Stephen’s POV
Kinamulatan namin ang isang umaga, ginising ako ng liwanag na nagmumula sa kaunting puwang sa aming kwarto. Hindi ko namamalayan, alas-diyes na ng umaga at malamang tirik na tirik na ang araw sa labas.
Hubo’t hubad na katawan ng katabi ko ang bumungad sa aking mata. Ibang klase talaga si Viktor. Wala na sigurong mas sasarap pa sa eksenang ganto, yung nakikita mong natutulog yung taong mahal mo na habang hinahaplos-haplos mo yung ulo niya at nilalaro yung kanyang buhok *kilig.
Pinagmamasdan maiigi yung hulma ng kanyang mukha at ang bawat hubog ng kanyang katawan. Hindi ko alam na sa mokong na to’ ako iibig ng husto. Pero ganoon naman talaga ang pag-ibig eh hindi mo alam kung kanino ka talagang tao nakalaan. Pero, kung nandyan na yung taong nagpapasaya sayo, ituring mo na lang siya na para sayo talaga at doon, magiging mas matatag ang pagsasamahan ninyo.
Unti-unti niyang minulat ang mata niya at tila hindi pa alam talaga ang nangyayari, habang ako’y nakatingin lang sa kanya, nakapako ang tingin. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata..at nagpabali-balikwas ng bahagya ang katawan.
“Good Morning” – ang bungad na bati niya sa akin.
Hindi ko ito sinagot sa halip sinagot ko to’ sa pamamagitan ng halik. Siguro, mas mapapatunayan ko yung pagmamahal ko sa paraang ganoon. Dahil kahit gaano pa kabaho ang kanyang bibig, singlakas man ito ng amoy ng alak, singbaho man ng jackfruit na panis at sing-amoy man ito ng utot na sumira sa natatanging world trade center ng US – gagawin at gagawin mo pa rin halikan siya mapadama mo lang kung gaano mo siya kamahal.
“Naku ito namang mahal ko hindi na nagsawa sa akin. Ang aga Stephen ha!”
“Viktor, gusto ko lang malaman mo na nandito ako palagi sayo”
“Alam ko naman yun diba...at ako rin naman nandito rin para sayo. Hindi kita iiwan”
“Promise?”
“PROMISE”
Agad niya akong niyakap at damang-dama ko kung gaano niya ako kamahal. Sana talaga hindi na matapos yung ganitong eksena namin, pero alam ko ang lahat ng ito ay patikim lang sa mga nakaambang mga problema sa amin. Alam ko naman sa sarili ko na nakahanda kami parehas sa maaring kahihinatanan ng aming relasyon, hanggat napapatunayan namin sa sarili namin na mahal na mahal namin ang isa’t isa..Hindi basta-basta mawawala yun. Hinding hindi kailanman masisira.
Gumising kami ng masaya, sabay naligo, sabay nagtootbrush na naghaharutan pa habang ginagawa ito. Ang game yata namin noon ay paramihang bula ang magawa namin sa aming bibig na hindi ito ibinubuga, yung parang masusuka ka na as in dahil sa nauumay ka na sa lasa ng toothpaste. Pero, parehas kaming hindi nagpatalo at syempre ang nagwagi ay ako. HAHA
Sabay kaming namili ng damit na aming susuotin sa pangalawang araw ng aming tila honeymoon HAHA..at hinding hindi mawawala sa outfit namin ang shades oyeah. Nagpicturan muna kami at syempre sari-saring pose ang nagawa namin.
Agad kaming nagbihis ng appropriate sa lugar. Alam namin na medyo maraming tao na kapag umaga at ganitong katirik ng araw. Oyeahh its summer, pero parang hindi naman haha. Nag-aasume lang naman talaga kami..
Pinahanda ko sa nagsisilbi sa amin ang aming agahan. At gaya ng sabi nila tawagan lang naman namin sila sa baba at okay na ang lahat, at ganoon nga ang ginawa ko.
Sabay kaming bumaba ni Viktor syempre ng may ngiti pa rin sa aming mga labi. Masarap tignan ang tanawin at nakakaenganyo talagang kumain ng masasarap na pagkain na inihain sa amin.
Agad naming tinapos ang aming pagkain dahil alam kong parehas kaming sabik sa activities na aming gagawin dito.
At ang una naming gustong itry ay ang Jet Ski.
Agad naman kaming nagtanong kung magkano ang fee dun at saan pwedeng magrent ng Jet Ski. Ayun nga dinala kami ng nagsisilbi sa amin kung saan dapat kami magtanong ng ganoon.
Una sa aming pinagawa ay ang maglagay ng life vest. Tinakpan talaga ang matitipunong katawan namin. HAHA. Una nakakatakot kasi hindi mo pa gamay kung paano iyon gagamitin. Ako pa naman ang driver haha at ako ang maghahatol kung kami ba ay mamatay na ngayon o hindi.
Nakahawak naman sa akin mula sa likod si Viktor na animo’y walang katakot-takot sa mga ganitong gawain, well, oo siya na talaga marunong lumangoy.
At noong pinahururot ko na yung Jet Ski, agad naman kaming humarurot mula sa dalampasigan at biglang napayakap sa akin ng husto si Viktor, as in sobrang higpit.
“Stephen, bagalan mo lang”
“Natatakot ka? Eh ikaw nga tong marunong lumangoy sa atin.”
“Oo nga’t marunong akong lumangoy eh paano kung may pating?”
Syempre ako mapang-asar at gusto rin namang yumakap siya sa akin ng mahigpit, pinatakbo ko pa ito ng mabilis .. mabilis na mabilis na tanging pagsalpok lang ng hangin ang tumatama sa aming mukha.
“Sttttteeeeepppppphhhhhheeeeennnnn”
Ang pagsigaw ni Viktor na parang nagdedeliryo sa sobrang kaba. Agad ko namang hininto ito sa mahinang pagtakbo.
“Viktor, ano ka ba hindi naman tayo mamatay..Take note naka-life vest tayo”
“Basta wag mung bilisan nalulula ako.”
“Opo boss”
Naging masaya naman yung activity naming iyon at hindi kami nakuntento at trinay naman namin ang banana boat riding. Aaminin ko talagang may takot ako sa pagsakay dito, hindi sa mabilis ang pagtakbo nito kundi kapag lumiko ito siguradong hulog ka, wala kang kawala...hindi pa naman ako marunong lumangoy. Pero ayos lang yun kasama ko naman si Viktor e ^_^.
Matapos yun sinubukan namin ang extreme sport na wakeboarding.. Astig to’ mga dre. Ngayon ko lang to’ natry at ito ay sobra talagang extreme astig talaga mga dre.
Sunod naman naming trinay ang pinakahuli ay ang snorkeling na kitang-kita mo talaga ang ilalim ng dagat at sobrang ganda nito as in. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung nakita namin, samu’t sari specie ng isda at kung anu-ano pa at ang tanging kumikasyon lang namin nun ni Viktor ay yung pag-sign sa kamay.
Naging masaya ang lahat ng aming activity na natry. Exciting mga dre, lalo pa’t kasama ko si Viktor.
Matapos naming mapagod sa lahat ng ginawa naming activity, agad akong nagpahanda sa nagsisilbi sa amin ng pagkain. At agad naman namin itong sinungkaban dahil totoong nakakagutom ang lahat ng pinagagawa namin pero masaya talaga as in.