16 --- A Strange Request

31.5K 1.5K 429
                                    


"Hindi man magkasingtimbang ang sakit na naramdaman namin, naiintindihan ko na siya."

________ _ _ __

Apat na linggo na ang nakakaraan mula noong inilibing sila Mama't Papa. Apat na linggo na akong nakatira rito sa bahay nila Keanu. Apat na linggo na akong pumapasok sa university na para bang normal lang ang lahat. Apat na linggo ko nang hindi nakikita si Lucas.

Minsan ay tinanong ako ni Karen kung galit ako kay Lucas, kung hindi ko raw ba siya mapapatawad. Agad akong sumagot 'nun na...

"Alam mo, Karen, ang akala ko dati'y mabilis lang magpatawad. Noong humihingi ako ng kapatawaran kay Lucas, akala ko basta ganun na lang iyon. Basta iisipin mo lang at saka sasagot na lang. Pero iba pala ... mahirap pala. Ngayon, maliban sa galit, masasabi kong naiintindihan ko na si Lucas. Hindi man magkasingtimbang ang sakit na naramdaman namin, naiintindihan ko na siya."

Hindi ko maipaliwanag ang nasa loob ko. Tila ba'y nagsama-sama ang lungkot, galit at pangungulila sa puso ko. Nakakausap ko man sila Karen tungkol dito pero hindi ko pa rin masabi lahat ng nararamdaman ko, hindi ko mailabas lahat ng lungkot at galit ko.

Napakahirap.

"Leah, halika, sayaw tayo roon." Aya sa akin ng isa sa mga kaklase ko, si Darwin.

Umiling lang ako at ngumiti.

Nasa isa akong bar na sikat sa lugar namin. Kasama ko ang mga kaklase ko sapagkat ay birthday celebration ito ng isa sa mga naging malapit din sa akin nitong mga nakaraan na araw. Ayaw ko namang magpaka-KJ kaya sumama na ako.

Sapat na sakin na narito ako sa isang maingay na lugar na merong maraming tao. Mas okay ito kaysa sa nag-iisa ako at umiiyak sa kwarto.

Dalawang araw na rin kasing wala si Keanu sa bahay dahil sa nasa Tarlac siya at tinutulungan niya ang iba nilang kasama roon. Mukha raw kasing malakas yung Hybrid at hindi kakayanin ng kakaunti lang na makipaglaban 'don. Habang si Karen naman ay kasama nila Ares ngayon, kung nasaan sila ay hindi ko na alam.

Halos isang oras na akong nanonood sa mga tao sa paligid at walang kakibo-kibo sa kinauupuan ko. Muli akong inaya ni Darwin na sumayaw pero sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi uli ako.

"Alam mo, Leah dapat kang mag-enjoy. Smile na!" Nakangiting wika sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Darwin. "Tsaka kawawa naman yung tropa namin, oh. Lagi mong tinatanggihan."

"Masama kasi pakiramdam ko. Pasensiya na." Tugon ko sa kanya.

Iniwan naman niya agad ako sa table at sumama na kina Darwin.

Napatulala lang ako sa hawak kong baso. Inikot-ikot ko ito at napabuntong-hininga.

Minsan ay naiisip ko si Lucas. Napapatanong ako kung kumusta na siya, kung ano ang ginagawa niya o kaya kung okay pa ba ang pamumuhay niya. Pero sa tuwing naiisip ko iyon, agad kong inaalis sa isip ko ang katiting na pagtatanong patungkol sa kanya. Agad kong inaalala ang ginawa niya. Agad kong iniisip ang mga magulang ko.

Bigla kong narinig ang boses ni Damasen.

"Leah, uma-umalis ka na dy-dyan! Leah! Deli-"

Napatingin ako sa paligid ngunit hindi ko naman makita si Damasen hanggang sa naisip ko na maaring dahil sa telepathic communication na meron kami kaya naririnig ko ang boses nito.

"Leah, bilis! Umalis ka na!"

Malinaw at hindi na patigil-tigil ang pagsasalita niya ngunit sa pangatlo niyang mensahe ay naputol na ang kanyang boses.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon