L O S T

18.5K 685 111
                                    

A/N: Be mindful of the timeline, guys. Thank u mwah.




S P E C I A L C H A P T E R # 1
LUCAS' POV

4 YEARS AGO
2014

NABIGLA KAMI sa paglitaw ni Pandora. Sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Leah. Napalingon ako kina Ares at Damasen na katulad ko ay gulat din.

"Ano ito? Bakit nandito yang Pandora na yan?!" Sigaw ko sa kanila ngunit hindi rin makapagsalita sina Ares at puno rin ng pag-aalala ang kanilang mga mata.

Hindi ba... ritwal ito ni Leah?

Bakit bigla itong lumitaw sa harapan niya noong binulong na ni Leah ang kanyang hiling?

Pansin ko ang paglabas ng mga ugat sa aking mga kamay, ang tila ba'y namumuong apoy na naman sa loob ko'y lalong lumalakas. Ang hybrid sa katawan ko para bang .. para bang---gusto niyang lumabas.

"Ano ito?!" Sigaw ko habang nakatingin sa nangyayari sa aking mga kamay.

Hindi ako malapitan nila Ares dahil tulad ng nangyayari kina Leah at Pandora ay napapalibutan din ako ng itim na usok.

Ilang beses kong narinig ang sigaw ni Damasen ngunit wala akong magawa. Tila ba'y kumakawala ang malaking apoy sa loob ko. Pinupuno nito ang bawat ugat sa aking katawan. Nag-aalab. Nagliliyab. Hanggang sa unti-unting pumuputla ang balat ko at ang mga kuko ko naman ay unti-unting naging itim.

Nagpakawala ako ng napakalakas na sigaw noong mas tumindi ang apoy sa loob ng katawan ko.

Gusto ko nang matapos ito...

Gusto ko nang magpahinga sa lahat ng pananakit na ito...

Hindi na nakaya ng aking katawan at bumagsak na lang ako sa kinatatayuan ko. Muli akong napatingin sa munting itim na ipu-ipo sa harapan namin.

Anong nangyayari kina Leah at Pandora?

Leah... sana mailigtas ka.

Ayokong mawala ka...

________ _ _ __

"NAALALA MO ba ang pangalan mo, hijo?"

Sa pagdilat ko ay bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na nakaupo sa isang wheelchair. May nakasandal na tungkod sa tabi at napapalibutan siya ng mga nakaitim na lalaki.

Nabigla ako at halos mauntog sa headboard ng kinalalagyan kong kama. Tumingin-tingin ako sa paligid at nasa isa akong hindi pamilyar na kwarto.

Ilang sandali ang nakaraan at ang katawan ko naman ang sinuri ko. Puro sugat ang mga braso't kamay ko. Hinipo ko rin ang aking mukha... puno rin ito ng sugat.

Muli akong napatingin sa matanda.

Inulit niya ang kanyang tanong ngunit nang wala na naman siyang nakuha sa aking sagot ay nagpatuloy na lamang siya sa pagsasalita.

"My daughter found you in a very bad shape. Ni hindi namin inasahan na mabubuhay ka pa." Saglit itong tumigil sa pagsasalita at tinignan ako nang mas mabuti. "Don't be offended, we did some research about you. And actually, ang kaunti ng nalaman namin."

May mga lumapit na tauhan niya sa akin at inayos ang mga unan sa kama ko. Isinandal nila ako upang mas maging kumportable ang aking pagkakaupo.

"Ang tangi lang namin nalaman ay ang pangalan mo, ang history ng pamilya mo sa probinsiya nyo and that you are a former university student. Wala kang kaibigan, walang malapit na kamag-anak at walang kahit ano na may alam tungkol sa'yo." Ngumiti ang matandang ito sa akin ngunit walang kahit anong masama sa ngiti niya---para bang taos-puso talaga ito.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon