35 --- Puppet

20.5K 1K 159
                                    

{A/N: Huhuhu dahil sa tagal ng update ko, I recommend na magbackread kayo nang kaunti. Pasensiya sa tagal hahahaha pero eto na, muli na kong nagbabalik.Salamat sa mga patuloy na naghihintay. Mehel ke keyew}

"Narito na siya. Nakikita ko siya sa mga salamin. Lagi siyang nasa likuran ko." 

________ _ _ __

NAGULAT KAMI SA AMING NADATNAN sa bahay ni Lucas. Basag ang lahat ng salamin, mga plato't baso sa kusina. Kahit mga bintana ay basag din.

Agad kaming pumunta sa pangalawang palapag upang matignan ang kwarto ni Lucas. Katulad sa unang palapag ay gayon din ang nangyari sa kanyang kwarto. Maski ang mga picture frame ay basag din. Nakaramdam ako ng matinding kaba. 

May nangyari bang masama kay Lucas? 

Sobra-sobra na ang pag-aalala ko hanggang sa nakita naming si Lucas sa sulok ng banyo. Nakaupo siya roon. Walang imik. Ni hindi gumagalaw. Nakayuko ang kanyang ulo.

Lalapit sana ako sa kanya ngunit humarang si Ares sa daraanan ko.

"Ako na lang, Leah." Wika pa niya.

Hinawakan naman ako ni Damasen sa braso habang papalapit si Ares kay Lucas. Nakatingin lang ako kay Lucas hanggang sa yumuko si Ares upang makita ang mukha niya. Mukhang may malay siya dahil sa nagsimula na siyang kausapin ni Ares.

"Anong nangyari, Lucas?" Mahinang tanong niya.

Tumingin lang sa kanya si Lucas. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata ngunit kulay light brown ito.

"Anong nangyari?" Pag-ulit ni Ares sa kanyang tanong.

"Narito na siya. Nakikita ko siya sa mga salamin. Lagi siyang nasa likuran ko." Napayuko muli si Lucas. "Kaya sinira ko ang lahat."

Itinayo siya ni Ares. Tila ba'y hinang-hina si Lucas. Walang lakas ang mga tuhod niya. Inalalayan din sila ni Damasen. Hinawakan ko ang braso ni Lucas ngunit hindi siya tumitingin sa akin. Kahit na noong nasa harapan niya ako habang inuupo siya sa kanyang kama---hindi niya ako tinitignan. Para bang ayaw niya akong makita.

"Lucas, nakuha na naming ang pangwalong libro. Isa na lang. Isang libro na lang. Kaya natin 'to. Kaya natin, di'ba?" Nakangiti at masigla kong wika sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay tumingin siya sa akin pero imbis na matuwa siya ay para bang naiiyak niya akong tinignan.

"A-Anong problema?" Tanong ko naman sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at humiga na siya sa kama. Inaya na lang ako nina Damasen na iwan siyang nag-iisa.

Nahihirapan nang sobra si Lucas ... kailangan ko na siyang mailigtas.

Sinundan ko si Damasen hanggang sa kwarto niya upang kulitin sa kung sino ang may hawak ng pangsiyam na libro. Para masimulan na naming kuhanin ito. Hindi ako nag-ingat sa paglalakad kaya muntikan na kong sumubsob sa sahig. Mabuti na lamang at nahawakan ako ni Ares.

Bago pa man ako makapagpasalamat ay agad na siyang nagsalita.

"Huwag ka nang magpasalamat."

At tuluy-tuloy na siya sa baba.

"Sungit na naman," bulong ko.

Pagkabukas ko pa lamang ng pintuan sa kwarto ni Damasen ay naririnig ko na ang hilik nila kaya hindi ko na tinuloy ang pagpasok. Mukhang pagod.

Tumuloy na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga rin. Nangingiti ako habang iniisip ko na malapit na naming makumpleto ang mga libro. Malapit nang mawala ang hybrid sa katawan ni Lucas.

Kung may malaking kapalit man ito ... kung may mangyayaring masama.

Handa na ako.

Hindi lang din maalis sa isipan ko ang mukha kanina ni Lucas. Ano kayang ibig nung sabihin? Bakit nagkakaganito siya? Bakit parang hindi siya masaya at malapit nang matapos ang lahat?

"Ang kapalit ng isang katawan ay isa pang katawan."

Napalingon ako nang narinig kong may nagsalita. Mababa ang boses nito. 

"Maghanda ka na sa panibagong sumpa."

Muli kong nilingon ang paligid upang matignan kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Ngunit wala akong nakita bagkus ay pagbukas at pagsara lang ng pinto ang sunod kong narinig.

Hindi na ko nakagalaw. Bigla akong natakot. Muling nag-bukas at sara ang pinto. Pabilis nang pabilis. Palakas nang palakas ang pwersa nito.

"T-Tama na..." Tanging nasabi ko.

Tumigil nga siya. Napatingin na naman muli ako sa pinto. Bigla may nabuong usok na itim. Umikot-ikot ito at papalapit sa akin. Nasa may mukha ko na ito hanggang sa bigla na lang itong nawala. At sa hindi ko malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng matinding antok.

Pagkagising ko'y tanghali na pala. Una kong narinig ang sigaw ni Damasen.

"Ares, Leah, bumaba na kayo! Tanghali na! Handa na ang tanghalian! Ano na?!"

Napatayo agad ako sa higaan. Narinig ko naman ang tugon ni Ares.

"Oho, inay, ito na!"

Kumain kami. Dinalhan na lang ng pagkain nina Damasen si Lucas sa kanyang kwarto. Ganito naman araw-araw. Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay umalis sina Damasen at Ares habang ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto ni Lucas.

Nagulat siya noong nakita niya ako pero wala siyang sinabi. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Pinabayaan lang niya ako. Hindi pa rin siya umiimik.

"Kung ano man ang nasa isipan mo, gusto ko lang malaman mo na masaya ako. Masaya ako kahit anong mangyari sa dulo. Masaya ako dahil sinubukan natin. Masaya ako na magiging normal ka na ulit. Kung ano man ang mangyayari sa akin, hindi mo ito kasalanan." Tumigil ako nang sandali. "Mahal kita. At kung para sa'yo, gagawin ko."

Sa ilang sandali ay naramdaman ko ring ang mahigpit niyang pagyakap. Pati na rin ang mga basang luha na pumapatak ngayon sa balikat ko.

Ganun lang kami ng ilang minuto. Hindi siya nagsasalita at patuloy lang siyang umiiyak. Nakita ko na siyang umiyak dati ngunit iba tong pag-iyak niya ngayon. 

Mas mahigpit ko siyang niyakap.

Kahit ilan mang demonyo ang nasa katawan niya, siya pa rin ang Lucas na kilala ko. Siya pa rin yung Lucas na inosente at ang tanging gusto ay hindi na magkagulo ang lahat. Kapayapaan lang ang gusto niya 'nun. Kapayaan sa pamilya, sa sarili niya at sa bayan na hinahawakan nila. Pero lahat ng iyon ang pinagkait sa kanya. Lahat-lahat.

Pinahiga ko na lamang siya para makapagpahinga. Lumabas na ako ng kwarto niya.

Papasok na lamang sana ako sa kwarto ko nang may narinig akong batang humuhuni. Maliit lamang ang boses niya at tila ba'y tumatakbo-takbo pa.

"Sino yan?!" Sigaw ko habang tinatanaw ang unang palapag ng bahay ni Lucas.

Hanggang sa may batang tumingala sa akin at ngumiti nang malapad.

Babae siya. Kung titignan, para lamang siyang siyam na taong gulang. Maikli lamang ang buhok at kulay pula ang dress na suot niya. Inayos niya ang malaking ribbon sa may buhok niya saka siya nagsalita.

"May makapangyarihan na demonyo sa bahay mo. Nasaan siya? Gusto kong maglaro." Masigla niyang sinabi. Bago pa man ako makatugon ay itinaas na niya ang kanyang kanang kamay at unti-unti'y may lumitaw na mga itim na sinulid mula sa dulo ng kanyang mga daliri. Agad itong pumalibot sa akin. Sumuot ito sa balat ko.

Hanggang sa nawalan na ko ng malay...

Sa pagdilat ko, kitang-kita ko ang hawak kong kutsilyo. At ang mga duguan na nilalang sa harapan ko.

Si Ares at Damasen.

"Leah ... tignan mo ko. Leah, ikaw na ba yan?"

Napatingin ako kay Lucas na duguan din. Pinagpawisan siya at para bang natatakot sa akin.

"A-Anong nangyari?" Ang tangi kong tugon sa kanyang tanong.

________ _ _ __

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon