Viktor’s POV
Isang umaga ang aming kinamulatan sa sikat ng araw na talagang nanghahalina na ikaw ay tumayo na mula sa iyong kinahihigaan.
Ang sarap ng klima dito sa Tagaytay, parang ang pagtulog ang magiging hobby mo kapag taga-rito ka. Yung hangin, ibang-iba sa nalalanghap namin sa Maynila. Kung sana pwedeng mag-uwi ng hangin bakit hindi, at talagang magbabaon ako ng sobra.
Kinamulatan ko ang pagkatok ni Mang Ambo mula sa pinto ng aking kwarto kasama ng pagtama sa aking mukha ng liwanag na dala ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
Noong magising ako ni Mang Ambo, agad akong naligo pero mayroong takot na nanaig sa akin. Parang kapag nagbuhos ka ng tubig magpe-freeze ka sa sobrang lamig.
Hindi mo na kailangan pang bumili ng yelo sa labas para sa inumin mo dahil pagka-bukas mo pa lang ng gripo agad mong mararamdaman ang lamig ng klima ng Tagaytay. Pero na-face ko naman ang takot ko sa pagligo. Una, hindi ako nagpa-apekto sa nararamdamang lamig at unti-unti ko na lamang fineel ang lamig kasama ng aking buong katawan ko. Pangalawa, dampi-dampi lang sa una, hayaang mong iwisik ang mumunting droplets ng tubig sa katawan mo. At panghuli, ang pagsign of the cross, at humanda na sa naka-ambang paglamon sayo ng lamig. Magbilang ka, ipikit ang mata at agad buksan ang shower. At promise ko pag nasa ganitong eksena ka, ulo lang ang una mong babasain, parang naka-90 degrees ang katawan mo sa pagsalo sa pumapatak na tubig.
Tok! Tok! Tok!
“Pare, kakain na sa baba gising na.”
“Oo pare saglit na lang tapos na ako”
Binuksan ko ang pintuan ko mula sa kanyang pagkatok, at agad bumungad sa akin ang tila mala-anghel na mukha mula sa aking harapan. Parang tuwing umaga na gigising ka siya ang nais mong makita. Parang yung stress mo matatanggal lahat kapag siya ang nakita mo. At parang lilipad ka sa kalangitan kapag yung itsurang yun ang palagiang magpapasaya sayo. Parang lang naman.. Ano ba to’? Anak ng Tokwa oh! Erase Erase Erase.
“Oh, Stephen, pare Good Morning. Tara na!”
“Okay ka na ba?”
“Oo naman pare, salamat kagabi. Tama ka nakagaan nga siya ng loob. At saka salamat dahil naging karamay kita kagabi, ilang araw ko ring kinikimkim yung mga luhang yun e”
“Ikaw pare ha! Umiiyak ka pala, big boys don’t cry HAHAHA”
“Pare, HAHA hindi na ako iiyak dahil sa lintik na pag-ibig na yan”
“Oh ano pare tara na?”
Bumababa na kami at naghihintay sa amin sina Alex at France. Dumiretso agad kami sa kusina, at doon nakita namin ang mga swapang naming kaibigan na hindi na nakapaghintay at kumakain na.
“Astig mga tol ahhh, HAHA hindi nyu man lang kami hinitay.” – ang sabi ko sa kanila.
“Eh ang tagal nyo eh, gutom na kami. Upo na kayoo” - sabi ni France.
“Oh mga pare pagtapos natin dito may pupuntahan tayo, next destination natin ito, exciting... ngayon lang kayo makaka-experience nito. HAHA” – ang pang hahalina sa amin ni Stephen.
“Wow pare, babae ba yan. Eh wag na tayong magpatumpik-tumpik pa dito tara na!” – ang sagot na swapang na si Alex.
“*batok* wala ka ng inisip kundi babae, mabuti pa kumain na tayong lahat at mapuntahan na yang exciting na lugar na sinasabi mo pare. HAHA” – ang pagsasalita kong punong-puno ng kalidad sa mukha. HAHA