Stephen’s POV
Talagang namesmerized ako sa boses ni Viktor at hindi ko na malimutan ang nagmarka sa aking liriko na parang sa pagkanta niya kinakausap niya yung puso ng tao at talagang mapapa “Aaaahhhhh” ka talaga. May mangha factor talaga ang mangingibabaw sayo.
“Pare okay na ba yun?” – tanong niya sa akin.
“Tol, sigurado ako, kung nagsasalita lang yang bituin na yan sasagutin ka na niyan”
“Talaga pare?”
“Oo at promise tol ipagdadasal ko para matagpuan mo na siya.”
“Sana nga pare. Salamat”
“At tol, kalimutan mo na si Grace, walang mangyayari sayo HOLD YOUR HEAD UP HIGH nga diba”
“Tol, Oo, natauhan na ako. At salamat sayo, malaki ang utang na loob ko sayo. Mula noong dinala mo ako doon sa lugar kung saan ka naglalabas ng sama mo ng loob sa mundo - Lahat ng iyon iniwan ko na dun at pinapahid ko na sa hangin”
“Walang anuman yun tol”
“Pinapangako ko pare sayo, huling beses mo na sa akin maririnig ang pangalang Grace, pangako”
“Yan ganyan pare, keep it up. Tignan mo yung star na yun yung tinuturo mo, kumikutitap siya ngayon. Parang nangungusap. Na-inlove yata sayo ng todo pare dahil sa panghaharana mo.”
“Talaga tol? Ayus lang ba talaga”
“Oo, kung ako nga ang babae, dadakmain agad kita at yayakapin e”
“Kaw talaga pare oh”
Patuloy kaming nakatitig sa lawak ng kalangitan at si Viktor nakatuon lamang sa nag-iisa niyang bituin na ang sabi niya’y para sa kanya talaga.
Hindi mo masisisi si Viktor dahil alam ko kung paano siya magmahal. As in wagas. At sa palagay ko siya ang taong hindi dapat niloloko at iniiwan basta-basta dahil sa katulad niya, mararamdaman mo sa huli ang panghihinayang.
“Tol, sa tingin mo sa dinadami-dami ng bituin na yan, sino kaya yung para sayo?”
“Pare, kung lahat sila iisa-isahin mo mahirap talaga. Hayaan mong panahon ang makapagsabi sa atin at alam ko darating yung araw na yun na makakakilala ako ng seryosong tao na mamahalin ako ng wagas.”
“Oo tol! Iniisip ko rin yan.”