"Pinapatawad na kita."
________ _ _ __
NAGISING AKO AT ang bumungad agad sa akin ay ang mukha ni Damasen at Ares na sobrang lapit sa mukha ko. Agad akong napaatras habang nakaupo sa isang malaking kama. Nauntog ang ulo ko sa headboard at doon lang sila nagsimulang magsalita.
"Nakita ka kasi Ares kaya natakot," wika 'nung Damasen.
"Nagsalita ang hindi nakakatakot. Hairstyle mo palang, pamatay na." Tugon naman ni Ares habang nakatingin sila sa isa't-isa at para bang ilang sandali ay kikidlat sa buong paligid at uulan ng apoy.
Doon lang ako natauhan. Nasa isa akong malaking kwarto na iilan lang ang muebles. Halos kulay black at white lamang ang ang nasa loob ng kwartong ito. At nakasarado lahat ng bintana na animo'y takot sa liwanag ang kung sino man na may-ari nito.
"Kayo yung dalawang aso di'ba?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Bakit ba ang hilig tayong tawagin ng aso ng mga mortal? Ano bang problema nila sa atin?" Tanong 'nung Damasen sa kasama niya.
"Alam mo, mortal, hindi kami aso. Hellhound ang tawag sa amin, tignan mo sa tinatawag nyong google nang malaman mo." Sagot ni Ares sa tanong ko.
"Walang Wi-Fi dito, tanga." Sabi naman ni Damasen sa kanya.
"Ano yung Wi-Fi?" Balik na tanong naman ni Ares.
Bumukas ang pintuan na nasa kaliwa ko. Nakita kong papasok si Lucas. Maayos ang itsura niya, walang galos kahit isa. Ang suot naman niya ay puting shirt at itim na pantalon. Lumapit agad siya kina Damasen at tumabi kay Ares habang nakaharap sa akin. Tumingin siya nang deretso sa mga mata ko.
Galit pa kaya siya sa akin? At isa pa, ano kayang nangyari sa pagitan nila ni Pandora noong gabing 'yon?
"Nakipagkasundo na ako kay Pandora," pamungad ni Lucas.
Ang sunod kong naramdaman ay ang matinding pagtibok ng puso ko.
"Meron na lang akong isandaang araw at pag dumating na ang huling araw na iyon, hindi ko na malalabanan ang Hybrid na nasa katawan ko." Lumapit siya sa akin. Umupo siya sa kama. "Ikaw lang ang makakatulong sa akin, Leah. Handa ka bang sumugal? Para lang sa akin?"
Hindi ako nagdalawang-isip at tumango sa kanya.
"Oh eh iyon naman pala." Biglang sabi ni Ares.
"Panira ka." Wika naman ni Damasen sa kanya.
Tumayo muli si Lucas. Lumapit siya sa isa sa mga drawer sa kwarto niya at may kinuha na isang makapal na libro. Inabot niya ito sa akin.
Itim na libro ito. Matigas ang cover at halatang luma, sa papel pa lamang at ang materyal na ginamit sa cover ay alam mo na. Binuksan ko ito at isang salita lamang ang bumungad sa unang pahina. Nakasulat ito na parang Old English Text.
"Primus?" Wika ko sabay tingin kay Lucas.
"Ang ibig sabihin ay first." Tugon naman niya.
Sunod kong binuklat ang iba pang pahina ngunit wala na itong mga laman kahit hanggang sa dulo.
"Bakit walang laman?"
Saka lumapit sa akin si Damasen habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.
"Iyan ang unang libro na kailangan natin para maalis sa katawan ni Lucas ang hybrid. Kailangan nating makuha hanggang sa pang-siyam na libro at pag pinagsama-sama ang mga iyon, mabubuo na ang mga letra na nandyan. Gagamitin ang mga salitang makikita dyan sa ritwal. At sa ritwal na iyon, mabubuo ang ikasampung libro. Nandoon sa ikasampung libro ang susi para mawala sa katawan ng kaibigan mo ang hybrid. Kailangan nating magawa ang lahat ng iyan sa loob ng isangdaang araw."
Napatingin agad ako kay Lucas noong narinig ko ang mga sinabi ni Damasen.
"Nasaan ang mga libro?" Tanong ko sa kanila.
"Nakakalat ito. Maaring mayroon dito, maaring mayroon sa ibang lugar. Hawak ito ng siyam na makapangyarihang tao na may kinalaman sa kasamaan man o sa kabutihan. Depende na lang kung maswerte tayo," sagot muli noong Damasen. "Pinadala kami ni Pandora para tulungan kayo."
Tumango ako.
Kaya ko ba talaga ito?
"Tutulong din kami."
Napatingin ako sa nagsalita. Bumungad sa akin si Keanu at Karen. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila at kina Damasen.
Hindi ba ... magkakalaban sila?
Biglang umupo sa tabi ko si Karen at niyakap ako. Isang mahigpit na yakap na sobra kong nadama, biglang naging panatag ang loob ko.
Nagawi ang tingin ko kay Keanu na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya.
"Saan ka pupunta, Lucas?" Tanong ni Damasen nang biglang naglakad si Lucas palapit sa pintuan.
"Aalis muna ako." Inabot niya ang doorknob at pipihitin na sana ito ngunit bigla siyang lumingon sa akin."At isa pa pala, Leah." Tumingin siya muli sa akin nang deretso sa mata.
"Pinapatawad na kita."
At umalis na siya.
"Okay, so, saan tayo magsisimula?" Tanong ni Karen habang nakatingin kay Ares. Si Ares naman ay sumimangot sa kanya at lumipat sa tabi ni Damasen. Mukhang hindi siya gaanong sanay na may isang 'Powers' na kasama.
"Magsisimula tayo sa pangalawang libro. Ang Secundus."
Tumayo na rin ako at tumabi kay Keanu upang makinig nang mabuti sa pinag-uusapan nila.
"At sino naman ang may-ari ng pangalawang libro?" Tanong ni Keanu.
May biglang kinuha si Damasen sa bulsa niya at noong itinaas niya ito, nakita naman na itim na buhangin ang hawak niya. Inihagis niya ito sa lapag at ilang sandali'y may biglang lumitaw sa harapan namin. Sigurado akong hindi ito totoong tao at ilusyon lamang ito.
"Mukhang kakilala niyo siya," wika ni Damasen.
"Oo naman. Kilalang-kilala," tugon ko.
Sa harapan namin ay nakatayo ang babaeng halos araw-araw kong nakikita mula noong bumalik ako sa Bataan. Ang mukha niya na puno ng make-up. Ang kulot at mahabang itim na buhok. Halos saulo ko na rin ang pananalita niya na kahit walang tunog ngayon ang bibig niya ay naririnig ko pa rin iyong matinis at maarte niyang boses.
"Louise Madrigal, 18 years old. Hawak niya ang pangalawang libro."
________ _ _ __
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner