Kabanata 58

35 2 0
                                    


I will be forever grateful for them. Hindi ko mararating ang ganito kung hindi dahil sa kanila. Hindi mangyayari ang ibinulong ko lang noon sa asawa ko kung hindi siya nagtiwala sa akin. And now, here we are. Hindi lang trentang mesa ang napupuno na minsang ay triple pa dahil dinagdagan na namin. At dahil mas naging masipag sila at halos lahat na sila ay nagtatrabaho maliban na lang sa mga bata, ay tuluyang lumago ang negosyo namin noon.

Take a risk!

It's better to at least I tried than to what if I try?

Ang lahat ay nagtatrabaho, at dahil magulo kapag ang lahat ay nakisasawsaw sa bawat trabaho ay binigyan ko sila ng kaniya-kaniyang trabaho, may mga nagluluto, nagdadala ng pagkain sa bawat mesa, kumukuha ng order, at may mga naghuhugas. Lahat ay umaayon sa aking plano at wala na akong mahihiling pa.

It's gonna be four years ago when we started. I think okay na iyon. Tama na ang apat na taon na pananatili namin dito dahil kaya na nila. Alam na nila ang kanilang gagawin at ginigising na lang kami kapag nakahanda na at noon pa man ay si Nanang na ang sinanay kong naghawak ng pera.

Wala na akong mahihiling sa lugar na tinanggap kami ni Fred. Ang mga bata ay nakakapag-aral na at may ilan pa na nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng mga selpon na mas nakatulong para mas lalong maabot ang lugar namin. Naging mas maganda ang turing sa kanila ng ibang mga lugar at mabilis na lang din sila nakakahingi ng tulong sa gobyerno.

I think, they will be fine.

"Ma? Aalis na po tayo bukas?" Panghihila nito sa aking damit habang hawak ang dalawang sisiw.

Naupo ako sa tabi nito, abala lang siya sa pagpapakain sa mga alaga niyang sisiw na nasa gilid ng bahay namin. Pinagbabawalan siya ni tatay niya na pumunta sa mga taong kumakain dahil hindi maiwasang makipagkuwentuhan si Ara sa kanila. Bahagya kong hinimas ang buhok nitong mahaba.

"Yes. Ayaw mo bang makita ang mga lolo mo? Matanda na ang lolo kaya hindi na siya puwedeng bumyahe rito," paliwanag ko na tinanguan niya.

"How about them po? Baka po lutuin nila sila Leslie, hindi pa sila malaki po." Turo niya sa mga sisiw na binibigyan niya ng pangalan.

"Hindi natin sila puwedeng isama, nak. Basta bukas, gigising ka ng maaga, okay?" tanong ko rito na simple niyang tinanguan.

Inasikaso ko na siyang paliguan, tumutulong din sa akin si Ara sa gawaing bahay para naman kahit papaano kapag nasa Maynila na kami ay masasanay siya. Sa loob ng tatlong taon na pag-aalaga namin sa kaniya ay nagawa naming magtiyaga at pagsabayin ang aming trabaho.

Nang kinagabihan ay abala lang sila sa pagkukwento, masiyadong maraming tanong si Ara sa kaniyang ama na halos paulit-ulit lang pero walang pagod na sinasagot iyon ni Fred. Nakikinig lang ako habang hinihilot ang likuran ni Fred dahil sa pangangalay raw.

"Mayaman po sila? If that so, we're not allowed there po." Panlalaki niya ng mata sa amin na para bang natatakot.

"Why? They want us to go there, or at least, visit your lolo. Nasabi naman namin sa iyo na matagal na kaming hindi umuuwi roon," kwento ko na kinunotan niya.

"Bakit kayo po umalis ni papa?"

"Gusto lang namin," sagot ni Fred na hindi ko alam kung matatawa ba ako.

Ngumuso ang anak namin at saka kinuha ang isnag buong litrato kung nasaan kaming lahat, ang mga tao lahat sa mansyon pati na rin ang anak nila na malalaki na at kasing edad lang ni Ara.

"Should I recite their name tomorrow? Is they're nice po?"

"Mabait sila okay? At hindi mo naman kailangang kabisaduhin ang pangalan nila. Maging mabait ka lang."

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon