6 --- Black Cat

48.4K 2K 453
                                    

"May namataan akong itim na pusang pumasok sa loob ng kwarto ko. Umakyat ito papunta sa kama ko at pumwesto sa tabi ko."

________ _ _ __

NAKATULALA LANG AKO sa professor namin habang salita siya nang salita. Nasa isipan ko pa rin ang mga nalaman ko kay Keanu. Hindi pa rin maalis sa isipan ko lahat ng nakita at nalaman ko noong gabing iyon. Nalaman ko rin na katulad ni Keanu si Karen ngunit hindi talaga sila magkapatid. At ngayon, wala si Karen. Kung bakit ay hindi ko pa alam.

        "Teka lang, class. Labas muna ako. Pinapatawag ako ni Dr. Magpantay. Kung hindi ako makakabalik agad, pwede na kayong umalis," wika ng professor namin at lumabas na nga siya ng room.

        Napa-buntong hininga ako sabay lingon kay Lucas na tahimik na nakaupo sa dulo ng hilera namin. Hanggang sa may narinig akong humampas sa may desk ko. Saka ko lang napansin na nasa harapan ko na pala si Louise.

        "Hoy, anong drama mo 'nung birthday ko ha? Inggitera ka talagang babae ka eh! Ano yung paghatak mo kay Lucas at ang madrama nyo pang exit? Grabe ka, hindi ka man lang nahiya sa akin, ano?"

        'Grabe ka, hindi ka man lang ba nahiya sa ginawa mo kay Lucas 'nun?'

        Iyan sana ang gusto kong sabihin ngunit dahil sa kaba ay walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Ano ba 'tong gulo na pinasok ko?

        "Magsalita ka nga! Dati mo pang crush si Lucas di'ba? Akala mo naman may pag-asa ka?"

        Nagtawanan sila.

        "Wag ka ng mangarap, girl! Tignan mo nga, ginaganito ka na nga namin sa harap ni Lucas, wala pa siyang kahit anong reaksyon para sa'yo." Inilapit ni Louise ang mukha niya sa akin. "Meaning, wala kang halaga sa kanya. Wag kang inggitera!"

        Itinulak niya ang balikat ko hanggang sa napahampas ang likuran ko sa upuang kinauupuan ko.

        Lilipas din ito. Ang mas magandang gawin ay tumahimik lang ako para mas iwas gulo. Wala lang 'to. Hindi 'to makakasama sa akin. Sigurado naman akong hanggang salita lang sila Louise. Makakalimutan din nila ang bagay na 'to.

        Sa napakadami kong ginawang rason para huminahon ako ay mukhang hindi pa rin ito sapat.

        "Ito ang nararapat sa'yo."

        May inilabas siya sa bag niya. Tahimik lang ako habang tinitignan na hawak niya ang lalagyanan niya ng make-up. Tumingin muli sa akin si Louise at ngumiti.

        "Papagandahin kita para hindi ka na mainggit sa akin. Leche ka!"

        Naramdaman ko ang mga kamay ng kaibigan niya na hawak ako ngayon. Hindi ako makapalag habang nilalagyan ni Louise ng lipstick ang labi ko pati na rin ang ibang parte ng mukha ko. Lagpas-lagpas na mga linya. Ngayon, lumalaban na ako ngunit marami sila para mapigilan ko pa.

        Walang tumutulong sa akin. Mukhang buong klase ay galit sa akin ngayon o kaya wala lang talaga silang pakialam at nakikitawa pa sa nangyayari.

        May inilabas na eyebrow pencil si Louise at guguhitan na sana ang mukha ko ngunit isang kamay ang pumigil sa kanya.

        Napatingin kami kay Lucas na mukhang inis na inis na.

        "Nakakairita kayo. Ang ingay nyo."

        Iyon lang ang sinabi niya sabay tapon ng eyebrow pencil. Umalis agad siya ng room pagkatapos 'nun. At ang unang-una kong ginawa ay tumayo't kinuha ang bag ko at para bang kusang sumunod ang mga paa ko sa kung saan man siya pupunta.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon