21 --- White Room

29.7K 1.4K 322
                                    


"Kung hindi ito ang realidad ... para lang akong nabubuhay nang hindi humihinga.

________ _ _ __

LUMINGON ako sa bintana upang tignan kung nasaan na kami. Mukhang nasa kalagitnaan pa rin kami ng NLEX kaya ipipikit na ko sana muli ang mga mata ko nang bigla ko na namang narinig ang boses ni Ares sa pamamagitan ng telepathy sa pagitan naming apat.

"Damasen, nasusuka na talaga ako. Pahintuin mo 'tong bus," wika ni Ares.

"Hindi pupwede. Lunukin mo na lang."

"Pahintuin mo na lang uli ang oras. Susuka lang ako sa labas."

Napailing ako sa mga naririnig ko.

"Hindi ako majikero, alam mong kaya ko lang gawin iyon dahil sa binigay saking spell book ni Pandora at yung mga buhangin din na makapangyarihan. Hindi ko pwedeng gamitin iyon sa mga walang kwentang bagay," tugon ni Damasen gamit pa rin ang telepathy naming apat.

"Wala na ba kong kwenta sa'yo, Damasen?!"

Napapangiti na lang ako sa pinag-uusapan ng dalawa sa likuran ko saka ako lumingon kay Lucas na nasa tabi ko. Nakatingin lang siya nang deretso at nakahawak ang magkabila niyang kamay sa magkabilang gilid ng upuan niya.

Tila ba'y may iniisip siya.

Naging tahimik si Lucas mula noong nagkasama-sama kami. Palaging matipid ang mga sagot niya at kung hindi siya kakausapin, hindi siya magsasalita. Ang sabi ni Damasen ay baka naninibago lang siya.

Bago ko pa man siyang puntahan sa bahay niya, paulit-ulit kong pinag-isipan ang balak kong gawin. Halos hindi ako makatulog, halos hindi ako makakain. At napagdesisyunan ko ngang, tulungan siya. Na tuparin ang pangako ko.

Tanggap ko na ang nangyari sa mga magulang ko at ang hybrid ang dapat ko sisihin. Tama si Damasen, ang hybrid ang may gusto 'non, ang hybrid ang kumontrol sa katawan ni Lucas. At kung mapapaalis ko ang hybrid sa katawan ni Lucas, kahit papano'y makakaganti ako.

Naramdaman ko na naman ang matinding antok at ilang sandali'y pumikit na lamang muli ako.

________ _ _ __


"Narito po kami para kausapin si Dr. Victor Ibañez." Pamungad ni Damasen sa may nurse station

Hindi agad nakasagot ang nurse dahil sa pagtitig niya kay Damasen. "Ah, may appointment ho ba kayo?"

Magsasalita sana ako ngunit biglang may pumagitnang isang babae sa amin.

"Ako na ang bahala sa kanila," wika nito sa nurse. Umalis naman ang nurse.

Tinitigan lang namin ang babae habang siya naman ay isa-isa kaming pinasadahan ng tingin. Natuon ang pansin niya kay Lucas at doon na siya nagsalita.

"Isa lang ang mortal sa inyo." Tumingin siya sa akin. "Ang ang tatlo ay sa dilim na. Anong kailangan nyo kay Victor?" Mahina ang pagkakasabi niya ngunit sapat naman ito upang marinig naming apat.

"Hindi kami naparito para manggulo." Umabante si Damasen upang mas makalapit sa babae. "Narito kami dahil may hihingin kaming pabor sa kanya at may kailangan kami sa kanya. Ililigtas namin ang isa naming kasama laban sa hybrid," dagdag pa niya.

Napatingin muli sa akin ang babae at tumango.

"Hindi lang pala basta mortal ang kasama nyo. Nakuha nyo pala ang nag-iisang minarkahan ng dilim at liwanag," nakangisi niyang sinabi. "Sundan nyo ako."

At iyon nga ang ginawa namin hanggang sa nasa harap kami ng isang pintuan. Naroon ang pangalan ng doktor. May lumabas munang magandang babae mula sa loob. Nginitian lang niya ang babaeng nagdala sa amin rito at noong nakita na niya kami ay tinago niya ang kanyang mukha.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon