31 --- Dos Diablos

21K 1K 122
                                    


"Parating na siya."

________ _ _ __

PABALIK-BALIK ang tingin ko sa hawak na kutsilyo ni Lucas at sa mga mata niya ngayon. Itim na itim ang kaliwa niyang mata habang ang isa naman niyang mata ay pulang-pula.

Napausog ako sa pagkakaupo ko sa sofa.

"Lucas..." pagbanggit ko sa pangalan niya.

Tuluy-tuloy ang pagbuka ng kanyang bibig na tila ba'y may binubulong siyang mga salita Nanatiling nakababa ang kutsilyo at hindi siya nagwawala katulad noong nakaraan na gabi. Gusto ko na sanang sumigaw upang tawagin sina Ares ngunit hindi ko magawa. Baka kapag sumigaw ako ay biglang magwala si Lucas.

Biglang lumakas ang pagbulong niya. Palakas nang palakas ang boses niya hanggang sa naging sigaw na ito.

" Vos potest non praevalebunt adversum me. Mortem expectant est vos." (You cannot prevail against me. Death is waiting for you.)

Ibang-iba ang boses niya. Napakababa nito at mukhang binubuo ng napakaraming iba't-ibang boses. Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa labis na kilabot. Hanggang sa tumigil siya sa pagsigaw. Lumapad ang ngisi niya at mas lumapit pa siya sa akin. Tila ba'y hindi ako makagalaw at makahinga. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Inilapit ni Lucas ang kanyang mukha sa may kaliwang tainga ko. Rinig na rinig ko ang sinabi niya. Boses na ito ni Lucas.

"Parating na siya."

Lumayo muli siya sa akin. Tinaas niya ang kutsilyo at akmang sasaksakin ang sarili ngunit agad ako napatayo at pinigilan siya. Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya pero ganun pa rin ang kulay ng mga mata niya.

Napabitaw lamang ako sa kutsilyo noong may namataan akong malaking tao sa likuran ni Lucas. Puting-puti ang balat nito at pula ang kanyang mga mata. Wala siyang buhok. Sa lapad ng ngiti niya at sa dugo na tumutulo rito ay labis na ang takot na nadarama ko.

Tama ... nakita ko na siya. Siya 'yung demonyo na bumungad sa harapan ko noong araw na nakita ko si Lucifer.

"Nandito na siya," muling sinabi ni Lucas bago niya saksakin ang sarili niya sa dibdib.

Bigla akong napabangon sa kinahihigaan kong sofa. Panaginip. Isang panaginip lang pala. Akala ko'y totoo na. Akala ko'y iyon na ang realidad. Hingal na hingal pa rin ako habang nasa isipan ko ang napanaginipan ko.

Hanggang sa napalingon ako sa may pintuan ng bahay ni Lucas at nanlaki ang mga mata ko sa namataan ko.Naroon ang demonyo sa panaginip ko... Napansin ko rin ang bakat ng mga paa mula sa sahig malapit sa sofa na kinahihigaan ko, dugo. Mula ang mga bakat ng mga paa na ito sa kinatatayuan ng nilalang na iyon. Duguan ang kanyang mga paa. Wala pa rin siyang buhok at saplot sa kanyang katawan. Puting-puti ang kanyang balat. Kagaya ang lahat sa panaginip ko at sa kung ano ang itsura niya noong una ko siyang nakita.

Tumayo agad ako at tatakbo na sana sa taas ngunit bigla siyang nagsalita.

"Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo noon. Ikaw ang magiging kabayaran, Leah. Ikaw lang."

Lumingon muli ako sa kinatatayuan niya kanina pero naglaho na siya.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

________ _ _ __

Ngayo'y nasa harap kami ng bahay nina Mint at Minzy. Dahil sa nangyari sa akin kagabi, napagdesisyunan kong sundin na lang sila. Kasama ko sina Damasen at si Ares na kanina pang tahimik. Si Lucas naman ay natutulog pa rin at sinabi sa akin ni Damasen na maaring matagalan ang pagtulog niya. Dahil daw sa nalalapit na ang ika-isandaang araw ay mas mabuti na wala siyang malay. Mas malakas daw ang hybrid sa ganitong mga panahon. Delikado. Hindi ko na rin nabanggit kina Damasen ang tungkol sa napanaginipan at nakita ko sa bahay. Kailangan ko munang makasigurado sa nangyayari at kung ano ba iyon. Baka makagulo na naman kasi ako sa kanila.

Sinalubong kami ng simangot ni Mint habang si Minzy naman ay pinaupo kami at kinamusta. Ibang-iba talaga silang dalawa.

"Sigurado na kayo di'ba?" Tanong ni Mint sa amin habang masama ang tingin sa akin.

"Oo," tugon ni Damasen.

"Kung ganun ay huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa." Tumayo si Mint at nagpalakad palayo. Sumenyas naman sa amin si Minzy na sundan namin sila.

Iyon nga ang ginawa namin.

Kabado pa rin ako at hindi pa rin kumportable sa gagawin namin. Hindi ako makapaniwala na nasa ganito akong sitwasyon. Ayos lang sana kung makakapatay kami ng mga masasamang elemento na talagang nananakit. Pero itong sina Mint ... wala silang kasalanan. Wala silang ginawang mali. Lalo na't kalahating mortal sila. Tama ba talaga itong ginagawa namin?Lumabas kami sa bahay nina Mint. Sinundan namin sila hanggang sa nasa likuran na kami ng bahay nila. Malaking garden ang narito at mayroong maliit na bahay sa gilid. Sinundan pa rin namin sila hanggang sa makapasok sila sa maliit na bahay na iyon.

"Simulan na natin," wika muli ni Mint. "Ang mga libro ay nasa baul na iyon." Napatingin kami sa tinuro niyang kahoy na baul. "Mabubuksan nyo lamang iyan kapag patay na kaming dalawa ni Minzy. Nakadepende ang pagkakalock niyang sa tibok ng puso naming dalawa ni Minzy. Inyong-inyo na ang dalawang libro kapag nagawa ninyo ang hiling namin."

Nakatingin lamang ako sa maamong mukha ni Minzy. Gayon din naman siya. Kahit na may amo ang kanyang mukha ay halata ko sa isang tingin pa lamang na desidido siya sa mangyayari ngayon. Gaano ba kahirap ang mga pinagdaanan nila upang gustuhin nilang mangyari ito?

Nakaharap si Mint kay Ares at si Minzy naman kay Damasen. Naging hellhound na rin ang dalawa habang ako ay nakatayo lamang sa gilid ng silid. Pinagmamasdan ko ang apoy sa katawan nina Damasen hanggang sa napatitig muli ako kay Minzy. Ngumiti sa akin si Minzy na tinugunan ko naman ng ngiti rin.

Paalam...

Susugod na sana sina Ares sa kambal hanggang sa nangyari ang hindi namin inaasahan.

May biglang lumitaw na malaking itim na aso. Doble ito ng laki kina Damasen, Nag-aapoy din ang katawan niya ngunit ang pagkakaiba ay itim at asul ang apoy na lumalabas sa kanya. Nasira rin niya ang kisame ng kinalalagyan namin dahil sa kanyang apoy. Butil-butil na pawis ang naramdaman kong nanggagaling sa katawan ko. Marahil ay dahil sa labis na takot at sa init. Mabilis ang nangyari at sa isang iglap, abo na sina Minzy at Mint sa harapan nina Ares.

Nawala rin ang malaking aso. Naiwan kaming nagtataka nina Ares sa nangyari. Sabay-sabay na lang kaming napatingin sa kahoy na baul noong bumukas na ito. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan namin ang nangyari lamang. Kahit na abot-kamay na namin ang libro ... kahit na nagtagumpay kami sa gagawin namin ... alam kong hindi pa rin kami mapapalagay.

"Ang ika-siyam na earoi..." bulong ni Damasen na ngayo'y may katawang-tao na. "Bakit nasa lupa ang isang diablo na katulad niya?"

Earoi?

________ _ _ __ 

A/N:

May mga hula na ba kayo sa mga susunod na mangyayari? Malapit na nilang makumpleto. Malapit na rin ang nakatakdang (wow naman huh big word) panahon. At mukhang malapit na rin matapos itey hahahahahahahaha.

Baka po mga hanggang 40 chapters na lang 'to. Kung lalagpas man 'dun, baka kaunti lang. Tenkyuuuu guysssss. Intayin ang mga susunod na mangyayari (kahit super slow ud, ojt kasi eh). Isa lang masasabi ko, wag umasa ng happy ending. :>



Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon