Kabanata 49

19 2 0
                                    


Warning: Mariing ipikit ang mga mata, dahil bawal ito sa mga bata.

Medyo R-18

Matapos kong makapag-ayos ng sarili ay lumabas na agad ako ng kwarto, mabuti na lang ang hindi masyadong halata ang pamamaga ng mga mata ko. Natigilan ako nang makita ko itong inaayos ang sofa dahil doon siya natulog kanina. Ngumiti ito sa akin kaya naman ginantihan ko ito ng pag-ngiti.

"Hindi mo ako ginising." Pagpipindot nito sa aking ilong.

"You look exhausted."

"Ikaw rin naman. Kain na tayo?" alok nito saka niya hinawakan ang kamay ko.

Pakiramdam ko ay babagsak na ako dahil sa sobrang pagod at antok, hindi sapat ang tulog ko at natatahimik lang ako kañag nandito sa bahay. Unti-unti ko nang kinasusuklaman ang kumpanya.

"Ayos ka lang? Umiyak ka ba?" mahinang tanong nito na nginitian ko.

"Wala 'to. Hmm, kumusta trabaho mo?" tanong ko na nginitian niya agad.

"Ayos naman. Nakaipon na rin ako ng pamasahe, baka mas mapa-aga ang pag-alis ko, baka makita rin ako ng tito mo rito at magalit iyon."

Naging tahimik lang ako dahil mukhang sigurado na siya. Maiiwan na naman ako rito, walang makakausap maliban na lang kapag may libreng oras si Jairo. Pero kahit siya, kailangan kong iwasan, alam kong si Jairo ang inaasahan niya sa lahat.

"Birthday mo na bukas, anong balak mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng paghuhugas niya ng mga pinggan na ikinatahimik nito.

August 29 is his birthday. Alam kong malungkot siya dahil wala ang kaniyang lola kaya hindi ko hahayaang magdiwang siyang mag-isa. Ngumiti ito sa akin at saka nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay dahil patapos na pala ito.

"Simbahan, magsisimba lang ako. Bakit? Paano mo nalaman?" tanong nito saka ako hinarap.

Hinablot ko ulit ito gaya nabg nakagawian papunta sa sala. Pinaupo ko siya at tumabi sa kaniya saka ulit pinatay ang ilaw at bukas ang tv. Umiling lang ako pero ang totoo ay galing iyon kay Jairo. Ni hindi ko na-nareply-an pero alam kong alam na niya na kasama ko si Fred. Kung hindi ako nagkakamali, nakita niya kaming dalawa ni Fred sa market habang namimili ng mga pagkain. Nilakihan lang ako ng mata ni Jairo saka nagpanggap na walang nakita. Thanks to him.

Tinitigan ko ang mga mata nitong titig na titig sa akin. Ang pikit-mata niyang pambabae. Ang labi nitong manipis at ang mga balahibo nito sa mukha na mas lalo pa siyang nagmukhang mature. A rare one.

"Care to explain this?" Inabot ko sa kaniya ang letter na kaniyang isinulat no'ng umalis ako sa Agustin noon.

"R-Ren." Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang biglang pag-init ng kaniyang braso na nakadikit sa akin.

Napamaang ito at saka ko napansin ang pagbuntonghininga niya.

"Noong hinalikan kita, I really mean it. Pero bawal, ayokong lumala, wala naman akong maipagmamalaki sa iyo dahil wala na sa akin ang lahat." Panggagaya ko sa nakasulat sa liham nito.

Paulit-ulit kong binasa iyon hanggang sa makabisado ko iyon. Bahagya itong umusog palayo sa akin ngunit mas lalo akong lumapit. Hindi niya hinahayaang makatingin sa akin kaya mas lalo kong idinikit ang katawan ko sa kaniyang tagiliran.

"Hey, I'm asking you," pag-uulit ko saka siya tumikhim. "Are you even serious with that?"

"Y-Yes, ginusto ko 'yon," bulong nito na mas lalong nagpainit sa akin.

"And?"

"H-Hindi mo ako maiintindihan, Ren—"

"Then make me to understand. Imposibleng hindi ko iyon maintindihan," bulong ko sa kaniyang tenga.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon