Kabanata 48

21 0 0
                                    



Weeks had passed quickly. Sobrang daming nangayari na halos habang tumatagal ay ayoko namang pumunta ng kumpanya, I met that man who wants to be part of our company— my life. I refused it immediately. Wala akong balak sa gano'ng kalokohan, I only want to help my tito with his company, and he should let me do my work only, only my work.

Mas lalong nanaig na hindi ako umuwi sa mansyon at samahan si Fred na pansamantalang nagtatrabaho sa isa kong kakilala, sobrang liit ng kinikita niya at ni wala man lang akong reklamong narinig. Pamasahe lang ang gusto niya bago umuwi sa probinsya ng kaniyang ama. Wala naman akong karapatang pigilan siya.

Sinadya kong tapusin ang lahat ng papeles na kailangan dahil na rin balak kong samahan si Fred this week para bumili ng ibang gamit na kailangan niya. Disidido na siyang hindi bumalik dito sa syudad dahil hindi gaganda ang buhay niya rito. Alam ko naman iyon, wala na siyang lisensya, mahirap magkaroon ng trabaho rito. Good thing na nakuha ni Fred ang mahahalagang dokumento sa kaibigan niya katulad ng mga birth certificate at iba pa.

Agad akong napaayos ng upo nang may kumatok na pinapasok ko rin naman agad. Ni hindi ko nagawang titigan si tito dahil sa huli naming pag-uusap. Naupo ito at saka ako tinitigan base na rin sa gilid ng paningin ko.

"Zerenika, talk me. Naayos na namin ang lahat—"

"Na hindi man lang sinasabi sa akin noon? Isang taon na po pa lang naka-plano but still, you assigned me to Agustin para mas maging maayos ang pag-uusap ninyo?" kalmado kong saad na diretsong nakatingin sa kaniya.

Hindi ko mahanap ang punto niya. Bakit kailangan niyang gawin sa akin 'to?

"Nauubos na po ba ang pera ng kumpanya kaya kailangan kong pumirma sa kasunduan?" dugtong ko.

"Dalawang taon lang, Zeren, kailangan mong magpakasal sa kaniya."

"No. Kahit dalawang taon pa 'yan. Naririnig ninyo po ba yang sinasabi ninyo? We're talking about marriage, and we all know na sagrado ito."

Rinig ko ang buntonghininga niya. Kahit na anong mangyari ay hindi ako papayag sa gusto nila, they don't have a right to control me. Hindi nila alam kung paano ko tinitiis ang lahat ng 'to.

"Babagsak ang kumpanya natin, Zeren. We have to deal with them, matutulungan nila tayo, nauubusan na ng pondo ang kumpanya at sa susunod na taon pa darating ang pera. Kapag lumala pa ito, mapipilitan akong isara ito sa susunod na buwan.

Fvck!

Next month? Sobrang bilis. Paanong nangyari iyon?

Naikuyom ko ang aking kamao saka napangisi. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Naiintindihan ko siya na mahalaga ang pondo lalo na't marami kaming empleyado, may binabayaran kaming inhenyero. Pero bakit ako ang kailangang sumugal? Hindi ba puwedeng tulungan ko siya sa ibang paraan?

"Pag-isipan mo Zeren. You have no boyfriend, there's no problem with that."

There's a huge impact for that.

"Business is business. When it comes to personal life, I have my own rules."

Wala na akong ibang narinig sa kaniya. Nasasaktan din naman ako at nahihirapan sa sitwasyon namin dahil ramdam kong unti-unting bumabagsak ang lahat. Alam kong may paraan pa, hindi puwedeng mauwi ang lahat sa ganito.

Kusang nanginig ang mga kamay ko nang maisip ko ang bagay na iyon, ayokong iwanan si tito, mahal ko si tito, pero hindi ko alam na ako mismo ang ipapain niya. Sinimulan kong hanapin ang letter na iyon sa laptop, I printed it immediately. Ala-singko na at kailangan ko pang pumunta sa mansyon, wala nang ibang dahilan at paraan kundi itong papel na ito.

Aalis naman si tito ngayon at babalik pa sa katapusan ng buwan, nagsimula na akong magmaneho papunta sa mansyon, sobrang daming tunatakbo sa utak ko. Ni hindi ko Alam kung paano isa-isahin ang lahat. Nang makarating sa mansyon ay sa likuran na ako dumaan, umakyat agad ako sa aking kwarto. Isang malaking bag ang kinuha ko saka sinimulang ilagay ang mga gamit ko roon, mahahalagang papeles, at ang litratong binigay ni Fred sa akin.... ang litrato naming magkakapatid at ni tito.

Nanghihina ang tuhod kong maupo sa kama habang tinititigan ang isang pirasong papel. Ayokong umabot sa ganito, alam kong mali pero gusto kong takasan ang ganitong klaseng plano. Hindi ko maaatim na ilagay sa gano'ng sitwasyon.

I signed my resignation letter.

Kinuha ko na agad ang isang bag at saka nagdire-diretso papunta sa sala. Ang lahat ay nakatingin sa akin at natigil sa kanilang pagkukwentuhan, hinanap agad ng mata ko ang kapatid kong buhat ang aking pamangkin na bahagyang natigil sa paglalaro.

"Zere—"

Inilapag ko agad sa center table ang papel na iyon na mabilis niyang kinuha.

"Are you crazy? Seryoso ka ba Zeren—"

"Wala akong oras makipag-biruan, Nikasha," mariin kong sambit sa harapan niya na rinig na rinig ng mga tao roon.

"Hindi ka aalis! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at kailangang umabot sa ganito?" tanong nito sa akin saka ko tuluyang nabitawan ang bag.

"Are you even serious? Wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho, hindi ko inisip ang sarili ko dahil sa trabaho, then what? Maririnig ko na lang na babagsak ang kumpanya, para ninyo na akong binebenta!" kalmadong saad ko ngunit hindi ko maiwasang taasan ang aking boses. "Walang kasal na mangyayari sa akin. Pakisabi kay tito na hindi ko kayang gawin ang pinapagawa niya dahil duwag ako!" Humahagulhol kong saad saka tumalikod sa kanila.

Nanghihinang kinuha ko ang aking gamit ngunit narinig ko ang pagtawag nila, ang pag-awat nila sa akin. Ngising humarap ako sa kanila bago lumandas ang mga luha ko.

"I'm done. Naging masaya ako para sa inyo, ginawa ko ang sinabi mong tanggapin ang posisyon sa kumpanya. Nagtrabaho ako at buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa inyo. Pakisabi kay tito na hindi niya ako kailangang ibigay sa iba." Agad kong pinunasan ang aking pisngi at lakas loob na sinabi ang matagal ko nang pinag-iisipan. "Lahat ng property na ibinigay sa akin ni tito matatanggap niya this week. Lahat ng pera na kailangan para sa pondo makukuha niya. I will assure na tataas ang stock next two months at walang babagsak. 9.8 billion good for one year... ibibigay ko sa kumpanya. Let's make a deal with that. Hayaan ninyo na ako."

Hindi ko na sila pinakinggan at agad na umalis, walang sumunod, ang lahat ay napako sa kanilang kinalalagyan. Hindi ko mapigilang humagulhol at manlabo ang mga mata dahil sa sobrang bigat ng nangyayari. Sila ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Kung magiging makasarili ako para maging masaya at makuntento muli, gagawin ko. Nakakapagod ding makita ang iba na masaya, tapos ako, kailangang kong tanungin ang sarili ko kung nagawa ko na ba talaga ang lahat ng kaya ko.

Agad akong natigil nang makatanggap ako ng mensahe, wala naman talaga akong balak na buksan iyon pero maikli lang ang mensaheng iyon kaya agad kong nabasa. Kusang nanlaki ang mata ko dahil hindi ko man lang naalala. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na maalala ang isang importanteng araw.

Agad akong dumiretso sa isang mall, nasabi sa akin minsan ni Lucas ang paborito niya. I have my own money, bata pa lang ay natuto na akong mag-ipon. Mga napapanalohan at ang mga sweldo ko sa trabaho, pero ang mga binibigay ni tito sa akin, ibabalik ko sa kaniya, alam kong puwedeng makatulong iyon sa pondo. Wala akong problema sa pera, pera ang lumalapit sa akin.

Matapos kong mabili ang bagay na iyon ay dumiretso agad ako sa bahay, kung saan unti-unti akong kumalma dahil sa isang lalaking mahimbing natutulog sa sofa.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon