"Sa ikasandaang araw, bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at naroon ako ... naroon kami."
________ _ _ __
"SORRY. SORRY TALAGA," paulit-ulit kong sambit habang ginagamot ko ang sugat ni Ares. Puno sila ng saksak sa braso at iba pang parte ng katawan. Si Damasen naman ay ginagamot ang sarili niya habang si Lucas ay nakabantay pa rin sa amin dahil maari raw na bumalik ang batang iyon.
"Isa siya sa mga Iblis, sila ang mga batang demonyo na may anyong tao. Kaya nila kumontrol ng mga mortal sa pamamagitan ng mga sinulid sa mga daliri nila." Wika ni Damasen habang nililinis niya ang sugat niya sa kanyang kaliwang braso. "Mapaglaro sila. Sobra. May nabalitaan nga ako na isang Iblis na kinontrol ang isang mortal, simple lang naman ang pinagawa niya---kinain ng mortal ang sarili niya."
Napangiwi ako nang narinig ko iyon
"Mabuti na lang at di mo kami napatay 'no?" Biglang sabi naman ni Ares. "Di kita mapatulan kanina eh. Kung ibang tao ka lang, baka mas napuruhan ka pa kaysa sa amin," dagdag pa niya.
Napangiti naman ako 'nun habang nakatingin pa rin sa akin si Ares. Napayuko siya nang sandaling iyon.
"Wag ka ngang ngingiti-ngiti dyan," bulong niya.
Bago pa man ako maka-react sa sinabi niya ay naagaw na ni Lucas ang atensyon ko nang bigla siyang nagsalita.
"Mukhang wala na ang batang Iblis. Aalis muna ako."
"San ka pupunta?" Nabitawan ko ang kamay ni Ares na kasalukuyan kong ginagamot at napatayo sa kinauupuan ko. "Delikado, Lucas. Ilang araw na lang at---"
"Wag kang mag-alala. Kaya ko, Leah." Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Ganun pa rin ang tensyon sa mga mata niya. Ganun pa rin ang epekto nito sa akin.
Tumango na lamang ako at umalis na siya.
Babalikan ko na sana ang paggagamot kay Ares ngunit siya na ang gumagamot sa mga sugat niya.
"Kaya ko rin gamutin ang sarili ko. Magpahinga ka na lang," wika sa akin ni Ares habang buong konsentrasyon niyang ginagamot ang sarili niya at ni hindi man lang tumitingin sa akin.
Tahimik akong pumunta sa kwarto ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod kaya dali-dali akong humiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
At sa inaasahan ko, isa na namang masamang panaginip ang bumungad sa akin.
Mabilis ang mga pangyayari. Nasa isa akong malaki at madilim na bahay. Lakad lang daw ako nang lakad hanggang sa biglang nagbukas ang lahat ng ilaw. Napanganga ako sa ganda ng lugar na kinalalagyan ko. Magarbo ang mga muebles, malalaki ang mga chandelier at maraming pagkain sa mesa.
Naglakad pa rin ako hanggang sa nasa harap akong isang malaking pinto. Bubuksan ko sana ito ngunit may nagsalita sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napalingon ako sa batang Lucas. Ito ang itsura niya noong una ko siyang nakita. Ang mga malalamig niyang mga mata, ang suot niyang pormal at alam mong galing siya sa isang prominenteng pamilya.
"Sino ka?" Muli niyang tanong.
"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong ko naman sa kanya.
"Bakit, sino ka ba para maalala ko? Isa ka bang importanteng tao?"
Umiling ako.
"Ano naman ang ibig sabihin ng iling mo? Magulo ka," muli siyang nagwika.
Tumalikod na ako sa kanya at akmang bubuksan ko na ang pinto.
"Magsisisi ka kapag binuksan mo yan," sambit ng batang Lucas.
"Bakit, ano ba ang nasa loob nito?" Tanong ko naman.
"Isang demonyo," tugon niya.
Walang anu-ano'y binuksan ko ang pinto. At di ako makapaniwala sa bumungad sa akin.
Si Lucas, ang Lucas na kilala ko ngayon. Nakatali ang mga kamay at paa niya gamit ang kadena na nakakabit sa apat na sulok ng kwarto. Pulang-pula ang kanyang mga mata. Naglalaway siya at duguan ang bibig. Napansin ko rin ang napakaraming sugat sa katawan niya.
"A-Anong ginawa mo sa kanya?" Mahina kong sambit.
Lumingon ako sa batang Lucas at tawa lang siya nang tawa. Halos naiiyak siya sa sobrang saya.
"Dahil iyan ang nararapat sa kanya." Humakbang ang batang Lucas papalapit sa akin. "Ngayon, may hapunan na naman siya." At tinulak niya ako papasok sa kwarto.
Nagsarado ito at ni hindi ko na mabuksan.
Tumigil ako sa kakagalaw nang sumigaw si Lucas. Libo-libong boses ang narinig ko sa kanyang pagsigaw. Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga kadena. Narinig ko ang mabibigat na paghakbang niya papunta sa akin.
"Lucas ... si Leah 'to," paulit-ulit kong sinabi.
Hindi siya tumugon bagkus ay naramdaman ko na lamang ang paghatak niya sa akin at pagkagat sa katawan ko.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kasabay ng pag-upo ko sa kama. Pawis na pawis ako. Hingal na hingal.
"Huminahon ka. Panaginip lang iyon."
Napalingon ako sa katabi ko.
"Lucas..."
Nakatingin siya sa akin at sumenyas gamit ang kanyang kamay na lumapit sa kanya. Iyon naman ang ginawa ko.
Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya kasabay ng halik sa aking noo.Kahit papano'y naging panatag ang kalooban ko.
________ _ _ __
Kinabukasan ay nagsimula na kaming maghanap sa kung nasaan ang panghuling libro. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Damasen pero para siyang may kinakatikot sa isang malaking libro. Doon daw niya nakikita kung sino ang may hawak ng m ga libro.
Tahimik naman si Ares sa tabi ko habang si Lucas ay gayon din habang patingin-tingin sa akin.
Sandaling napatigil si Damasen na lubos naman na nagbigay sa akin ng kaba.
"Ano, sino na ang may-ari?" Tanong ko habang kabado pa rin.
Hindi agad nakapagsalita si Damasen.
"Sino?" Tanong naman ni Ares sa kanya.
Tumayo si Damasen at may kinuha sa mga mahiwaga niyang buhangin. Sinaboy niya ito sa hangin at may lumabas na imahe mula rito.
"Ito lang ang nakita ko..."wika niya sa amin.
Nakatingin lang kaming apat sa isang imahe ng punit na papel. Parang dugo pa ang pinansulat sa papel iyon.
"Sa ikasandaang araw, bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at naroon ako ... naroon kami," pagbasa ko sa nakasulat.
Nakatitigan kaming apat at alam ko ang nararamdaman ng bawat isa.
Kaba at takot.
Sino kaya sila?
________ _ _ __
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You About Lucas | completed
FantasyEvil. Manipulative. Mysterious. Will you fall for him? -- Date started: September 7, 2014 Date finished: June 8, 2018 DARAGON FANFIC x YG FAM FANFIC | Photo used on the book cover is not mine. All rights reserved to the original owner