"Leah, tulungan mo 'ko."
________ _ _ __
NAGHINTAY AKO NG ILANG SANDALI habang nananatiling nakapikit ngunit wala akong naramdaman na bumangga sa akin. Nakatayo pa rin ako sa eksaktong pwesto ko. Walang kagalaw-galaw. Minulat ko na ang mga mata ko. May nakakasilaw na liwanag pa rin na nasa harapan ko ngunit nakatigil ito. Isang motor.
"Anong ginagawa mo sa gitna ng daan?"
Pamilyar na boses. Naniningkit ang mga mata ko nang tinitigan ko pa siya nang mas mabuti.
Tama, kilala ko nga 'to.
Siya 'yung kuya ni Karen.
"Mukhang alam ko na kung bakit. Tara na."
Dali-dali niya akong hinigit sa kamay at dineretso sa may motor niya. Sinuot niya sa akin ang isang helmet. Napatingin ako sa paligid. Sunod-sunod na sasakyan ang nag-overtake sa motor niya. Mukhang mga naiinip dahil sa tumigil ang nasa harapan nila.
Sumakay na ko sa motor.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano nangyari iyon. Kani-kanina lang ay nasa comfort room ako kasama ni Lucas. Tinakpan niya ang mga mata ko saka ... saka... bigla na lang ako napunta rito.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari ngayon. Basta ang alam ko, totoo ang lahat ng naranasan ko. Totoo na napunta ako sa gitna ng daan. Totoo na muntikan na akong mamatay. Totoo na nakasakay ako ngayon sa motor ng kuya ni Karen. Totoo na may kakaiba talaga kay Lucas.
Talagang totoo ang lahat, Leah.
Hindi ako hinatid ng kuya ni Karen sa bahay namin. Bagkus ay tumigil kami sa tapat ng mismong bahay nila. Tinanggal ko ang helmet sa pagbaba ko ng motor niya.
"Tara, pumasok ka."
"Ha?" Ang tangi kong nasabi.
Nagtataka ako. Bakit niya ako rito dinala? At ang alam ko, bawal ang bisita sa kanilang bahay. Ibig sabihin, hindi ako maaring pumasok. Hindi naman pupwede na basta na lang akong sumuway sa utos ng magulang nila.
"Bawal daw ang bisita sa bahay ninyo sabi ni Karen," wika ko.
Narinig kong mahina siyang tumawa. At pagkatapos ay nginitian ako sabay sabi, "Ngayon, malalaman mo na kung bakit."
Nag-aalangan pa rin ako. Hindi ko siya gaanong kakilala. Ang alam ko lang, kapatid siya ni Karen. Kahit ang pangalan niya ay hindi sa akin nababanggit ng kapatid niya. Hindi naman siguro tama na basta na lang ako sumama sa kanya sa loob ng bahay nila ng hindi ko man lang alam kung bakit kailangan kong pumasok pa sa loob.
"Keanu nga pala ang pangalan ko. At wag ka ng mag-alangan kung tama ba o mali ang pagpasok mo sa loob," nakangiti niya ulit na sinabi. Nagpatuloy pa siya. "Gusto mong malaman ang mga sagot di'ba? Maari ko sayong sabihin ang lahat. Magtiwala ka."
Nangilabot ako ng ilang sandali. Pakiramdam ko'y binabasa niya ang nasa isipan ko. Gayon din naman sa pagtitig niya. Na para bang tagos sa katawan ko ang pagtitig niyang iyon.
Sumunod ako sa kanya noong pumasok na siya. Sinundan ko siya hanggang sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Dahan-dahan niya itong binuksan.
Napanganga ako sa nadatnan ko.
Bakit ... bakit ganito?
Normal naman ang bahay nila sa isang tingin. Andito ang mga normal na makikita mo sa isang bagay. Ngunit ilang sandali lang ay may napansin ako na sobrang kakaiba.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner