"Simple lang, Leah. Huwag na huwag kang magtiwala kahit kanino."
________ _ _ __
HAWAK-HAWAK NI DAMASEN ang apat na librong nakuha namin. Pinagsunod-sunod niya ito sa harapan namin ni Ares.
"Sa ngayon, limang libro pa ang kailangan nating makuha. At mayroon na lamang tayong 49 days." Kinuha ni Damasen ang unang libro at muling tumingin sa akin. "Kakayanin ba natin makompleto ito?"
Sa lahat ng napagdaanan namin, ngayon pa ba namin kukwestyunin ang aming kakayahan?
"Oo naman. Kaya natin to," nakangiti kong tugon. "Nasaan na nga pala si Lucas?" Tanong ko naman sa kanila.
"Malay ko." Tanging tugon ni Ares habang si Damasen naman ay nagkibit-balikat.
Tumayo ako at lumabas sa bahay ni Lucas. Sa pagkakaalam ko kasi'y lumabas siya kanina. Magpapahangin lang daw ngunit hindi pa siya bumabalik mula 'nun.
"Gusto mong samahan kita?" Lumingon ako kay Ares noong tinanong niya iyon.
Umiling lamang ako.
Mukhang nag-aalala pa rin sila sa kalagayan ko. Nahimatay lang naman ako dahil sa pagod. Nakatulog na rin naman ako nang mahimbing at nakakain na. Palagi na lang akong ganito kapag kulang sa tulog, kain o kaya kahit pahinga lamang. Mahina talaga ang katawan ko.
Sa pagkakaalala ko 'nun, muli ring naging sariwa sa isipan ko ang nangyari sa akin sa kwartong iyon. Ang mga kaluluwa raw na nakakulong doon ay pinapasok ang mga alaala ng target nito. Binabago ito base sa kung ano ang mas maganda para sa target hanggang sa hindi na nila gustuhin pang gumising at mapapasakanila na ang katawan nito. Ang tawag sa kanila ay utvara.
Noong sinabi sa akin ni Damasen ang mga iyon ay lubos-lubos ang pasasalamat kong nagising pa ako. Na pinili kong sundan si Lucas doon. Pinili kong bumalik sa realidad. Pinili ko si Lucas.
"Lucas?" Wika ko habang patuloy na naglalakad sa isang madilim na lugar.
Nakarinig kasi ako ng mahihinang kaluskos.
"Lucas, anong problema?"
Nadatnan ko si Lucas na nakaupo sa may damuhan. Nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngunit noong mas lumapit pa ako ay biglaan siyang sumigaw.
"Lumayo ka sa akin, Leah!"
Nabigla ako sa naging kilos niya.Kita ko ang pagkalmot niya sa kanyang sarili. Umabot ang kanyang mga kamay sa may likuran niya. Sinabunutan niya rin ang kanyang buhok at sumigaw nang napakalakas.
Kirot sa puso ang naramdaman ko habang tinitignan ko si Lucas na hirap na hirap sa pagpigil sa kanyang sarili—-sa pagpigil sa hybrid na kunin ang katawan at pag-iisip niya ngayon.
Ilang minuto ang nakaraan pagkatapos ng sunod-sunod pagsigaw at pananakit sa sarili niya at tumayo siya't humarap sa akin. Kita sa mukha niya na hinang-hina siya. Puro dugo ang kanyang mga kamay, braso, leeg pati na rin ang kanyang dibdib dahil sa malalalim na kalmot na kanyang ginawa. Sira-sira rin ang puti niyang kamiseta.
Humihingal siyang lumapit sa akin at yinakap ako.
"Napakahirap na niyang pigilan, Leah. Pakiramdam ko ... mananalo na siya." Mahina niyang sinambit.
Napapikit ako.
Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko ang patuloy na paglaban ni Lucas para mailigtas siya.
________ _ _ __
"Sasamahan na kasi kita!" Sigaw ni Ares habang pinipigilan ako sa paglabas.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
काल्पनिकEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner