Stephen’s POV
Bumibili ako ng pagkain namin ni Viktor at ng mga aso namin. Nang may biglang nagsisigaw sa likod ko.
“Pare, pare si Miho!”
Agad naman akong lumingon sa likod ko at agad akong tumalima mula sa aking kinatatayuan. Si miho nakatakas pala mula sa pagkakatali niya.
Nagtatakbo agad ako ata agad siyang kinuha.
“Pare, sorry nawala siya agad sa paningin ko eh”
“Ayus lang pare, buti nakuha mo agad yung atensyon ko!”
“Oo naman pare, hindi kasi ako maka-alis agad dun, may dala pa akong dalawang aso. Pasensya na tol”
“Ano ka ba ayus lang yun”
Para mas maka-sure akong wala ng mangyayaring masama sa mga alaga namin, minabuti kong samahan nalang ako ni Viktor sa bibilhan namin ng pagkain.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain, agad naman kaming bumalik sa bakanteng upuan na aming nakita pero, noong bumalik na kami mayroon na palang ibang nakaupo.
Humanap kami ng mas magandang place pero parang wala na talagng choice kundi sa damuhan kami kumain. At yun nga ang aming naging pasya sa damuhan kami umupo at doon pinakain yung mga alaga namin.
Pagkatapos namin kumain nagpasya na kaming umuwi. At habang naglalakasd kami nakita namin yung kapatid ni Viktor na si Ana. At infairness talagang may lahi sila ng kung anong napakagandang genes. Ibang-iba ang aura ng kapatid niya si Ana. Sobrang ganda at parang model ang dating mula sa aking paningin.
“Oh prinsesa, wala ka na bang klase?” – ang pagtatanong ni Viktor sa kapatid niyang si Ana.
Hindi kaya nagtataka si Ana na bakit lalaki ang kasama ng kuya niya. Pero bakit iisipin yun ni Ana e lalaking lalaki kung gumalaw si Viktor at syempre ako. Kaya hindi niya sigurado iisipin yung ganoong bagay.
“Wala na kuya, labas na ako”
“Ah nga pala Ana, si Stephen pala kaibigan ko. Shakehands lang ha”
“Grabe ka pare, HAHA ingat na ingat ah” – ang pag-alma ko sa sinabi sa akin ni Viktor.
“Pare mahirap na syempre, kilala mo naman tayo diba, matinik! Ayoko lang sa kapatid ko.”
Grabe talaga ang pagka-over protective ni Viktor sa kapatid niya para talaga silang mag-asawa ang turingan na magkakamatayan kung sino man ang manakit kay Ana.
“Hi kuya Stephen! :D”
“Hello Ana, wag kang masyadong magpapaniwala diyan sa kuya mo HAHA”
Ang pambabara ko naman sa sinabi ni Viktor sa akin kanina.
“HAHA tol wag mung lasunin ang isip ng kapatid ko HAHA”
“Hindi naman pare HAHA, nga pala Ana sabay ka na sa amin hatid ko na kayo”
“Sige kuya Stephen, salamat po” – ang malambing na pagsagot ni Ana.
Gabi na noong maihatid ko sila sa bahay. At eksaktong naghahain yung mama ni Viktor para sa Dinner nila.
Bumababa na kami at tinulungan ko si Viktor sa pagbababa ng aming mga alaga. At agad naman namin itong ibinababa at itinali sa isang tabi.
Lumabas yung mama ni Viktor at nakita na kararating lang namin.
Agad namang lumapit si Viktor para magmano at humalik sa Mama niya. At sinabayan naman ito ni Ana na agad ring lumapit sa Mama niya.