibigay mo para lang mapasaya siya.
Ang tanging alam ko lang sa ngayon mahal ko si Viktor, masaya ako sa kanya, sa kanya ako natutong maki-ayon sa mga bagay-bagay, siya ang nagbigay sa akin ng bagong mundo ko rito at siya rin ang bawat ngiti at lungkot ko.
Wala ng makakapantay sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Eto siya katabi ko, habang nagpapahinga sa natapos naming pag-aagaw ng lakas. Sabi ko nga wala akong pinagsisishan sa mga yun dahil hanggat nandito ako sa tabi niya ako lang ang dapat makapagpapasaya sa kanya.
Hubo’t hubad kami noon at pawis na pawis ang aming buong katawan, pero hindi ko mawari kung bakit si Viktor ganoon. Parang may iniisip siya ng malalim at hindi ko alam kung ano yun. Si Grace na naman kaya ang iniisip niya?
Nakita ko siyang nakapatong ang braso sa kanyang noo, nakatuon sa kisame at tila hindi maistorbo sa kakaisip ng kung ano. At noong hindi na ako makapagpigil, kinausap ko siya.
“Tol, hindi ka ba masaya?”
“Pare, wala to’.”
“Viktor, kilala kita .. Sorry ha! Naging padalus-dalos yata tayo sa mga pinaggagawa natin”
“Sa tingin mo Stephen tama ba tong ginagawa natin?”
“Viktor, kung yan ang iniisip mo, walang mali sa atin. Mali man tayo ng nagustuuhang kasarian, pero hindi mali yung nararamdaman nating to’. Kailanman, hindi nagkamali ang pag-ibig. Mali man, siguro nasa dalawang tao na rin yun. Kaya Viktor, minahal kita gaya ng pagmamahal mong ibinibigay sa akin. Tol, ayokong nahihirapan kang ganyan.”
“Stephen, I love you”
“Mahal din kita Viktor, alam mo yan. Hindi kita iiwan”
“Sana hindi ka magbago, sana matanggap tayo ng mga taong nasa paligid natin.”
“Basta tandaan natin, walang mali sa kung ano yung nararamdaman natin at kung may mali man, yun na yung mga perception ng tao. Hindi natin sila masisisi at mas lalong hindi natin sila kayang kontrolin. Basta’t masaya ka, wag kang papaapekto sa iba, at habang tama ka.. panigan mo ang yong sarili. At yun, yun ang ating magiging lakas sa mga problema na ating kakaharapin. Maniwala ka lang pasasaan pa magiging malinaw rin sa kanila ang lahat.”
“At kailanman Stephen, hindi ako nagkamali sa nararamdaman ko. Mahal na Mahal kita, pare.. Salamat hindi ako nagkamali ng bituin ko.”