Kabanata 1

70 6 0
                                    

 
Bawat sasakyan ay halos gustong magpatintero sa kalsada. Nakakapaso ang init ng araw na kanina ko pa tinitiis dahil mukhang malabong dumating si tito. Alisto akong naglakad sa gilid ng kalsada upang hindi mahagip ng mga sasakyan.

"When the sky is bleeding, my heart felt it too—"

I suddenly stopped in what I'm singing, because of the old lady infront of me. She has a white hair. She has only a white towel on her head to prevent the heat that she felt from the sun. 

Mabagal lang siyang lumakad dahil sa kaniyang katandaan, nangingintab ang kaniyang bisig dahil sa sobrang pawis. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya nang huminto siya ng panandalian.

"Hi po," bati ko.

She looked at me instantly and smiled. "Magandang araw, ija. Ikaw ba'y may kailangan?" mahinang tanong nito habang nakikipagsabayan ang kulubot niyang balat sa mukha.

"Wala po. May kasama po ba kayo? Saan po kayo pupunta?"

Tumingin ang matanda sa kanan, kung saan mas kaunti ang kotse dahil village na iyon.

"Ako'y hahanap muna ng masisilungan bago saka umuwi. Hinihintay ako ng aking asawa." Natigil ito at tumitig sa akin. "Huhulihin mo ba ako?" gulat na tanong niya.

Ngumiti lang ako at umiling. Kinuha ko ang kaniyang kamay saka inabot doon ang hawak kong payong.

"Sa inyo na po 'yan. D'yan na lang naman po ako, e. "

"Nakakahiya ija, ikaw naman ang walang gagamitin. De bale na, salamat na lang sa iyo."

Muli akong umiling at saka tumingin sa kalangitan, bahagya nang nagiging makulimlim kayo mas lalo akong nagpumilit.

"No, it's okay po. Mukhang uulan po nay e, malapit na po ang bahay namin. Mag-iingat po kayo a," ngiting pagpapaalam ko.

Nilagpasan ko na si nanay upang hindi na tumanggi pa. Malapit naman na ako sa gate. Nawala ang kaninang mainit na klima, bahagyang lumakas ang hangin kaya hindi maiiwasang magulo ang mahaba kong buhok.

Muli na naman akong natigil dahil sa isang maliit na pusa na panay ang pag-iingay. Inilibot ko muna ang aking tingin at nang makasiguradong walang tao ay agad akong yumuko upang salubungin ang pusang kulay kahel.

"Hey, are you crying?" tanong ko saka siya binuhat.

Ngunit mukhang hindi na niya kailangang sumagot dahil tuluyan nang umiyak ang kalangitan. Mabilis akong tumakbo habang bitbit ang pusa na iniingatang mabasa dahil mukhang bata pa ito.

Natatanaw ko na ang malaking gate. Sinalubong ko ang mas malakas na hangin at ulan na sumakto sa pagpasok ko. Huminto ako sandali sa isang mayabong na puno kung saan mas kaunti ang pagpatak ng ulan.

Nakangiting tinitigan ko ang damit kong nakalobo saka maingat na nilabas ang maliit na pusa roon na mukhang takot na takot.

"Don't worry, I will take care of you. Are you hungry? Well, same," natatawa kong panghihimas sa ulo nito.

Nilakad ko lamang ang kahabaan ng punong iyon para hindi kami masyadong mabasa. Nang makarating sa loob ay dumaan na lang ako sa likuran, kinuha ko ang tulwayang naroon at saka ipinunas sa aking sarili, ibinalot ko na rin doon ang pusa at saka pumanhik sa itaas.

Halos walang tao rito, they are busy in their own business like my uncle. Well, we have a same situation but I don't want to be like them, they haven't time for themselves. Nikasha told me to me that I should be prioritized myself first, before the other matter, that's her only rule. But she always broke it. Well, we have a difference afterall.

After I cleaned myself and the cute little garfield, I went downstairs to prepare some foods. Gatas ang binigay ko sa kaniya, nang maubos niya iyon ay inilapag ko na siya sa isang bakanteng malinis na kulungan na malapit sa main door.

Hapon pa lang pero mukhang gabi na sa sobrang lakas ng ulan at makulimlim na kalangitan. Mukhang hindi na ako makakapunta sa opisina at dito na lang gagawin ang ibang dokumento. Hindi ko rin alam kung paano ko mapapapayag ang isang negosyanteng kailangan ni tito.

Nang makarating ako sa salas ay naupo na lang ako sa pinaka-sentrong sofa. Kinuha ang isang magazine kung saan naroon sila Veron at Lana. Their designs are really fantastic!

Oh! I forgot! I need an engineer! My god! How can I forgot that.

I gradually grab my phone to call Jairo, but I heard a footsteps at stairs. Tumayo ako upang silipin iyon pero nakahinga rin nang maayos dahil sa isang lalaking abala sa pag-aayos ng polo.

"You need help?" ngiting tanong ko na ikinagulat niya.

Ngumiti rin ito saka sumuko sa ginagawa. "Yes, please?" sagot niya.

Lumapit ito saka tumalikod sa akin, titingkayad na sana ako upang maabot ang kaniyang batok nang bigla nitong pinaliit ang sarili upang makapantay ko. Nang maayos ko ang kaniyang necktie ay saka ito humarap sa akin.

"Thanks, Caz," pasasalamat nito saka kumindat.

Nakurot ko na lang ang aking daliri dahil doon, bakit ba hindi pa rin ako sanay sa gano'ng gawain? I always do that with him. Plus, he always called me by my second name. Cazue.

"My pleasure. Ahm, are you going?"

"Hmm, don't think so. Malakas ang ulan, then baka hindi rin dumating ang iba." Paninilip nito sa malaking bintana sa sala.

Naupo lamang ako sa sofa at pinagmasdan ang lalaking tuwid kung tumayo, titig na titig siya sa kaniyang selpon at mukhang nakikibalita sa mangyayari. Darating na ang araw na mas lalo siyang magiging abala sa trabaho niya.

We're both a businessman, kaya normal na lang sa amin na mag-usap tungkol sa mga negosyante at sa mga project na minsan niya akong tinutulungan. Hindi naman kami magkalaban dahil casino ang hawak ng kaniyang pamilya, unlike my business is all about property, land and so on.

"Mukhang hindi na ako aalis, can we change our schedule? How 'bout first week of August? Okay, thank you! Just take your time, Ma'am," nakangiting sabi nito sa telepono.

First week of August? We have a meeting on that week.

Lumingon ito sa akin at saka kinagat ang pang-ibabang labi. Nginitian ko ito at kinunotan ng noo.

"Any problem, Sevein?" natatawa kong tanong sa kaniya saka ito naupo sa tabi ko.

Nagtatakang pinagmasdan ko ang mukha nitong napaka-amo na nakuha niya kay Tito Matt. He gradually held my hand then kissed it. As he used to do.

"Can we discuss our meeting today instead of next week? Please? Pleas—"

"Why? I mean, our schedule is on next week. May iba ka pa bang meeting?" tanong ko saka dahan-dahang winagayway ang selpon.

That girl. I see.

"Magkakapalit ang schedule?" paninigurado ko na tinanguan niya. "Okay. Sure. Wala rin naman akong gagawin. Mukhang mamaya pa titila ang ulan," ngiting anas ko saka ito ngumiti.

"Thanks!" Pangungurot nito sa aking pisngi at saka bahagya kong inalis iyon dahil ramdam kong may tao sa likuran ko. "I'll cook first. Just stay here, Caz."

Tumayo na ito saka umalis sa sala. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa niya na ginagawa niya rin naman sa ibang tao rito. He's my kuya afterall. Nasanay na lang aking tawagin siya sa kaniyang pangalan. I was so shy to call him, Kuya Sev, like... I can't.

"Hoping that you're okay, Caz," isang kilalang boses ang nangagaling sa likuran ko.

His mom.

"I'm okay, tita," I whispered.

Nagbalik ako ng aking tingin sa malaking bintana kung saan nagsisipaggapang ang mga tubig na dahil sa talsik ng ulan. Gustong-gusto ko ang ganito. Ang umuulan. Napaka-payapa ng paligid, sabayan pa ang malamig na panahon.

Raindrops are meaningful for me. My peace. I hoped, while I waiting him, raindrops are still there.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon