"Leah ... bakit hanggang ngayon nagsisinungaling ka pa rin?”
________ _ _ __
KATABI KO SA kaliwa ko si Karen habang kami’y nakatitig lang sa professor namin na nagtuturo sa harapan. Napalingon ako sa katabi ko sa kanan, si Lucas. Ang dating tinatanaw-tanaw ko sa dulo ng hilera ay nasa kanan ko na lamang ngayon. Nakakapanibago.
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan, tatlong upuan ang pagitan mula sa nakaupo sa pinakagilid. Tumingin siya pabalik siya akin at mukhang hanggang ngayon ay inis pa siya sa akin lalo na’t nakatabi sa akin si Lucas, ang matagal na niyang target. Inirapan ako ni Louise saka binalik ang atensyon niya sa professor namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
Si Louise ay may makapangyarihan na Hybrid sa katawan niya.
Isang klase ng Hybrid na hindi kailangan pang kumain ng puso ng tao na puno ng galit upang mabuhay. Ang kailangan lamang ng Hyrbid na nasa katawan ni Louise ay halik ng isa pang tao, na kasalungat ng kasarian ng ginagamit nitong katawan ng mortal. At kung may Hybrid ang bibiktimahin niya ay mas maganda. Kaya pala noong hinalikan niya si Lucas ‘nung debut niya ay nakatulala lamang si Lucas hanggang sa nasa comfort room kami. Maaring hindi nakuha ni Louise ang lahat ng lakas ng Hybrid at ng mortal na katawan ni Lucas dahil sa lakas din ng Hybrid na nasa katawan ni Lucas. Iyon lamang ang sinabing dahilan ni Damasen kaya hanggang ngayon ay buhay pa si Lucas dahil kung mahinang Hybrid lamang ang nasa katawan niya ay paniguradong patay na raw ito. Kapag naman sa mortal niya ginagawa iyon, ilang araw ang nakakalipas pagkatapos niyang halikan ang mortal at may kuhanin na kung ano sa pagkatao niya ay magpapakamatay ito.
Isa ring klase ng Hybrid na kayang kontrolin ang katawan ng mortal nang hindi man lang namamalayan ng mortal. Hindi alam ni Louise na may Hybrid sa katawan niya. Ni hindi niya nalalaman kung kelan nito nakokontrol at kung kelan nababalik sa kanya ang kanyang pag-iisip. Madalas pa ay nakakapasok ang Hybrid sa utak ni Louise at may mga nagagawang bagay na hindi niya napapansin, basta ang alam ni Louise, ay siya ang nagdedesisyon sa bawat galaw niya.
Isa ito sa mga pinakaunang hybrids sa mundo. At sa bawat araw na ginagamit nila ang isang katawan ng mortal, mas lumalapit ang mortal sa bingit ng kamatayan. Ibig sabihin, sa bawat araw na nagdaraan, nababawasan ang kakayahan nila upang mabuhay nang mas matagal.
Delikado ang buhay ni Louise.
Nandito rin kasama namin sa klase si Damasen at si Ares. Nakaupo sila sa likuran namin. Hindi ko alam kung paano nila nagawa na paniwalain ang lahat na matagal na namin silang kaklase at pati ang mga professor. Parang magic nga na lumitaw na lang bigla ang mga pangalan nila sa records. Mukhang ang nasa likod nito ay si Lucas.
Nagagamit ni Lucas kahit papano ang kapangyarihan ng Hybrid na nasa loob niya kahit na hindi nito kinokontrol ang katawan niya. Ang sabi nila Keanu at nila Damasen ay ngayon lang sila nakakita nang ganito. Kakaiba raw ang kaso ni Lucas.
“Okay,time na. Next week na lang ang long quiz nyo. Bye, class.” At lumabas na agad ang professor namin pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita.
“Nagmamadali si Sir ah,” sabi ni Damasen na nanatiling nakaupo.
“Natatae ata.” Tugon ni Ares sa kanya.
Natawa ako sa sinabi ni Ares at inaya ko na lang sila na lumabas na. Kailangan hindi kami magpahalata kay Louise at sa kumokontrol sa kanyang Hybrid na minamatyagan namin siya dahil kung hindi ay baka gumawa na ito ng paraan laban sa amin.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner