Kabanata 56

27 1 0
                                    


Hindi ko alam kung matatatawa ba ako sa anak ko habang buhat siya ni Fred dahil halatang gustong-gusto niyang sabayan ng kanta ang mga taong nakapalibot sa amin Pero ni isang liriko wala siyang nabigkas. Pagpalakpak na lang ang kaniyang nagawa at ngumiting naningkit ang mga mata.

"Happy birthday Ara!" bati nila kasabay ang pagsayaw ng anak ko.

Agad kong kinuha ang cake na nasa mesa at saka iyon pinantay sa aking dibdib. Humarap sa akin si Fred at saka ko napansin ang pag-abot ni Ara sa cake pero nilayo ko agad ito.

"Hey, just blow the candle first." Pagngunguso ko sa kandila na ginaya niya rin. "Don't know how?" natatawang tanong ko.

"No," sagot nito kaya binulungan siya ng kaniyang ama saka umaktong hinihipan ang kandila na agad niya ring ginaya.

I know that Ara was tried her best to do it, pero kami na ni Fred ang gumawa at si Ara ang pumalakpak. Ibinaba ko na ang cake at sumenyas sa iba na puwede na silang kumain. Hinayaan ko lamang silang magsaya pati ang mga batang abala sa paghawak sa kabilang lobo.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang mag-ama sa harap ng mga pagkain, kung ano-ano ang tinuturo ni Ara pero kapag ibibigay na ng kaniyang ama ay inaayawan niya agad.

"Mrs. Suarez," saad ng isang lalaking malaki ang aming utang na loob.

"Engr: Parane, hey, thank you for coming. Kumain na po ba kayo?" ngiting tanong ko saka siya sinamahan sa isang bakanteng mesa.

"Hindi na siguro, kailangan na rin ako sa site roon sa Maynila," saad nito kaya agad akong natigilan.

Maynila. Sa syudad, ilang taon na nga ba mula nang umalis ako roon?

"Gano'n po ba? Mag-iingat po kayo. Salamat po talaga sa tulong ninyo sa amin noong pinanganak ko si Ara," pasasalamat ko na agad niyang inilingan.

"Huwag ka sa akin magpasalamat, hindi naman sa akin galing ang perang iyon, gano'n ka kamahal ng taong iyon. Ah, sige na, mauuna na ako, nakausap ko na rin naman ang mag-ama mo. Mag-iingat kayo, masaya akong unti-unti na kayong umaangat," sabi nito sa akin at saka yumuko ng bahagya at saka umalis nang hindi man lang ako nakakapagsalita.

Hindi sa kaniya galing iyon?

Napako ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay hindi na naman ako makakatulog sa kaiisip. Wala rin ako sa mood kumain at gusto kong ipaubaya si Ara sa tatay niya dahil si Fred ang minsang abala sa negosyo.

"Ija? May matandang lalaki na gusto kang makausap, tungkol ata sa negosyo, sinabi kong sarado tayo ngayon pero gusto ka niyang makausap," boses ni Nanang sa aking gilid kaya ako napabalik sa wisyo.

Tumango na lamang ako saka ngumiti bago nagpasiyang tumayo. Kanina lang din kami nagsabi sa kapitolyo na pakipaskil na sarado kami ngayon dahil sa birthday ni Ara. Sa kapitolyo kasi unang dumaraan ang mga turista. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nakasumbrero, mukhang mayaman base sa tindig nito at balot na balot na itim na damit.

"Good morning Sir, may I know your concern po?" tanong ko sa lalaking nakatingin sa gilid kaya hindi ko maaninag ang mukha.

Napansin kong nakatingin ito sa gawi nila Fred.

"Sir, sarado po kasi kami ngayon. Sa Monday pa po kami magbubukas, around 8 am to 5 pm naman po kami," magalang kong saad saka ako nitong tuluyang hinarap.

Inalis nito ang sumbrero saka bumungad sa akin ang lalaking matagal na panahon ko ng hindi nakita. Malinaw sa akin na gabi na iyon at seryoso ang mukha niya, pilit akong pinapauwi at huwag sumama sa lalaking mas pinili ko kaysa sa pamilya ko sa Maynila.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon