41 --- The End

15.5K 638 60
                                    




"Maraming salamat at makakalaya na ako.."

________ _ _ __

"HINDI NINYO ako mapipigilan! Akin ang kanyang kahilingan!" Pagmamatigas ni Keanu habang sakal niya ako sa leeg at iniaatras sa tatlong malalakas na nilalang sa harap namin.

"Ano, maiba taya na lang kung sinong tatapos sa kanya?" Hindi pinansin ni Grey ang winika ni Keanu bagkus ay nakuha pang magbiro nito sa mga kasama. "Isang nilalang na nilamon ng dilim at pagkamuhi. Wala ka ng pag-asa, anghel." Ngumisi si Grey at lumingon muli sa amin. Nagliliwanag ang pula niyang mata.

Mabilis pa sa segundo siyang nakalapit kay Keanu at inialis ako sa kamay nito.

"Ang mga magandang binibini ay hindi maaring mapasakamay ng mga umaalingasaw na basura." Itinulak ni Grey si Keanu.

Nakakapagtaka na para bang nawalan ng lakas si Keanu sa presensya nilang tatlo. Mayroon siyang sinusubukan sa kanyang mga kamay ngunit walang nangyayari.

"Anong ginagawa nyo sa akin?! Bakit wala akong kapangyarihan?!" Sigaw niya sa mga ito.

"Ay pasensiya na, dahil ata sa akin?" At tumawa naman si Dr. Ibañez. Sa pagkakaalala ko, sa liwanag siya kaparte. "Baka nakakalimutan mong naging guro mo pa ako noong ikaw ay anghel pa. Tuturuan muli kitang gumalang...." Tulad ni Grey ay sa isang segundo'y nakalapit na siya kay Keanu. "....sa mas nakatataas." Itinapat ni Dr. Ibañez ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Keanu at namaluktok din ito kagaya nila Lucas sa sakit. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi siya makaalis sa kanyang pwesto.

"Tapusin mo na, earoi." Malakas na wika ni Grey.

Saka naman ako napatingin kay Sir Valdez na biglang naging anyong earoi. Ang malaking hellhound, mas lalong malakas ang apoy niyang kulay itim at asul ngayon. Malakas siyang umungol na para bang isang malaking lobo.

Hindi na nagtagal ay itim na abo na lang si Keanu sa harapan nila. Lumapit si Grey dito at ito'y hinipan.

"Happy birthday to me." Wika niya sabay ngiti sa akin. "Leah! Nandyan ka pala?!"

Hanggang ngayon, ang wirdu niya.

"Maari mo nang ituloy ang ritwal, Leah. Sana ay tama ang desisyon mo. Hindi ako nagkulang sa pagpayo sa'yo." Sambit naman ni Sir Valdez sa akin.

Sa di kalayuan ay itinayo ni Dr. Ibañez si Lucas sabay sabing, "Hindi kita hinayaan noong mabuhay para lang mapatay ng isang pipitsuging anghel."

Sa bilis ng nangyari ay halos napigilan kong huminga. Kinailangan pa ng ilang segundo bago ako magising sa katotohanan. Nasa harap ko pa rin ang lalaking nakasuot ng kulay kayumangging robe at hanggang ngayo'y naghihintay siya sa aking hiling. At muling lumabas ang nakakasilaw na liwanag sa kinatatayuan ko.

"Leah! Huwag mong hilingin na mailigtas ako!" Napalingon ako kay Lucas na ngayo'y nakatayo na at papalapit sa akin. Itim na itim ang kanyang mga mata ngunit alam kong si Lucas ang nasa harapan ko ngayon. "Hilingin mong mabuhay muli ang mga magulang mo. Hilingin mong maibalik sa dati ang lahat. Yung panahong hindi ka pa pumapasok sa bangungot na ito. Parang-awa mo na, Leah. Iligtas mo na lang ang sarili mo." Malakas na sinabi ni Lucas laban sa ingay na ginagawa ng malaking liwanag na pumalibot sa akin ngayon.

Hindi...

Desidido na ko noon eh...

Bakit ginugulo ni Lucas ang isipan ko ngayon?

Napapikit ako hanggang sa lahat ng alaala ng mga magulang ko ay nanumbalik sa akin. Naalala ko ang mapagmahal at maunawain kong ama. Ang malupit ngunit resonable kong ina. May mga pagkakataon mang hindi maganda pero kahit kailan ay hindi nila ako pinabayaan.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon