9 --- Pandora's Touch

41.2K 1.6K 178
                                    

"Sa wakas, nagpakita ka na rin sa akin ... Lucas."

________ _ _ __

NAPASANDAL AKO sa pader. Ilang beses kong pilit na inaalis ang nakapalupot na bakal na kadena sa kaliwa kong paa ngunit kahit gaanong lakas ang ibigay ko ay ayaw nitong maalis. Ang nasa harapan ko ay rehas. Para akong isang preso na nakakulong ngayon. Dalawang kandila lamang ang nagpapaliwanag sa kinalalagyan ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga. Kung sino man ang nagdala sa akin dito ay sigurado akong hindi ito maganda.

Tumayo ako. Sinubukan kong tumakbo upang mapwersa ang kadena na nasa kaliwa kong paa ngunit napakahigpit ng pagkakakabit nito sa pader. Wala talaga akong takas.

Tumingin muli ako sa paligid, pilit na naghahanap ng kahit anong pupwedeng magpatakas sa akin dito ngunit mukhang wala na talagang pag-asa.

Napaupo muli ako dahil sa panghihinayang. Baka nga katapusan ko na ito.

Hanggang sa may narinig akong yabag ng mga paa. Muli akong napatayo. Papalapit ito nang papalapit sa kinalalagyan ko. Ngunit noong napakalakas na ng yabag ay bigla itong tumigil. Walang anu-ano'y may biglang lumitaw sa harapan ko na isang babae.

Itim ang suot niya mula ulo hanggang paa at itim na itim din ang shades na tinatakpan ang kanyang mga mata. Gayon din ang kanyang buhok. May dalawang itim aso na halos kalahati ng taas ko na nasa magkabila niya, pula ang kanilang mga mata at deretso itong nakatingin sa akin. Na para bang handa silang sugurin na lang ako at patayin. May kakaiba sa dalawang aso na ito. Iba ang kanilang buntot, na para bang mahabang buntot ng ahas ang itsura nito. Ang likuran naman nila ay hindi purong balahibo, may mga buto na nakalabas.

Natuon muli ang atensyon ko sa babae. Pamilyar siya. Mukhang nakita ko na siya dati.

"Pandora?"

Ngumisi siya at tinanggal ang itim niyang shades.

"Mabuti naman at naalala mo pa ako."

Napaatras ako noong humakbang palapit sa akin ang dalawa niyang aso at sa loob ng isang segundo, may pumalibot na itim na usok sa dalawang ito. Sa pagkawala ng usok ay nawala na rin ang dalawang aso at naging-dalawang lalaki.

Sa dami ng nangyayaring kakaiba at hindi normal sa buhay ko ngayon, hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng kakayahan para magulat.

"Binabati ka nga rin pala nila Damasen at Ares."

Pula pa rin ang mga mata nila, gayon din ang kanilang mga labi. Masama pa rin ang tingin nila sa akin. Pormal na suit ang suot nila na para ba silang pupunta sa isang kasal. Ang itsura nila ay normal na tao at mukhang kaunti lamang ang tanda sa akin. Maputi ang kanilang mga balat at matangkad. Kung tatanggalin lang ang pagkapula ng kanilang mga mata ay siguradong magkakandarapa si Louise at ang mga kaibigan niya sa dalawang ito.

Ngumisi ang dalawang lalaki sa akin.

Biglang naging itim ang mga mata ni Pandora. Katulad ng mga mata ni Lucas sa tuwing kinokontrol siya ng Hybrid sa katawan niya. Walang sclera, pupil o kahit iris, basta itim lang ang lahat at tanging maliit na puti lamang ang nasa loob nito. Ngunit kahit na magkatulad sila ni Lucas, may kakaiba kay Pandora. Hindi ko ito masabi kung ano ngunit ... kakaiba talaga.

Napasandal ako sa pader dahil sa takot.

Papatayin niya ba ako?

Lumapit siya habang nakangisi pa rin sa akin ang dalawang lalaki, ang tinawag niyang sina Damasen at Ares.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon