"Naiisip pa rin niya ako. Nag-aalala pa rin siya. Siya pa rin si Lucas na kilala ko."________ _ _ __
HINDI KO NA NAKAKAUSAP si Lucas mula pa noong nangyari iyon sa bahay nila Louise. Bumalik kami sa bahay nila kasama sina Keanu at Karen pati na rin sila Damasen ngunit wala kaming nadatnan na Lucas noong sandaling iyon. Kinagabihan na siya bumalik. Ang sabi niya ay pinuntahan niya si Pandora. Ni hindi niya ako tinignan. Ni hindi man lang niya ako kinausap. Sila Damasen lang ang pinapansin niya ... hanggang ngayon.
"Baka may gumugulo lang sa isip niya o kaya baka guilty lang siya sa mga nangyari," wika ni Karen.
Napabuntong-hininga lamang ako.
"Hindi kasalanan ni Lucas iyon kaya hindi dapat siya ma-guilty." Biglang sabi ni Keanu na katabi ko.
Nasa may park kami sa harapan ng bahay nila Karen. Tatlo kaming nakaupo sa damuhan habang nagpapalipas ng oras.
Aayusin na raw ni Damasen ang paghahanap sa may-ari ng pangatlong libro. Bilang lang ang araw. Walang dapat masayang na oras. Kung nasaan man ang may-ari 'nung pangatlong libro ay kailangan na namin itong makilala.
"Ang nasa loob ng librong iyon ay isang masamang elemento na nagpapagising sa isang matinding galit sa katawan ng nagpakawala nito. Bumubuhay ito ng poot, ng inggit at kung ano pang rason na pupwede para sa isang nilalang na magalit." Lumingon siya sa akin. "Iilan lang ang libro na meron nyan, ang iba naman ay hindi ninyo ikakapahamak. Depende sa kung sino ang nagmamay-ari. Depende kung paano niya ginagamit ang libro o kung ano man ang inilagay niya rito. Leah, sana mag-ingat na kayo sa susunod."
Tumango ako bilang tugon sa sinabi ni Keanu.
"Bakit kasi hindi tayo pwedeng sumama sa kanila?" Tanong sa kanya ni Karen. "Mas okay kung magtutulungan tayo kaysa sa kanila lang tayo umaasa sa pagpapaalis ng hybrid sa katawan ni Lucas. Misyon natin ito, hindi nila," dagdag pa niya.
"Hindi ko alam kung katanggap-tanggap para sa atin na makianib sa grupo nila, kahit na sabihin nating kakampi natin sila at sa mabuting paraan naman nila ginagamit ang kapangyarihan nila. Hindi pa rin maaalis na masamang elemento pa rin sila Damasen, Ares at Lucas lalo na si Pandora. Baka bigla na lang tayong kuhanin at ialis sa misyon na ito. Marami pa namang iba dyan na matutulungan natin. Hindi lang si Lucas ang merong Hybrid sa katawan."
Napahiga si Karen at muling nagwika, "Nakakainis naman kasi eh. Tignan mo nga, kinidnap pa ko 'nung Hybrid sa katawan ni Louise. Sinong nagligtas sa akin? Sila Damasen din." Muling umupo si Karen at lumingon sa aming dalawa. "Hindi porket sa nasa liwanag tayo ay hindi na natin pupwedeng bigyan ng tulong ang nasa dilim lalo na't kung para sa ikakabuti naman ito ng misyon, di'ba?"
Napangiti ako. "Salamat Karen pero ayaw na naming abalahin kayo nang masyado. Sapat na sa amin na narito kayo at nakasuporta," wika ko sa kanya.
Ngumuso lang siya sa sinabi ko. Marahil ay sa inis pa rin sa kalagayan namin.
"Hoy Leah! Tara na, ihahatid na kita sa inyo." Sigaw ni Ares sa di kalayuan.
Bigla akong nagtaka. Bakit naman akong biglang ihahatid ni Ares? Anong nalanghap na masamang hangin nitong hellhound na 'to?
"Utos to ni Lucas, wag kang assuming," dagdag pa niya sabay ng ngisi niya.
Hindi ko namalayan na ngumiti ako. Naiisip pa rin niya ako. Nag-aalala pa rin siya. Siya pa rin si Lucas na kilala ko. Iniiwasan lang niya ako sa hindi ko malaman na dahilan pero nasa isip pa rin niya ang kaligtasan ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasiEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner