25 --- Stay

26.5K 1.3K 204
                                    


"At sa pagkakataong iyon ay bumitaw ako sa kamay ni Lucas"

________ _ _ __ 

HINATAK na lamang ako ni Lucas noong wala akong magawa sa sitwasyon. Gusto kong ialis ang mga paa ko. Ngunit kahit anong gawin ko'y hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko na iyon. Hindi ko mailayo ang katawan ko kay Luficer.

Hinang-hina ang katawan ko nang nakaalis ang labi ko sa pagkakadampi sa labi niya. Para bang may kinuha siya sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag.

Nang lumingon ako sa paligid ko ay nakatigil na lamang ang mga tao. Walang kagalaw-galaw. Kulay black and white na rin ang lahat. Isang senyales na ginamit ni Damasen ang spell na iyon. 

Saka naman ako lumingon kay Ares na ngayo'y hellhound na ang anyo. Literal na nag-aapoy ang buong katawan niya at para bang handang-handa na siyang umatake. Habang si Lucas naman ay nasa harapan ko, hinaharangang ako mula kay Lucifer. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. 

Ngising-ngisi si Lucifer habang nakatingin sa akin. Isang beses siyang pumalakpak at agad na nawala ang mga tao na kanina lamang ay nakikissabay sa kanyang pagkanta.

"Kamusta na kayo, Ares at Damasen? Kamusta na ang dati kong mga hellhound?" Wika niya noong inalis na niya sa akin ang paningin niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Para bang nito lang, kinuwento ni Ares sa akin ang karanasan nila bago sila mapunta kay Pandora. Kung ganun pala ay si Lucifer ang una nilang amo? Siya ang tinutukoy ni Ares na malupit sa kanila?

Malakas na ungol lamang ang tugon ni Ares at si Damasen naman ay mas lalong sumama ang tingin kay Lucifer. Naalala ko ang tinginan nila ni Ares mula pa noong nagkwento ako tungkol kay Lucifer. Kaya pala...

"Mukhang naging maayos ang pamumuhay nyo rito, ah? Natagpuan nyo pa ang mortal na minarkahan ng liwanag at dilim." Tumingin siya sa akin. "Bakit, anong balak nyo?" Isang ngisi ang ibinigay niya kina Damasen.

Lalapit sana sa akin si Lucifer pero malakas siyang itinulak ni Lucas. Akmang susugod si Lucifer kay Lucas ngunit hindi niya iyon tinuloy at tumawa lamang siya nang tumawa.

"May kailangan kami sa'yo. Iyon lang. Alam kong alam mo na ang tinutukoy ko," malakas na pagkakawika ni Damasen na halatang nagpipigil ng galit.

Tinignan muli ako ni Lucifer. Ngumiti siya sa akin. Ibang-iba ang kanyang mukha sa kung ano ba talaga siya. Lalo na yung ngiti niya.

"Alam ko pero mukhang alam nyo na rin naman ang magiging kapalit," sambit ni Lucifer habang nakatingin sa akin nang deretso.

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang biglaang pagsugod ni Lucas sa kanya. Sinakal niya si Lucifer. Itinaas niya ang buong katawan nito. Nagsilabasan ang mga ugat sa leeg ni Lucas at mukhang galit na galit talaga siya.

Ngunit namataan ko ang paglapit ng isang batang babae.  Mahaba ang itim na itim niyang buhok. Pula rin ang suot niyang bestida. Puting-puti ang kanyang kutis. Nakayuko siya at halata sa aura niya na sa dilim siya kabilang.

Nang nakita siya ni Lucas ay nabitawan niya si Lucifer at napaatras siya. Habang si Damasen at Ares naman ay umabante hanggang sa nasa harapan ko na sila. Ramdam na ramdam ko ang init ng apoy na nakapalibot sa katawan ni Ares. Umungol muli siya nang malakas habang mas lumalapad naman ang ngiti ni Lucifer.

Ano bang nangyayari?

Sino itong batang babae?

Nakalapit na siya sa amin at tumayo siya sa tabi ni Lucifer. Iniharap na niya ang kanyang mukha at bumungad sa amin ang mukha ng isang inosenteng bata na blankong nakatingin sa amin. Ang pagkakaiba lang, isang tingin palang, alam mong may iba na sa kanya. Pinagpag siya ang pula niyang bestida at ngumiti sa amin.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon