18 --- Marked

30.8K 1.5K 225
                                    


"Ikulong ang sarili ko sa galit at hayaan kong maging demonyo si Lucas? Hahayaan ko na lang ba na maghirap na naman siyang mag-isa?"

________ _ _ __

HINDI PA RIN maalis sa isipan ko ang pagkikita namin ni Lucas noong nakaraang gabi. Ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. Ang mukha niya. Ang kalagayan niya ngayon.

Napapikit ako nang muli kong naramdaman ang pagluha ng mga mata ko.

Ayoko na siyang isipin. Ayoko na siyang maalala pero kahit anong pigil ko ... naiisip at naiisip ko pa rin si Lucas.

"Leah, nandyan ka ba?" Tanong ni Keanu habang kumakatok siya sa pinto.

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, deretso sa mga mata. Iyon bang klase ng tingin na para bang binabasa na naman niya ang nasa isipan ko.

Agad akong umiwas sa kanya ng tingin.

"Ah, nakahanda na ang dinner sa baba. Tara na." Aya niya.

Ngumiti ako, "Hindi pa ako gutom. Lalabas lang muna ako. Magpapahangin lang."

Tumango lamang siya at umalis.

Tinignan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at kinuha ang cardigan ko. Dali-dali ko itong sinuot at lumabas na ako ng bahay nila Karen.

Mula noong nakabalik si Keanu galing sa Tarlac ay parang nag-iba siya. Ang dalas niyang basahin ang mga iniisip ko. Pero maaring imahinasyon ko lang iyon. Baka may kung ano lang na nangyari rin sa kanya na hindi pa niya nasasabi sa amin. Baka hindi naman iyon masama para sa akin.

Tahol agad ng aso ang sumalubong sa akin nang pagkalabas na pagkalabas ko. Nasa mismong harapan ko ito. Isang mataas na asong itim, malalaki ang mga ngipin at sobrang nakakatakot ang itsura. Tahol ito nang tahol sa akin.

Nakatayo lamang ako roon habang nakatingin sa aso. Hindi ko alam ang gagawin ko para makaalis sa kinatatayuan ko.

Sinubukan kong humakbang pero nakasunod pa rin ang aso sa paghakbang ko. Para bang nakadikit ang mga mata niya sa akin.

Lubha akong natatakot sa ganitong sitwasyon.

Lumingon ako sa may gate upang sana ay tumakbo na papasok ng bahay ngunit sa paglingon ko muli sa aso ay nawala na lamang ito sa harapan ko.

Napabuntong-hininga ako.

Kung ang aso na iyon ay walang konekta sa mga hybrid ay baka nababaliw na lang ako.

Umiling-iling ako at nagsimula na akong maglakad.

Nabalitaan ko rin mula kay Damasen na naging maayos ang dinner date ni Bommie at Grey. Noong una ay takot na takot si Bommie pero mukhang naging mabait naman si Grey sa kanya pagkatapos 'nun. Medyo naiinis nga lang sila Damasen dahil sa palaging tawag nang tawag sa kanila si Bommie para magreklamo nang magreklamo tungkol sa kawirduhan ni Grey. Pero kung titignan ang mga nangyayari, okay sila.

Napatingin ako sa langit at isang ngiti ang pumorma sa labi ko. Nangingilid man ang mga luha ko ay nagawa ko pa ring magsalita.

"Ma, 'Pa, miss na miss na miss ko na kayo."

Napayuko ako at tuloy-tuloy na pagluha ang ginawa ko.

"Ano bang gagawin ko, 'Pa? Ano ba ang tama kong gawin? Ikulong ang sarili ko sa galit at hayaan kong maging demonyo si Lucas? Hahayaan ko na lang ba na maghirap na naman siyang mag-isa?" Muli ako tumingala. "Ma, 'Pa, nagiging masama na ba ako?"

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon