Chapter 14 - I Love You

1.8K 47 5
                                    

Stephen’s POV

 

Pare, MAHAL KITA

 

Pare, MAHAL KITA

 

Pare, MAHAL KITA

 

Tama ba ang narinig ko mula kay Viktor mahal niya ako. Paulit-ulit tong pumapasok sa tenga ko. Paulit-ulit nitong kinakalampag ang aking isipan. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako makapagsalita sa nalaman kay Viktor. Ni kusing na paggalaw hindi ko nagawa. Nagulat talaga ako sa sinabi ni Viktor. As in OHH Maaayy Gaaadd!!!

“Pare, sorry alam ko hindi tama to’ pero alam ko sa sarili ko, Stephen hindi ako bakla. Kusa ko lang to naramdaman. Sorry talaga pare”

 

Hindi ako umimik, nag-isip ng mabuti sa aking sasabihin. Kahit papano naman kasi naging maganda yung attachment namin ni Viktor at alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na rin siya.

Hindi ko namamalayan nangingilid na yung luha ni Viktor at anumang oras bibigay ang mga luha niyang ito. Hindi pa rin ako makagalaw o kahit pagsasalita ay hindi ko ginawa. Pero nung nagsalita si Viktor nang...

“Kasalanan ko ang lahat, okay lang tol kung lalayo ka sa akin. Maiintindihan ko.”

 

“Tol, wala kang kasalanan nagpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo”

 

“Hindi ka galit pare?”

 

“Bakit naman ako magagalit, Viktor una pa lang ang gaan na ng loob ko sayo. Nung una kita makita namesmerized mo na agad ako. Madali akong na-attach sayo at siguro nakatulong rin sa pag-build up natin yung pagiging mag-bestfriends natin. Tol, kaya wag mong iisipin na may kasalanan ka”

 

“Tol, ang hirap kasi ng ganto eh, nagmamahal ka sa hindi naman pwedeng tao”

 

Hinawakan ko yung kamay niya. Tumayo mula sa pagkakahiga at humarap sa kanya at dineretso ko ang pagtingin sa kanya hawak-hawak ang magkabila niyang pisngi.

“Makinig ka Viktor, diba sabi ko sayo nandito lang ako sayo palagi at hindi kita iiwan. Tol, malaki ang naitulong mo sa akin sa pagiging kaisa ninyo sa lugar na ito, dito sa Pinas. Ikaw ang naghimok sa akin na magkaroon ng kulay ang lahat”

 

“Tol, wala naman yun sa akin. Kaibigan kita tol kaso hindi ko alam kung bakit ako nahulog sayo ng ganito”

 

“Pare, bakit ako?”

 

“Pare, kapag nagmamahal ba ba kailangan may rason? Hindi ba dapat wala naman. Hindi pagmamahal ang tawag dun kung may dahilan ka, dahil ang alam ko kapag nagmahal ako wala akong dapat pagbabatayan. At kung merun man magiging isa akong sinungaling sa nararamdaman ko. Hindi ba mas masakit yun sa taong mamahalin mo. Sinabi ko sayong mahal kita pare. At hindi kailanman magiging mahal kita, Stephen dahil .... ganito ganyan!. Mahal kita, Stephen, period.”

Status: I love you, Pare (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon