Kabanata 29

13 2 0
                                    

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng bangka. Lumalakas na ang hampas ng alon at natatakot ako na baka madala ako nun. Tanaw ko na ang isla kung saan nakatira si Fred. Gaya pa rin noon ay wala ritong tao. Pagkababa ay agad akong nagmadaling hanapin ang malaking bato, kung saan malapit iyon sa daanan papunta sa kubo ni Fred.

"Ahh!" Napadaing ako dahil sa malakas na hangin dahilan para mapuwing ako ng mga buhangin.

Agad akong pumunta sa pampang upang basain ang aming mukha. Nagmadali akong maghilamos at saka tumayo. Ngunit gano'n na lang ang pagsipat ko sa aking palad nang maramdaman ang ambon. Nagmadali akong hanapin ang batong malaki at pilit na tinandaan kung saan ako dumaan noon.

Mas pinili kong manatili sa batong iyon at maupo. Palakas na nang palakas ang pag-ambon nito. Madilim na rin kaya napansin ko ang ilang bangka galing sa kabilang isla dahil sa mga dala nilang lampara. Ngunit walang bangka ang pumupunta sa direksyon ko. Lahat ay papunta sa sentro.

Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit wala nang pumapalaot. Ala-syete na rin base sa aking relos, napatakbo na lang ako sa ilalim ng puno dahil sa pagbuhos ng ulan, hindi ito sobrang lakas kaya pinagpapasalamat ko na hindi ako masyadong nababasa. Naghahalo ang antok at sakit ng aking ulo. Wala pa akong kain mula kaninang tanghali.

Sa gitna nang pagsandal ko sa puno ay nakarinig ako ng yabag ng paa, nagsimula na namang dumagundong ang aking puso sa sobrang takot at kaba. Idagdag pa ang pangangatog ng akkng katawan dahil sa lamig. Ngunit mas lalo akong nanlamig dahil sa isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Hindi ko makita ang itsura nito ngunit pamilyar ang korte ng katawan.

Mabilis nitong hinawakan ang aking bisig at saka kinaladkad sa kung saan.

"Bakit ka ba nandito?" inis na sabi nito sa akin bago pabalag na binitawan ang aking braso.

"Fred," tawag ko. "Baka puwede tayong mag-usa—"

"Umalis ka na rito, hindi mo ba alam na may bagyo ngayon? Hindi ka dapat nanggugulo rito! Umalis ka na dahil ayoko ng istorbo."

Inalis nito ang pagkakatali ng aking bangka sa katawan ng puno at saka inurong iyon papunta sa pampang. Natataranta akong pumunta sa kaniya at saka siya pinigilan.

"F-Fred, kahit sandali lang," garagal kong sabi ngunit masamang titig lang ang ibinigay niya sa akin.

"Umuwi ka na sa syudad, huwag ka nang bumalik dito," mariing sabi nito saka ako nilagpasan.

Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata at ang pangangapa sa daan lalo na't hindi ko kabisado. Hindi ko siya mahabol. Binilisan niya ang kaniyang paglalakad kaya bahagya akong nadulas sa daan. Bahagyang tumama ang aking ulo sa katawan ng puno kaya labis ang aking pagkahilo. Napadaing na lang ako ngunit walang tumulong sa akin. Marahil sa lakas ng ulan at dilim ng paligid ay hindi niya ako nakita.

Nagpatuloy ako sa pagtayo at pa-ika-ikang naglalakad dahil sa sobrang sakit ng aking balakang. Kahit na nahihilo ay nagpumilit akong sundan siya. Hinihingal at nanginginig na ang aking katawan. Hindi pa ako lubos na magaling. Mahina ang resistensya ko at hindi ko dinala ang mga gamot. Paano ko nakakayanang gawin ito?

"F-Fred! Kasaupin mo naman ako!" sigaw ko sa labas ng kaniyang kubo.

Malabo ang ilaw na nagmumula sa loob non. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko sa hagdan dahil hindi ko na kaya pa. Hanggang dito na lang ako sa putikan at nababasa ng ulan. Ngunit napaurong na lang ako dahilsñ sa biglaang pagbukas ng pinto. Wala na itong bota at sumbrero. Dire-diretsong lumabas at tumitig ng masama sa akin.

"Ano bang problema mo!" bulyaw nito sa akin habang nakikipagsabayan sa lakas ng ulan.

"P-Patawarin mo ako Fred. I-I'm really sorry for what I did to you," garagal kong sabi rito. "H-Hindi ko alam ang mga nangyari noon. S-Sorry, Fred, h-hindi kita pinakinggan..." Humahagulhol kong sabi.

Ngunit hindi siya kumibo. Titig na titig lang ito sa akin ngunit alam kong galit siya. Ang dalawang kamao nito ay nakakuyom at ang mga ugat niya sa leeg ay halos lumabas na.

Dahan-dahan akong lumapit upang hawakan ang kamay niya ngunit gano'n na lang ang pagtulak niya sa akin dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Hindi ko hinihingi ang sorry mo! Maibabalik ba niyan ang buhay ng lola ko? Ha?! Namatay ang lola dahil sa 'yo! Nagkanda-malas-malas ang buhay ko nang dahil sa 'yo! Ito naman yong gusto mo diba? Ang mawala lahat sa akin! Ikaw! Ikaw ang may dahilan bakit ganito!"

Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga sinabi niya. Ang pagbulyaw at pagtulak niya sa akin na si tito ay hindi man lang nagawa ang gano'ng bagay.

Mas lalong tinusok ang puso ko nang marinig ko ang paghagulhol niya. Ang lalong pagkuyom ng mga kamay niya at ang masamang titig sa akin.

"Lumayo na ako Zeren, kung puwede lang sana na umalis ka na rito at huwag pakilaman ang buhay ko! Katiting na lang ang respetong makukuha mo sa akin dahil minsan akong tinulungan ng tito mo. Parang-awa mo na, umalis ka na rito! Alis!" pangtataboy nito sa akin.

Halos matulala ako sa ginawa niya at iniwan akong nakasalampak sa sahig. Hindi ko na kayang tumayo, ni hindi ko na maigalaw ang paa ko.

"F-Fred, t-tulong," bulong ko saka pinilit na gumapang.

Ramdam ko na ang pagpikit ng aking mata, hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang lamig at sakit ng aking ulo. Walang tigil ang lakas ng ulan, hangga't maaari ay pinilit kong ma-upo upang makarating sa ilalim ng kubo ni Fred. Nangangatog na ako at babad na babad na ang aking katawan sa tubig. Lubog na ang aking paa sa putik.

"T-Tulong!"

Mas lalo pang kumirot ang parte ng aking ulo kung saan ako nauntog. Ngunit gano'n na lang ang pagtulala ko dahil sa kulay pulang likido na napapalitan ng tubig dahil sa ulan. Nang hawakan ko ang katawan ng puno ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong tumayo. Pinilit kong lumakad habang kinakapa ang bawat puno.

Sinikap kong sundan ang hilera ng punong iyon, wala na akong ibang nakikita kundi ang hamog. Ngunit gano'n na lang ang aking pag-ngiti dahil sa buhangin na aking natatapakan, basang buhangin. Buong lakas ko itinulak ang bangka ngunit gano'n na lang ang pagtaob ko nang hampasin ako ng malakas na alon at umalog ang aking ulo.

"Zeren!"

Why did you treated me in this way?

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon