EPILOGUE

22.2K 735 224
                                    



4 YEARS LATER

January 31, 2018

"Lahat tayo ay may kanya-kanyang demonyo na tinatakbuhan. At sa paglingon ko sa kanya, naabutan na niya ako."

Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang iyon habang ako'y naglalakad sa isang napakadilim na lugar. Nakalipas ang ilang segundo ay may lumitaw na maliwanag na ilaw sa may dulo. Habang papalapit ako rito ay ang mas lalo naman paglakas ng boses na naghahari ngayon sa paligid. Paiba-iba na rin ang boses nito hanggang nagsabay-sabay na sila sa pagbigkas.

Bago pa man ako makarating sa liwanag ay kumalat na ito sa buong paligid. Napapikit na lang ako dahil sa pagkasilaw.

Sa pagdilat ko'y nadatnan ko ang sarili ko, apat na taon na ang nakalilipas. Nakatayo siya sa harap ng salamin sa dati kong kwarto... sa bahay naman dati nila Mama't Papa.

Noong buhay pa sila...

Nakatingin ako sa umiiyak na kamukha ko. Sinubukan ko siyang lapitan at hawakan sa balikat ngunit lumagpas lamang ang aking mga kamay.

Hindi ko siya maabot.

Tumalikod siya sa salamin at umupo sa harap ng dresser sa kwarto. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang buhok. Sa pagtingin sa salamin na nakakabit sa dresser ay nabigla ako sa pagtitig niya sa akin; sa akin na nasa likuran lamang niya.

Matalim na tumingin sa akin ang dating Leah. Hindi ko maintindihan kung paano niya ako nakikita... at kung totoo nga ba ang nangyayari na ito.

"Ano? Kukuhanin mo na ang katawan mong ito?" Wika niya habang masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Wala ka ng pag-asa."

At tumawa dating Leah. Isang kahindik-hindik na tawa.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

"Lumingon ka sa kanya... kaya naabutan ka ng demonyo mo."

Tumayo siya't humarap sa akin.

Ang hawak niyang suklay ay bigla niyang inihagod sa kanya buhok. At sa bawat paghagod niya ng suklay ay dugo ang tumutulo sa kanyang ulo. Sa kabila ng pagdurugo ng ulo niya'y tuloy pa rin siya sa paggamit ng suklay na para bang wala lang sa kanya ito.

"Dapat hindi mo na lang siya tinulungan. Isa lang siyang patibong."

Inalis niya ang suklay na puro dugo sa kanyang ulo at sinimulan niyang dilaan ito. Napakahaba ng kanyang dila.

"Pero nasaan na nga ba siya, Leah? Humihinga pa kaya ang Lucas na pinakamamahal mo?" Inamoy-amoy niya ang dugo sa suklay na para bang isa itong napakasarap na putahe. "O naisahan ka ng mga demonyong naglagay sa'yo sa lugar na ito?"

Tumawa muli siya at nagdilim na ang buong paligid.

Napasigaw ako sabay ng aking pagdilat. Naging panatag na lamang ako noong aking nakumpirma kong nasa kwarto pa rin ako.

Isa na namang masamang panaginip.

Agad akong tumayo at pumunta sa study table dito sa loob ng aking kwarto. Sinulat ko ang mga katagang narinig ko sa aking panaginip.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang demonyo na tinatakbuhan. At sa paglingon ko sa kanya, naabutan na niya ako.

"Ayos ka lang ba, Leah?! Narinig ko ang sigaw mo!" Pamungad ni Ares habang nakatayo sa harap ng sirang pintuan ng kwarto ko. Halata sa gulo-gulo niyang buhok na kakabangon lang din niya mula sa kanyang kama.

"Okay lang ako, Ares. Hindi mo na dapat sinira ang pintuan ko... pangatlong palit na natin dyan." Tanging tugon ko habang nangingiti sa kanya.

Kahit kailan talaga... hindi pa rin siya nagbabago.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon