Chapter 19 - Aftershock

1.4K 22 3
                                    

Stephen’s POV

 

Ang tagal naman ni Viktor umihi. Nagsisimula na ulit magperform yung Maroon 5 pero wala pa siya. Ano ba talagang ginagawa niya. Baka naman jumejebs na siya. Hayy naku! Nahiya pa ba sa akin. Mahigit 20 minutes na oh. Wala pa rin siya.

Hindi na ako nakapagpigil at pumunta na ako sa C.R. at habang papunta ko doon, parang may ibang kabog ang sinasabi ng dibdib ko. Eh ano naman kaya yun.

Ang ingay ng mga tao grabe. Kung ako kaya ang sumikat ng ganto, ganito rin kaya ang magiging pagtanggap sa akin ng tao. Well, hindi ko alam. Pero tssskk si Viktor talagang hindi ko alam kung ano na nangyari. Isang drum ba ang kailangan niyang iihi? O baka naman nagpapapogi pa ng husto para sa akin. Basta ang sa akin. He’s a lot. Wala ng makakapantay pa.

Habang naglalakad ako papunta sa C.R. hinanap kong maiigi si Viktor. Papalapit ng papalapit na ako sa male C.R. tinatanaw ko kung nandoon pa si Viktor pero wala doon. Anak ng Tofu! Saan naman kaya nagsusuot yun?

Maya-maya pa lumapit ako sa C.R. papalapit ng papalapit mula doon sa pinto, hinahagailap pa rin ang buong viscinity at nagbabakasakaling makkikita ko si Viktor. At nagulat ako sa aking nakita.. Hindi ako nagkakamali si Viktor yun at hindi ako magkakamali ng hinala siya yung babaeng nasa litarato na ipinakita sa akin ni Viktor, siya yun, siya yun si Grace.

Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Ang tuhod ko’y tila nawalan ng lakas. Nangingilid na ang luha ko sa aking mata, at siguro anumang oras ay papatak na ito. Hindi ko kinakaya ang mga eksenang ganoon. Ikaw ba naman, makita mo yung taong mahal mo kahalikan ng iba, anong mararamdaman mo at malalaman mong iyong taong yun ay may kinalaman sa nakaraan niya, ang saklap diba?

Minulat ni Viktor ang kasarapan niya sa pagsiil sa labi noong babaeng si Grace ang hinala ko. Ako ang una niyang nasilayan na bumungad sa kanyang mata ang pagkabigla ko sa aking nakita.

At hindi ko na kinaya ang pangyayari, dire-diretso ako sa exit door. Tinungo ko yung parking lot, agad umalis at pinaharurot ang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan ako patungo pero bakit ganito ang saklap. Kala ko ba nag-usap na kami na wala ng Grace na papagitan sa amin. Niloko niya lang ba ako? Mali ba ang pagkakakilala ko sa kanya? Plinano niya ba tong magkita sila ni Grace? Ang hirap.

At this time hindi ko na mapigilan ang tumulo ang luha ko. Walang nakakarinig sa aking mga hikbi. Hindi ko alam talaga kung saan ako pupunta. Talagang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Yun bang pinagkatiwalaan mo siya ng sobra pero ito yung ipapalit niya sayo. Sobrang sakit.

Sa aking pagda-drive, at sa sobrang sakit ng nararamdaman may natanaw akong isang bar. Siguro, tamang doon ko na lang ilabas ang sama ng loob na aking nararamdaman. Tamang ibigay ko sa alak ang aking kalungkutan. Tutal walang handang makinig sa akin, dahil kami lang ni Viktor ang nakakaalam ng totoong namamagitan sa amin. Ang hirap ng ganito. Wala kang malapitan, wala kang mapagsabihan at wala kang mahingiaan ng payo. Parang ang lahat ng malulungkot na bagay bumagsak na sa akin.

Puro katanungan ang nasa aking isip. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko talaga alam.. Hindi..

Pinark ko ang aking sasakyan sa may parking area doon. At agad-agad dumiretso sa bar.

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon