"Maililigtas ko pa sila Mint at Minzy."
________ _ _ __
SINUNDAN NAMIN sina Mint at Minzy hanggang sa nasa isa kaming waiting shed. Sumandal si Mint sa gilid at tumingin lang sa amin habang si Minzy naman ay umupo sa sementadong upuan rito. Ilang beses akong napalunok dahil sa kaba. Kahit sino man ay kakabahan sa mga titig nitong si Mint. Sa pagkakaalala ko, siya ang kalahating tao at kalahating anghel pero mas mukhang siya pa ang hahatak sa amin paibaba sa mga tingin at kilos niya.
"Ano ang kundisyon ninyo?" Tanong sa kanya ni Damasen.
Ngumisi sa amin si Mint.
"Mukhang kailangang kailangan nyo talaga ng dalawang libro na iyon, ah?" Matalim siyang tumingin sa akin. "Simple lang ang gusto namin."
Tumayo si Minzy at tumabi sa kakambal niya. Sabay silang tumingin sa amin. At sabay din silang nagsalita.
"Patayin nyo kami."
Ilang beses akong napakurap dahil sa gulat sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ako makagalaw.
Patayin namin sila? Teka ... b-bakit?
"Ibibigay namin ang mga libro kapag alam na naming papatayin nyo na kami. Hellhound lang ang makakapatay sa amin. Wakasan nyo ang mga buhay namin, hindi kami lalaban. At makukuha ninyo ang gusto 'nyo." Tuloy-tuloy na wika ni Mint na akala mo'y normal at walang nakakapangilabot sa mga sinasabi niya.
"B-Bakit?" Wika ko sa kanila.
Umirap muna si Mint sa akin bago niya sagutin ang tanong ko.
"Sa tingin mo, gusto namin tong nangyayari sa katawan namin? Sa tingin mo, nakakatuwa na maging ganitong klaseng nilalang?" Umirap muli siya. Mukhang iritang-irita siya sa tanong ko. "Madali lang naman. Patayin nyo lang kami. Iyon lang ang hinihingi namin. Tapusin nyo na ang paghihirap namin. Sa ngayon, kayo lang ang makakagawa nito." Tumataas ang tono ng kanyang pananalita.
Ipinatong ni Minzy ang kanyang kamay sa balikat ni Mint. "Tama na, ate Mint ... mukhang naiintindihan na nila," sabay wika ni Minzy sa kanya.
Lumapit sa amin si Damasen. Halos pumagitna siya. Humarap siya kay Mint.
"Pwede na bang ngayon?" Tanong niya.
Agad ko siyang hinila. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Nakukonsensiya ako. Alam kong sila na ang nagsabi na gusto nilang mamatay pero habang mas iniisip ko na wala naman silang ginawang masama ... wala silang balak na masama ... lubos akong nakokonsensya.
"Ano ba, Damasen, wag kang padalos-dalos!" Sabi ko sa kanya.
"Ha? Sila na ang nagsabi, Leah. Kailangan na nating ng mga libro. Kung gusto nilang mamatay, edi patayin natin!" Tugon naman niya sabay alis ng kamay ko sa braso niya. "Hindi na natin kailangan pa ng ganyang ugali rito, Leah. Nakita mo na ang sitwasyon ni Lucas. Lumalaban pa rin siya pero hanggang kailan? Malakas ang hybrid sa katawan niya. Kung maawa ka sa kambal na iyan, bakit hindi mo muna isipin si Lucas?"
Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi niya ako naiintindihan.
"Atsaka, isa pa pala," muling pagwika ni Mint. "Wag nyo kaming ilalapit o kaya'y wag kayo magsasama ng taong may hybrid sa katawan. Kaya namin kayo inilayo sa bahay na iyon. May mangyayaring masama kapag nagsama ang kalahating-tao't kalahating demonyo at hybrid sa iisang lugar." Napatingin siya kay Minzy na muling hindi makatingin sa mga mata namin.
Hindi ako nakatugon.
"Ano na ang desisyon nyo?" Wika pa muli ni Mint habang nakapameywang sa amin. "Papatayin nyo ba kami o hindi?"
Magsasalita na sana si Damasen ngunit muli ko siyang pinigilan. Bagkus ay ako ang sumagot.
"Pag-iisipan namin nang mabuti."
Hinatak ko na si Damasen palayo. Hindi man siya nagpupumiglas sa hawak ko ay patuloy pa rin ang pagsasalita niya sa kung gaano ako nagkakamali ngayon. Pinapakinggan ko lahat ng kanyang sinasabi pero iisa pa rin ang nasa isipan ko ngayon.
Maililigtas ko pa sila Mint at Minzy.
Hahanap ako ng paraan.
________ _ _ __
Pagkabalik namin ng bahay ay nadatnan naming nakaupo si Ares sa sofa at tila ba'y pagod na pagod. Lumingon siya sa amin at agad na nagtama ang mga mata namin. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni Damasen habang papalapit sa amin si Ares.
"Anong nangyari kay Lucas?" Pamungad na tanong ko sa kanya. Ngunit bigla kong napansin ang mga sugat niya sa sa braso at sa leeg. Agad akong lumapit sa kanya at hinaplos ang mga sugat na ito. Mukhang mga kalmot at kagat. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Itinaas ko ang ulo ko at tinignan nang husto ang mga sugat niya sa pisngi at sa may kilay niya.
"Nakakatayo pa ako, di'ba? Edi ibig sabihin ayos ako." Tugon niya sa tanong ko. Hahaplusin ko sana ang pisngi niya ngunit inalis niya agad ang kamay ko. "Ako na ang bahala sa mga sugat na 'to. Tapos si Lucas nasa isang bakanteng kwarto. Kalmado na siya pero wala siyang malay." Tumingin siya kay Damasen at pagkatapos ay sa akin naman. "Saan kayo galing?" Tanong naman niya.
Kinuwento ni Damasen lahat ng nangyari habang nakaupo kami sa sofa.
"Naiinis pa rin ako kay Leah. Naroon na, eh! Sinabi na nila ang gusto nila at ang dali lang nito. Ano pa bang hinihintay natin? Sayang ang bawat oras." Kumunot ang kanyang noo at tumingin siya sa akin nang masama. "Balang-araw, malalaman mo na tama ang mga sinasabi ko, Leah."
Sumandal si Ares sa sofa at mariin na pumikit ngunit bigla siyang nagsalita. "Ano bang balak mo, Leah?" Dumilat na siya at tumingin sa akin. Patuloy lang niya akong tinitigan. Mukhang naghihintay siya ng sagot.
"Wala pang balak pero gusto ko silang iligtas..." mahina ang boses ko, wala akong tiwala sa mga sinasabi ko pero alam kong, ito ang gusto kong mangyari.
"Hindi na sila maililigtas." Tugon ni Ares. "Kung gusto mo silang mas mahirapan at mamuhay ng miserable, sige, wag natin silang patayin. Hindi sila purong anghel at demonyo. Kalahating tao sila. Hindi mo alam kung gaano kahirap at kasakit ang nararamdaman nila. Hindi mo ba naiisip kung bakit nila mas gugustuhin pang mamatay?"
Para bang may isang malaking kutsilyo ang sumaksak sa akin sa sinabi ni Ares. Ganun na ba kalala ang sitwasyon nila? Sa desisyon ko ... mas mapapasama pa ang kambal?
Tahimik si Damasen na sobrang nakakapanibago. Seryoso si Ares na sobrang nakakapanibago rin.
"Mag-isip ka naman minsan. Huwag puro puso ... mortal." Tumayo si Ares at umakyat. Dumiretso siya sa loob ng kwarto niya.
Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. Tama naman siya ... pero ngayon ko lang naramdaman na mababa ang tingin niya sa akin dahil sa salitang 'mortal' na ginamit niya. Galit ba sakin si Ares?
"Pagod lang siya. Hindi naman talaga siya ganyan di'ba?" Wika naman ni Damasen sa akin habang nakatayo na siya at papunta na rin sa kwarto niya. "Pahinga ka na rin. Hintayin namin bukas ang sagot mo. Tandaan mo, Leah, importante ang mga libro pero mas importante ang oras." At lumayo na siya.
Nakaupo pa rin ako sa sofa. Nakatulala at lumuluha.
Mukhang ganito talaga. Wala akong naitutulong sa kanila. Palagi ko silang napapahamak. Dahil isa lang akong hamak na mortal...
Pagkagising ko ay ang sakit ng katawan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa. At bumungad sa harapan ko si Lucas. Nakatayo siya nang tuwid. Nakababa ang kanyang tingin sa akin. At ang kanyang mga mata .... ang mga mata niya.
Ang kabila ay kulay pula at ang kabila ay kulay itim...
Huli na noong napansin kong ang hawak niyang kutsilyo.
________ _ _ __
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner