"We will be the darkness itself."
________ _ _ __
"LAHAT TAYO AY MAY DEMONYONG TINATAKBUHAN. Kung may guardian angel na pinaniniwalaan. Posible rin naman kung may nakasunod ding demonyo sa atin di'ba, class?" Wika ni Sir Valdez habang bahagyang nakaupo sa lamesa niya at nakaharap sa lahat. Nakapamulsa pa siya habang patuloy na nagkukwento.
"Ang kwento sakin ng yumao kong lola, totoo raw iyon. May humahabol na isang demonyo kada isang tao at isang maling hakbang lang ng tao, kukuhanin na ng demonyo ang buo niyang pagkatao." Nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang sinasabi niya iyon. Na para bang nananakot lamang siya ng mga bata, "May isa raw na klaseng nilalang sa mundo na nasa pagitan ng liwanag at dilim. Ang sabi ng iba, sila ay mga demonyo ngunit ang sabi naman ng iba pa, mga makakapangyarihan na anghel lamang sila."
Sabay kaming napa-buntong hininga ng katabi kong si Karen, ang best friend ko.
"Kainis naman yang prof na yan. Napakalayo sa subject yung pinag-uusapan. Hindi naghihirap ang nanay at tatay ko sa pagtatrabaho para makabayad sa tuition ko tapos mga kwento lang ng yumao niyang lola ang matututunan ko sa klase niya. Pagawan niya kaya ng sariling subject ang kwento ng lola niya para masaya." Bulong pa ni Karen na naging dahilan ng mahina kong pagtawa.
Ilang sandali ay muli kaming nakinig sa kwento ni Sir Valdez ngunit hindi ko napigilan ang lingunin siya---ang lalaking nakaupo sa dulo ng hilera namin. Napatulala ako sa kanya. Hindi kasi nakakasawang tignan ang kanyang mukha kahit na palagi itong seryoso at walang makitang masayang ekspresyon.
"Alam mo kung ice cream si Lucas ... tunaw na yan panigurado sa init ng titig mo," singit ni Karen sa gitna ng pagtitig ko kay Lucas. "Ginigisa mo na ata siya sa isipan mo eh, Leah." At napahagikgik pa siya.
Sa lakas ng hagikgik ni Karen ay agad kaming napansin ni Sir Valdez. Na-offend daw siya kasi para raw wala kaming pakialam sa sinasabi niya. Kaya in the end, nasermonan pa kami. At sunod-sunod na pangaral ang natanggap namin mula sa di umano'y sa yumao niyang lola.
________ _ _ __
"Ibig sabihin, friends kayo dati ni Lucas?!" Pa-sigaw na tanong ni Karen pagkatapos kong ikwento sa kanya ang tungkol kay Lucas.
Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga nakakalat na bench sa buong university.
Tumango ako sabay sabi, "Ano ba, Karen. Wag kang masyadong maingay. Baka may makarinig eh."
"The Lucas Miguel Iñiguez? Ang sikat na sikat sa university natin? Ang pinakagwapo sa batch natin? Ang oh-so-hot-yet-so-mysterious na prinsipe ng bawat tigang dito sa university?"
Tumango na naman ako. Grabe si Karen. Kaya ayaw kong may pagkwentuhan nito eh, expected ko na na ganito ang magiging reaksyon.
"Kaya nga ako bumalik dito sa Bataan para makita ko uli siya at syempre, dahil na rin sa wala na kaming pera para tumira pa sa Maynila."
Sa halos isa't kalahating taon na pamamalagi at pag-aaral ko rito sa probinsya namin ay hindi ko pa nakakausap si Lucas---iyong usap na kaming dalawa lang. Mula noong pasukan, sinubukan kong magpapansin sa kanya sa pamamagitan ng pagdaan palagi sa harapan niya, pagtabi sa kanya sa bawat orientation ng klase, pag-approach sa kanya na kahit na malinaw ang mga mata ko ay tinatanong ko pa sa kanya kung ano ang nakasulat sa white board at kung anu-ano pa pero nakakapagtaka.
Parang hindi niya talaga ako nakikilala.
"So, you're saying na nakalimutan ka niya, ganon?" Tanong pa ulit ni Karen habang hawak-hawak ang mineral bottle na halos wala ng laman.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner