Chapter 11 - Si Footlong, Si Garutay at Si Miho

1.7K 26 1
                                    

Viktor’s POV

Naging masaya ang bakasyon trip namin sa RestHouse nila Stephen. At doon totally nakalimutan ko na siya siguro. (SAY HER NAME!) Siguro lang naman. Namimiss ko na tuloy agad yung ambiance ng tagaytay. At hindi pala ako nakapagbaon ng preskong hangin dun, para malanghap na parang rugby dito sa Manila.

Nakarating ako sa bahay naming naabutan ko pa yung kapatid ko at namiss ko siya ng sobra.

“Prinsesa ko, namiss kita :D”

“Tse, hindi ka man lang nagsasabi kung saan ka pupunta kuya. Tapos nagtetex ako sayo hindi ka nagrereply, even calls – out of coverage *pout*”

“Ang cute talaga ng prinsise ko, wag ka na magalit namiss ka ni kuya”

“Oo na panalo ka na”

“Wala kang pasok?”

“Merun kuya, paalis na nga ako tamang tama yung pagdating mo HAHA. Ang gwapo mo ngayon kuaya ha sobra. At saka parang prinsipe ka talaga sa palasyo :D”

“Alam ko na yan. Nagpapalakas? Oh eto na! Huwag mo lang akong bobolahin”

“I love you kuya, mwahh”

Sabay halik sa pisngi ko at sabay alis na patungo sa school niya. May pasok ako dapat ngayon pero since kararating ko lang sa amin, hindi na ako pumasok. Bukas na lang siguro. Okay na yun.

Umakyat na ako papunta sa aking kwarto, inihagis ang lahat ng dala-dala sa kama at ang sukbit ng bag. Agad nagbihis at dumiretso ako kay footlong na miss na miss ko na.

At tama ang hinala ko pagkakita na pagkakita niya sa akin agad niya akong sinugkaban at pinagdila-dilaan. Napahiga ako at tila nakikipaglaro sa kanya. Namiss ko talaga si footlong. Ilang araw rin kami hindi nagkita ng aso ko.

Pinaliguan ko siya at agad sinet-up ang mga kakailanganin ko. Tinungo ko ang aming garahe at doon siya pinaliguan at nilinis. Sinabunan ng mabuti at kinutuhan. Matapos kong asikasuhin si footlong tinungo ko ang aking kwarto, at oo nga pala hindi ko pa nabubuksan ulit ang BB ko. Tskkk.

Pumunta ako sa cabinet at kinuha yung charger para i-charge ang BB ko. Haaayy bakit nga ba kasi ang bilis malowbatt ng BB ko. Anak ng teteng namang yan oh. Promise mamaya magdedelete na ako ng friends, pero naawa ako sa kanila eh. Pero, kailangan eh kaya gagawin ko.

And what do I expect to, sigurado tadtad na naman ako ng BC, anak ng tofu! Pero sabi ko nga hindi ako dapat magreklamo.

Hindi ako nagkamali. 358BCs and PM at hindi ko na lahat binasa to’ at dinelete ko na lahat.

______________________________________________

A/N: BBM TIP

Sa mga BBM users, kung nahihirapan kayo sa pagbura isa-isa ng mga BCs. Punta kayo ng messsage list, hindi yung sa text messaging ha. Tapos point nyu yung cursor dun sa pinakatop then press menu key, delete prior, then YES. Voila wala na lahat yan.

Pero kung ayaw mo naman ng ganoon at may gusto kang itago na mga messages. Para sa mabilisang pagdedelete ng msg sa BBM - ALT+DEL. Mas mabilis yan kumpara sa usual na pagdedelete na kailangan mo pang i-confirm. :D

______________________________________________

Hindi ko namalayan pini-Ping pala ako ni Stephen. Haaay naalala ko na naman kagabi. Hindi niya lang alam may halong pananantsing yung ginawa ko sa kanya. Nahawakan ko na rin sa wakas yung kamay niya. Pero anak ng tokwa! Bakit ganito iba talaga yung feelings ko sa kanya. Hindi ako bakla alam ko yun. Sa dinami-dami ba naman ng girls na nagkakandarapa sa akin, sa lalaki ako iibig? No way!!! Pero paano nga kung ganoon? Ahh basta hindi!! HINDI!!

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon