15 ---Death

28.9K 1.4K 134
                                    

"Ngayon, Leah, alam mo na ba ang pakiramdam ko?"

________ _ _ __

UMAKYAT AKO sa kama kung nasaan ang katawan ng magulang ko at hinaplos ang mukha ni Mama gamit ang nanginginig kong kamay. Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mukha ko. Hindi ko marehistro sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

Nasa harap ko ang mga magulang ko ... wala na silang buhay.

Unti-unti akong lumingon kay Lucas na nakatingin lang nang deretso sa katawan nila Mama't Papa. Walang ekspresyon ang mukha niya. Nakatayo lang siya nang deretso roon. Muling bumalik ang normal na kulay ng mga mata niya. Ngayon, alam kong si Lucas na talaga ang kaharap ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya at dahil sa galit ay pinagsusuntok ko ang dibdib niya habang humahagulgol, habang nagluluksa. Hindi ako nagsasalita at tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak.

Mas nilakasan ko pa ang pagsuntok at ang paghagulgol ko na sinasabayan ko ng sigaw.

"Ngayon, Leah, alam mo na ba ang pakiramdam ko?"

Napatingin ako sa kanya noong sinabi niya iyon. Sa unang pagkakataon ay muli kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata, ramdam ko ang poot na kanyang nadarama.

"Tulad nang paghingi mo ng patawad sa akin noon." Inalis niya ang mga kamay ko sa dibdib at mas inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "Mapapatawad mo rin ba ako?" Ngumisi siya. "Tama ka, Leah, ito ako. Masama ako. Demonyo ako. Pinatay ko ang mga magulang mo. Dapat na akong mamatay. Dapat na akong lamunin ng demonyo sa katawan ko dahil habang tumatagal, nagiging isa na lang kami. Kaya huwag ka nang magpapakita sa akin. Huwag mo na akong tulungan." Tinulak niya ako hanggang sa naramdaman ko sa likuran ko ang katawan ng mga magulang ko.

"Hindi mo naman tutulungan ang pumatay sa mga magulang mo di'ba?"

Tumigil ako sa pagluha bagkus ay pinanood ko lang siya noong siya'y biglang nawala at tanging itim na usok lang ang natira sa harapan ko.

Ilang sandali ang nakaraan at muling nanumbalik sa akin ang lahat. Muli kong pinagmasdan ang Mama't Papa ko. Muli kong naramdaman ang sobra-sobrang kirot sa puso. At sa panunumbalik 'nun ay muli kong narinig sa isipan ko ang sinabi ni Lucas.

 "Tulad nang paghingi mo ng patawad sa akin noon. Mapapatawad mo rin ba ako?"

Tumayo ako sa kama at lumapit sa telepono. Nanginginig kong pinindot ang bawat numero.

"Leah, bakit ka napatawag?" Wika ni Karen sa kabilang linya.

"K-Karen, pwede bang pumunta kayo muna rito sa b-bahay?"

Biglang nataranta si Karen, "Anong nangyari?! Teka, papunta na kami. Dyan ka lang!"

Ibinaba ko ang telepono at muling napatingin kina Mama't Papa. Napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa malamig na pader. Muli akong humagulgol. Ilang beses akong napahampas sa sahig. Ilang beses akong sumigaw. Ngunit kahit anong gawin ko, wala na sila. Pinatay sila ni Lucas. Si Lucas ... hindi ko akalain na magagawa niya ito.

 "Ngayon, Leah, alam mo na ba ang pakiramdam ko?"

________ _ _ __

Nakaharap ako ngayon sa kabaong nila Mama't Papa. Tatlo lamang kami nila Karen at Keanu ang nasa maliit na chapel na ito. Dahil sa wala naman kaming kamag-anak na gugustuhing pumunta sa lamay nila Mama't Papa ay ililibing na agad ang kanilang mga katawan kinabukasan. Isang gabi na mula noong unang lamay at puro mga kapitbahay, mga kaunting kaibigan lamang nila at sina Karen, Keanu, Ares at Damasen ang nakasama ko rito.

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon