12 --- Knife

39.1K 1.7K 184
                                    

 

”Hindi ko iiwan si Lucas.”

________ _ _ __

NAPAMURA MULI si Damasen habang may hinahanap sa bag niya. May inilabas siya na isang gintong patalim mula sa bag niya at ilang sandali’y lumapit sa amin ni Ares.

        “Kailangan na nating makapunta agad sa bahay ni Louise.” Wika niya sa amin.

        “Pano sila?” Tanong ko sa kanyang habang nakatingin sa mga kaklase namin at mga tao sa labas ng room namin. Hanggang ngayon kasi ay para pa ring silang istatwa at walang kulay pa rin ang paligid.

        “Maayos na rin sila pagkaraan ng limang minuto kaya kailangan na nating bilisan.”

        Lumapit sa akin si Ares at noong tinakpan niya ang mga mata ko’y bigla kong naramdaman na para bang may nagbago sa paligid. Hindi ito katulad noong ginawa sa akin ni Lucas, ‘nung debut ni Louise na tila ba’y inilipad niya ako. Yung kina Ares, para bang inilulubog ang katawan ko sa lupa at bigla na lang ako iluluwa nito. At sa pagdilat ko, nasa harap na kami ng bahay ni Louise.

        Sinundan ko sila Damasen noong pumasok sila sa loob. Pagka-apak na pagka-apak ko pa lamang sa loob ay ramdam ko na agad ang masamang elemento. Walang katao-tao rito sa bahay nila. Ni wala iyong mga pinagmamalaki ni Louise na limang katulong, masayahin at mayaman niyang mga magulang at tatlong aso nila na paga-gala lamang sa loob ng bahay.

        “Dyan ka lang, Leah.” Wika sa akin ni Damasen.

        Nag-ikot sila sa paligid habang ako naman ay papunta sa may dulo ng unang palapag ng bahay nila Louise. Lumingon muli ako kina Ares at nakita ko silang paakyat na ng hagdanan. Dahan-dahan akong dumiretso sa pupuntahan ko na isang pintuan. Mas okay na tulungan ko sila sa paghahanap kung nasaan sila Lucas kaysa naman tumunganga lamang ako ‘ron.

        Pagkabukas ko ng pintuan ay masangsang na amoy agad ang sumalubong sa akin. Lalabas na sana ako ngunit para bang may tumulak sa katawan ko papasok ng kwarto. Pagkalingon ko sa pintuan ay kusa na itong sumara.

        Tumayo ako sa pinagbagsakan ko. Madilim sa kwartong kinalalagyan ko, wala akong naaninang na bukas na bintana at kung ano pa man. Nakakasulasok ang amoy sa loob ng kwartong ito at sa tingin ko’y di ko kakayanin na magtagal dito kaya umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pinto. Sinubukan ko itong buksan ngunit ayaw nitong bumukas. Pinagkakalampag ko ito at sumigaw ako nang sumigaw. Mas tumitindi ang amoy sa kinalalagyan ko.

        “Shhh.”

        Napatigil ako sa pagsigaw.

        “Wag kang maingay. Baka marinig ka niya.”

        Biglang nanginig ang buo kong katawan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

        “Shhh.” Muli niyang sinabi.

        At sa pagkakataong iyon, ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa kaliwang tainga ko.

        “Baka patayin ka rin niya kagaya ng ginawa niya sa amin.”

        Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili akong nakatayo roon. Walang kagalaw-galaw. Hanggang sa biglang nagbukas nang kusa ang ilaw sa loob ng kinalalagyan ko. Natatakot akong lumingon. Natatakot ako sa kung sino ba ang nagsasalitang iyon. Ngunit kailangan kong labanan ang takot na nadarama ko kaya ilang sandali’y dahan-dahan akong lumingon. At hindi ko maipaliwanag ang gulat na nadama ko.

        Sa harapan ko ay nakasabit ang pitong bangkay, wakwak ang ibang katawan at ang iba naman ay nawawalan ng mga parte ng katawan. Mayroon ding tatlong patay na aso na narito. Ang isang aso ay nakasuksok sa wakwak na tiyan ng isang bangkay. Ang isa naman ay nakasabit katulad ng iba at iyong isang malaking aso ay nasa lapag habang wakwak rin ang tiyan. Pinagpyepestahan ang bawat bangkay ng mga insekto at ngunit nakakapagtaka na mukhang hindi naagnas ang kanilang katawan at mukhang sariwa pa ang dugo sa mga katawan nila.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon