40 --- Fallen Angels

13.5K 646 92
                                    




Hi guys! It's been almost 2 years mula noong nag-update ako. Grabe. :< Sorry kung ganito katagal bago ko pa man matapos ang storya nila Leah at Lucas. Siguro may mga anak at pamilya na ang iba sa inyo *cry* hahahahha jk. I suggest na magbackread kayo pero if di mo bet, keri lang din naman choice mo hihi.

Thank you sa nag-aabang pa rin nito. Ily <3


"Nice to see you, again... Leah."

________ _ _ __

MALAMIG NA tubig ang pinanggising sa akin ni Lucas. Sa pagkakataong ito, para bang naaagnas na ang kanyang mukha. Kung sino man siya, kung bakit man niya ginagaya ang anyo ni Lucas--hindi rin magtatagal at lalabas ang totoo niyang mukha.

"Tumayo ka dyan at batiin mo ang aking maestro!"

Marahas niya akong itinayo at halos kaladkarin na ilabas sa kwarto. Habang ginagawa niya iyon ay patuloy pa rin ang kanyang pagbulong.

"Laura... Laura... Laura..."

Paulit-ulit.

Nakakarindi.

Nang makarating kami sa labas, nakilala ko ang ang tinatawag niyang maestro. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sobrang linaw ko siyang pinagmamasdan ngayon.

"Nice to see you, again... Leah." Wika sakin ni Keanu habang malapad ang ngiti sa kanyang mukha.

Sa tagal ko siyang hindi nakita, napansin kong maraming nagbago sa kanya. Unang-una ang kanyang aura. Pangalawa, ang kutis niya. Pangatlo ang kanyang mga mata. Wala na yung sigla at liwanag sa mukha niya noon. Ngayon, tila ba napalitan ng dilim ang lahat.

"Hindi ba sabi naman namin sa'yo na hindi nyo mabubuo ang mga libro nang hindi dumadaan sa amin?" Sabay ng kanyang pagngisi.

Para bang nawalan ako ng kakayahan magsalita sa sandaling ito. Nakakagulat ang pagbabago sa kanya. Sa itsura, sa pananalita at sa kilos niya. Hindi na nga siya ang dating Keanu.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Hindi na dapat dumating sa puntong ito, Leah. Kung hindi ka lang umalis sa amin, matiwasay sana ang lahat." Isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. "Pero sa kanila ka kumampi, imbis na sa amin. Mas pinili mo sila. Ngunit Leah, sa dulo... alam ko namang hindi ka makakatanggi sa akin."

Akmang hahalikan ako sa labi ni Keanu ngunit naitulak ko siya. Mahinang tawa lang ang naging tugon niya sa akin. Lumapit siya muli sa akin at tinakpan ang aking mga mata. Para bang hindi makagalaw ang buong katawan ko.

At sa pagdilat ko, nasa ibang lugar na ako.

Narito muli ako.

Sariwa pa sa alaala ko ang lugar na ito.

Ito ang lugar kung saan namatay ang magulang ni Lucas... sa harap nila ng Kuya Michael niya.

"Narito tayo kung saan nagsimula ang lahat, Leah. Sa ilang sandali lang at makikita mo na ang Prince Charming mo." Sinabunutan ako ni Keanu habang papasok ng abandunadong bahay na ito.

Walang ilaw pagpasok naman ngunit sa isang tadyak lamang ni Keanu sa lupa ay nagsilabasan ang apoy sa apat na sulok ng lugar na ito. Ang kaibahan lamang, wala itong init. Ngayo'y maliwanag na ang paligid.

"Leah.."

Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Si Karen.

Parehas sila ng pagbabago ni Keanu. Habang mas tumatagal ang pagtitig ko sa best friend ko, mas lalo ko siyang hindi nakikilala

Napansin ko na galing siya sa sulok at naroon ang mga libro. Ang mga libro na dala namin ni Lucas--ang nagpapanggap na Lucas. Ngunit ngayo'y siyam na ang mga libro na ito. Kumpleto na ang mga libro, maari ko nang gawin ang ritwal.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon