7 --- Gunshots

41.3K 1.9K 185
                                    


"Ang kapalit ng isang katawan ay isa pang katawan."

________ _ _ __

NANG HINAPLOS KO ang buhok ni Lucas ay kasabay naman ang pagmulat ng kanyang mga mata. Deretso itong nakatitig sa akin. Walang kakurap-kurap. Punong-puno pa rin ng tensyon. Bigla akong kinabahan at inilayo sa kanya ang aking kamay.

        Totoo nga. Si Lucas ay katabi ko ngayon. Hindi na ito isang panaginip. Hindi na ako nililinlang ng isip ko.

        Ilang sandali ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan. Napatitig ako sa ilalim ng pinto at meron ngang anino sa harapan nito, isang pares ng paa. Sino naman ang kakatok sa pintuan ko sa ganitong oras? Sa pagtingin ko sa digital clock sa may side table, alas-tres na ng madaling-araw. Hindi naman siguro si Mama ito o si Papa?

        Isang katok na pagkatapos ng ilang segundo ay naging dalawa. Dalawang katok na naging tatlo pagkaraan muli ng ilang sandali. Hanggang sa sunod-sunod na ang naging pagkatok nito. Palakas nang palakas. Pabilis nang pabilis.

        "Huwag mong pagbubuksan," wika ni Lucas na ngayo'y nakaupo sa gilid ng kama ko. Pinatay niya ang ilaw ng lampshade na nasa side table rin at muli siyang nagsalita, "Wag kang gagawa ng kahit anong ingay."

        Iyon nga ang ginawa ko.

        Hanggang sa tumigil ang pagkatok ngunit naroon pa rin ang anino ng mga paa. Nawala rin ito makalipas ng ilang minuto.

        Muling binuksan ni Lucas ang ilaw ng lampshade at nakita ko na naman ang sarili ko na pinagmamasdan siya.

        "Bakit ka nandito? Ikaw ba yung pusa kanina? Anong naisip mo at bigla kang pumunta rito? May kailangan ka ba? Ano 'yung kumakatok kanina?" Sunod-sunod na pagtatanong ko.

        Hindi niya ako masisisi. Sino ba namang ang hindi magtataka kung biglang pumasok sa kwarto niya ang isa niya kaklase at bigla na lang tumabi sa pagtulog? Lalo na sa kaso ni Lucas—ngayong nakikihati sa katawan niya ang isang Hybrid.

        "Napakadami mong tanong."

        Muli ay lumingon siya sa akin. Nakatitig muli sa mga mata ko ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay hindi lang basta mata ko ang pinagkakatitigan niya. Ganito ba ang kanyang ginagawa kapag nagbabasa siya ng iniisip ng iba?

        "Mukhang totoo nga na gusto mo akong tulungan. Sigurado ka ba talagang kaya mo?"

        "Oo! Sigurado," tugon ko naman.

        Mukhang ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. At nagtagumpay naman siya sa pag-iba ng pag-uusapan.

        "Alam mo bang, ang kapalit ng isang katawan ay isa pang katawan?"

        Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

        "Ano?" Tanong ko.

        "Ang kapalit ng isang katawan ay isa pang katawan. Ang ibig sabihin, kapag inalis mo sa akin ang isang Hybrid. Mas madali siyang makakalipat sa ibang katawan at malaki ang tyansa na malilipat ito sa taong pinakamalapit sa akin. Sa sinabi mong, tutulungan mo ako, para mo na ring sinabi na handa kang mamatay para sa akin. Katulad noong kanina, alam na nila ang tungkol sa'yo. Walang mortal ang dapat na maging malapit sa akin."

        Natahimik ako sa sinabi niya. Nawalan ako ng kakayahan para mag-isip ng kung ano ba ang dapat kong sinabihan o kung paano ko masasabi ang reaksyon ko. Gusto kong subukan na magsalita ngunit sa tuwing nasasagi sa isipan ko ang ibig sabihin ni Lucas, biglang natatameme ang pag-iisip ko.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon