Kabanata 19

19 1 0
                                    

Mulang-mula at halos hindi ko na makita ang buong paligid sa sobrang pamamaga ng aking mata. Dalawang araw akong nanatili sa kwartong ito at ipinagkatiwala muna kay Nikasha, ang lahat.

I'm not that professional. I admitted it.

Lahat na lang kinatatamaran ko. Sobra akong nagsisisi at gusto kong humingi ng tawad sa kaniya, gusto ko siyang patawarin at hangga't maaari ay ang lumuhod sa kaniyang harapan gaya ng ginawa niyang pagmamakaawa sa akin noon. Alam kong huli na ang lahat dahil hanggang ngayon ay wala akong balita sa kaniya, biglaan na lang nawala, kahit gamitin na namin ang mga koneksyon namin ay walang Fred, ang nagtatrabaho sa mga kumpanya.

Nakakapanlumo lang. Halatang nagbago ako. Masyado akong nagpadala sa sinasabi ng kapatid ko tungkol sa ibang mga tao. Natakot ako sa mga puwedeng mangyari sa akin kaya gano'n na lang ang inasta ko. Prinotektahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pananakit ng ibang tao.

"Zerenika?"

Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa kilalang boses na nanggagaling sa labas ng aking kuwarto. Baritonong boses na paulit-ulit na kinakatok ang pinto.

"T-Tito?" Nagmamadali kong pagbaba sa kuwarto.

Inayos ko agad ang aking sarili at saka sinanay ang pag-ngiti. Huminga nang malalim at saka nanginginig na binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang tito kong halos magusot na ang noo. Agresibo nitong hinawakan ang aking baba at saka tinitigan ang mukha.

"Anong nangyayari sa iyo? Ni hindi ka raw lumalabas ng kuwarto mo. Kay Nikasha mo iniwan ang mga papeles. Natutulog ka pa ba?" sabi nitong ikinakaba ko.

Hindi ko alam kung nagagalit ba siya o nag-aalala. Ang tanging malinaw lang sa akin, ay wala akong balak sagutin iyon at manahimik na lamang. Natatakot akong magsalita, baka maamin ko nang wala sa oras. Dinig ko ang malakas na buntonghininga ni tito at saka hinawakan ang aking palapulsuhan, dire-diretso lamang kami sa ibaba hanggang sa makarating sa sala.

Natahimik pa ang ilan doon na abala sa pag-kain at takang tinitigan ako. Wala akong natawa kundi ang kumain kasabay nila at hindi hinahayaang makatingin. Natapos ang lahat at imbes na umakyat sa kwarto ay nanatili ako sa labas ng bahay. Naglakad-lakad para naman mahimasmasan ang aking isipan.

Pero agad akong napahinto nang matanaw ko si Sevein, na naglalakad papunta sa akin, hawak nito ang susi na pinaiikot niya sa kaniyang daliri.

"Hey! A-Anong nangyari sa 'yo? Hindi ka lumalabas ng kwarto mo sabi ni Maru, ah," bungad nito sa akin na nginitian ko. "Ayos ka lang?" dagdag niya.

Ngumiti lang ako at saka tumango. "Ah, oo. Medyo napuyat lang dahil sa paperworks, i-ikaw?" tanong ko at saka niya ipinakita ang matamis niyang ngiti.

"Okay lang din. Mas naging abala lang dahil may iba akong inasikaso, puwede ka ba bukas? Magpapasama sana ako sa 'yo." Pangungurot nito sa aking pisngi, dahilan upang mag-init iyon.

"A-Ah, sure. Bukas ng hapon lang ako puwede e."

"No problem. Okay lang, bukas a? Sunduin na lang kita rito. Una na ako," nakangiting saad niya saka kumaway.

Walang lakas ang aking kamay upang gawin din iyon, ngayon na lang kami ulit nakapag-usap. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman siya gano'n noon, may kung anong kakaiba sa kaniya.

Nang magsawa ako sa kalalakad ay pumanhik na ako sa loob. Hindi ko napansin ang tito kaya sa kwarto ako dumiretso, ni-lock ang pinto at saka muling naupo sa kama, sinikap kong nakabukas ang bintana upang walang magtaka.

Bukas ko pa balak pumasok sa trabaho, nagkakausap naman kami ni Nikasha, at madalas na bumisita sa akin. Napabaling ako sa kanang bahagi ng kama dahil sa pagtunog ng selpon. Si Lou.

"Lou?"

[Hmm, Zeren? Wala talaga e, walang naka-register na pangalang doon. Pinuntahan ko na rin yong mga puwede niyang pag-apply-an ng trabaho, pero wala talaga,] anas nito sa kabilang linya.

Tuluyan akong nanlumo at napahawak na lang sa ulo. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin, nawawalan na ako ng pag-asa.

"Gano'n ba? Hmm, itigil mo na lang siguro ang paghahanap. Salamat ah, pasensya sa abala," nakangiting saad ko.

[Wala yon. Baka kailangan lang no'n ng oras. Gano'n yon e, kapag gustong mapag-isa. Magaling magtago. Ingat ka na lang diyan. Balik na ako sa trabaho.]

Ibinaba ko na ang telepono at saka humiga. Kung magmumukmok lang ako rito, walang mangyayari sa akin, mas lalo akong mahahalata nila tito lalo na't nakauwi na siya. Nag-asikaso na ako ng aking sarili, nagbabad sa banyo at halos makatulog na roon. Wala akong mapaglibangan dahil wala si Sero, sinama raw siya ni Jairo, sa trabaho. Bukas pa ang uwi nila kaya magtitiis na lang ako.

Nang mahimasmasan ako ay nagpasya akong pumunta ng sala, upang laruin si Vernon na anak ni Zafia. Hindi ko lang maiwasang matakot dahil hindi ako marunong humawak ng bata, kung hindi pa ako inalalayan ni Lucas ay hindi ako matututo.

"Gusto mo na rin ng baby?" tanong ni Lucas nang mabuhat ko ang bata.

"Ha?"

Halos mag-init ang buong pisngi ko at napayuko na lang. Makulit ang bata kaya kailangan ko ito hawakan nang maiigi. Napansin ko naman ang pagtawa ng iba at nakatitig pa sa akin.

"Grabe, namumula tenga mo. Walang malisya yong tanong na yon, a. Baka isipin mo..." nakangusong sabi nito na naglalakad na palayo kaya hindi ko narinig ang kaniyang sinabi sa dulo.

Naupo na lamang ako sa tabi ni Zafia, hindi ko naman maiwasang ituon ang aking tenga sa pinaguusapan nila Martin at Maru.

"Kamukha nga ni Fred, yong nakita ko e, roon sa palengke ata yon, doon sa Agustin. Kaso hindi naman siya gano'n manamit kaya hindi ko na lang pinansin," bulong ni Maru, na nakaupo sa aking tabi.

"Oh? Saan na kaya yon? Siguro nakabuntis yon kaya tinakbuhan niya."

"Oy, hindi. Hindi gano'n si Ricky, masayahin yon, kaso nga lang hindi palasabi ng problema, kung hindi ko pa nga sinundan sa hospital, hindi ko pa malalaman na comatose pala lola niya. Di ko na nga rin alam kung nasaan lola niya e..."

Halos hindi ako makagalaw sa mga narinig ko. Inuusig ako ng aking konsensya at para bang pinaparusahan na ako. Unti-unti na akong pinapatay.

Naramdaman ko ang maliit na kamay na pinipindot ang aking ilong. Hawig na hawig sa mama niya ngunit ang mata ay nakuha sa tatay. Nang magtama ang mata namin ay agad itong ngumiti saka humagikhik, dahilan para panandalian akong mapangiti.

"He likes you," bulong ni Zafia sa akin.

Magsasalita na sana ako nang matanaw ko si tito na may hawak na papel. Papunta ito sa akin kaya dali-dali kong pinaupo sa Vernon sa aking hita.

"Kindly review this one. Matagal pa naman yan, may kalayuan din dito. Malaking isla iyan sa dulong bahagi ng bansa. Kung hindi mo kayang puntahan mag-isa, puwede mong sabihin sa akin para masamahan kita," mahabang salaysay nito na nginitian ko.

Napakunot na lang ako nang makita kung saang lugar iyon. Agustin? Narinig ko na ito, hindi ko nga lang maalala kung saan.

Malaking isla, sa dulong bahagi ng bansa. Malayo nga.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon