Chapter 21 - Si Mama

1.3K 27 3
                                    

Viktor’s POV

Matagal na rin ang hindi namin pag-uusap ni Stephen. Parang ang bawat araw na lumilipas kinikitil ang buhay ko. Hindi ko alam pero sobrang lungkot ang sa akin ay bumabalot.

Ang masaklap sa aking parte hindi niya magawang kausapin ako, para magpaliwanag man lang sa nagawa ko sa kanya. Mahirap para sa akin ang mga susunod pang mga araw, mga araw na hindi ko siya kapiling, mga araw na sana masasaya kami, mga araw na dati’y puro halakhak lang namin ang naririnig, mga araw na hindi matatawaran at ang mga araw na sana’y magbalik na.

Para akong nawalan ng gana sa buhay ko simula noong nawala si Stephen. Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng buhay ko. Lagi akong gumagawa ng way para mag-usap at magkita kami. Pero, wala..wala akong nakuha sa kanyang ni katiting na pag-aalala.

Grabe ba talaga yung ginawa ko sa kanya na hindi niya ako magawang alalahanin.

Gumigising ako araw-araw na siya ang laman ng isip ko. Walang araw ang lumilipas na imine-message ko siya. Pero ganoon pa rin ang senaryo. Walang response galing sa kanya. Mga ilang araw rin lumipas ang ganoong senaryo.

Sina mama nag-aalala na sa kalagayan ko, napapansin ang pagkamalungkutin ko. Nanagagayayat, at palagian ng nagkukulong sa kwarto. At noong isang araw pumunta si mama sa kwarto ko.

“Anak gising ka pa ba?”

“O-opo”

“Papasukin mo ako anak”

Binuksan ko ang pinto na walang kabuhay-buhay. Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay ni mama sa akin.

“Viktor, bakit ganito naman ang kwarto mo?”

“Ah Ma, wala po yan bukas na lang po ako maglilinis.”

“Gusto mo ba tulungan na lang kita dito?”

“Wag na po Ma kaya ko na po”

Napansin ni mama ang laging kong pagkamalungkutin, kaya siguro siya pumunta dito ay para kausapin ako.

“Viktor, anak ano ba talagang nangyayari sayo?”

“Ma, wala po okay lang po ako” – habang binibigyan ko siya ng pekeng ngiti.

“Viktor, anak kita at alam ko lahat tungkol sayo. Simula pa lang nababasa ko na ang mga galaw at kilos mo. Wala kang pwedeng itago sa akin. Sabihin mo sa akin si Stephen ba?”

Nagulat ako sa sinabing pangalan ni Mama. Hindi ko lubos akalain na manggagaling sa kanya yun, at ang nais niyang ipahiwatig ay nagkakaganito ako dahil kay Stephen.

“Ah Ma, hindi po wala po ito”

“Anak, nandito lang ako, naiintindahan ko yang nararamdaman mo. Nanay mo ako. Viktor, okay lang naman sigurong magbawas ka ng bagahe dyan sa puso mo. Hindi makakabuting iimbak mo lahat ng sama ng loob mo dyan sa puso mo ng mag-isa lang. Para ka nitong pinapatay unti-unti. Hindi ka muling makakabangon sa pagkakalugmok mo kapag marami ka pang bagahe. Kaya Viktor, nandito ako para bawasan yang dala-dala mo.”

Umupo kami ni Mama sa kama ko. Kinausap niya ako ng masinsinan.

“Ma, ang hirap po pala kapag nagmahal ka ng tunay noh”

“Anak, lahat ng nagmamahal nasasaktan. Kumporme, kung ano ang estado ng dalawang taong yun, pero ang mahalaga nasasaktan ka. Ibig sabihin tunay yang nararamdaman mo sa kanya.”

“Ma, tama po bang pakawalan ko na lang yung taong yun, dahil sa sobra na kaming nahihirapan?”

“Anak, depende yun. Kung hindi mo na kayang makipaglaban sa kanya, i-let go mo siya. Pero kung ikaw mismo na nagsasabi na kapag mawala siya ay parang wala ka ng buhay, gumawa ka ng paraan para ibalik ang lahat ng yun. Hindi binigay ng Diyos ang buhay na ito para lang tamasain ang sarap, lagi mong tatandaan  na mayroong punto sa buhay natin na kailangan nating danasin ang hirap. Pero, wag mong iisipin ang hirap na yun ay hindi mo malalagpasan. Dahil, tandaan mo, ang lahat ng paghihirap ay may kaakibat na katamisan sa huli”

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Kitang-kita ni mama ang bawat pagbagsak ng mga ito. Ngayon lang mayroong muling nakinig sa akin sa mga problemang ganito, dahil alam ko kung sasabihin ko to sa mga kaibigan ko hindi nila ako lubos maiintindihan.

“iiyak mo lang yan anak, makakabuti yan sa pagbabawas ng bagahe mo. Nandito ako para umalalay sa iyo”

Naramdaman ko kung gaano ako kamahal ni Mama sa mga oras na yun. Ibang iba talaga ang pagmamahal ng sarili mong kadugo. Hindi ko lubos akalain na sa katulad kong figure na lalaking-lalaki, sa kanya pa ako umiyak ng husto. Sa nanay kong hindi ako kailanman hinayaan, sa nanay kong pinuno ako ng pagmamahal at sa nanay kong naging simula ng aking buhay.

“Ma.. Salamat sa pag-intindi sa akin, ang tagal ko po itong dinala mag-isa. Akala ko wala na akong mapagsasabihan ng ganito”

“Anak, Viktor, nanay mo ko, matitiiis ba naman kita?”

Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Walang pagsambit ng salita ang lumabas sa amin. Tanging ang mga puso lang namin ang nag-uusap sa mga oras na yun.

“Ma, salamat po talaga ng sobra.”

“Napapansin ko kasing hindi na kayo madalas lumabas ni Stephen eh. May kinalaman ba to’ sa kanya?”

“Ah, Ma wala po” – ang pagdedeny ko kay mama. Pero, marahil alam na niya yun. Siguro, hindi pa tamang panahon para sabihin iyon sa kanya.

“Ano ngayon ang plano mo?”

“Ipaglalaban ko po siya Ma at papatunayan ko kung gaano siya kahalaga sa akin. At kailangan kong makipag-usap sa kanya.”

“Basta anak tandaan mo, ipaglaban mo kung nararapat, ipaglaban mo kung siya yung nagpapasaya sayo at ipaglaban mo kung siya yang laman ng puso mo. Nandito lang kami ng papa at kapatid mo na handang tumulong sayo. At kung dumating ka sa puntong hindi mo na kayang makipaglaban, darating ang panahon na siya mismo makikipaglaban para ibalik yung dating masasayang araw ninyo.”

“Opo Ma, salamat at nabigyan nyo ako ng linaw”

“Basta anak sabi ko sayo nandito lang ako kapag kailangan mo.”

“Ma, I love you” – hindi ko to’ madalas sabihin sa Mama ko pero ngayong naramdaman ko ng sobra ang pagmamahal niya sa akin, siguro wala ng sasarap pa para sa isang magaulang na malaman at marinig ang ganitong kataga na galing sa kanilang anak.

“Mahal na mahal din kita Anak. Wag ka ng malungkot ha, patuloy mo lang siyang ipagdasal. Pasasaan pa magiging okay din ang lahat. Bukas mo na isipin yan ha, kailangan mong matulog at magpahinga ng maayos”

“Opo Ma.”

Lumabas na ng pinto si mama. Gumaan kahit papaano yung nararamdaman ko sa ngayon. At salamat talaga sa butihin kong nanay.

Natulog na ako at maghahanda na ako para sa plano ko bukas. Kailangan ko na talaga siyang makausap at gagawin ko lahat ng possible way para maiayos na ang gusot na to’ promise.

_________________________________________

A/N: Sorry ngayon lang po nakapag-update. Kaway-kaway po tayo. :D

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon