Simula

109 9 0
                                    


Sa kailaliman ng mainit na sikat ng araw ay mabagal lang ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan, naisipan kong bumisita sa mansyon dahil nasasabik na naman ako sa ang mga bata na naroon.

I just came from a business trip so I haven't been able to visit the mansion for almost a two weeks, as everyone has been busy for a long time.

I am losing time for myself.

Maya-maya pa ay bumungad na sa akin ang gate na malayang nagbukas, wala namang masyadong nagbago maliban na lang sa dulong bahagi na maraming mga sasakyan, marahil siguro kumpleto na sila.

Ang mansyon na kinalakihan namin ay bahay bakasyunan na lang ng ibang may mga pamilya na.

Hindi pa man din ako nakabababa ng sasakyan ay nahagip agad ng aking paningin ang batang babae na nakangiting kinakawayan ako mula sa bungad ng pintuan.

Nakaputi ang maliit na tatlong taong gulang na may hawak na manika na ibinigay ko sa kaniya nang umalis ako nung nakaraang Linggo.

Mabilis akong lumabas at sinalubong  ng mahigpit na yakap ang batang hindi kahabaan ang buhok ngunit kamukha ng kaniyang ama.

"Bakit nandito sa labas ang aking, Nadia?" I even pinched it on the cheek causing her to giggle.

Lumuhod ako upang maging ka-pantay siya at hindi mahirapang tumingala.

"Daddy said, don't go there po, kasi lapit na u-ulan po," pagngu-nguso niya sa malawak na hasyenda.

"Where's daddy?" nakangiting tanong ko.

"Work po," sabi nitong tumango pa.

Ngiting tumango ako rito saka tinitigan ang kabuuan niya, halos lahat ay namana niya sa tatay niya na siyang ikinatawa ko ng mahina. Napansin ko ang pag-titig nito sa'kin at mahinang tumatawa.

"I miss you, baby," bulong ko saka kiniliti ang kaniyang tenga dahilan para humagikhik ito.

"Miss you too, hihi! Where's my kiss po?" Nakangusong tanong nito kaya ngumuso rin akong idinampi iyon sa matambok niyang pisngi.

Tumayo na ako dahil pansin ko na umaambon na siyang pinagtaka ko dahil tag-init pa naman, April pa lang naman pero mukhang maaga ang tag-ulan.

Inabot nito ang kamay ko at inalalayan siyang tumalon sa bahagdan upang makapasok mismo sa loob, ngingiti-ngiti pa ito nang makatalon ito at saka pumalakpak.

Pero hindi pa man din kami nakakapasok sa sala ng tuluyan kung nasaan sila ay may aninong nakatayo sa mismong harapan namin. Sa sobrang pagkasabik ng ay bumitaw sa akin ang bata at saka nagtatakbong lumapit kay Sevein na sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Daddy! Uwi ka na po?" tanong nitong buhat-buhat na siya.

Bumulong lamang si Sevein sa bata at saka iyon ibinaba at muling pang lumapit sa akin si Nadia saka humawak sa kamay.

Sa kabila ng liwanag na nasa likuran ni Sevein ay kitang-kita ko ang maganda nitong ngiti, suot ang nakasanayang puting polo na lagi kong isinusuot sa kaniya noon, nakatupi sa bandang siko at nakabukas ang dalawang butones sa unahan ng polo.

"How are you Zeren?" simpleng tanong niya saka ako hinalikan sa pisngi.

Even though a few years have passed, it still hurts. I could see in his eyes the innocence that he did not even remember what happened to us... before.

"Busy but I-Im fine," simpleng sagot ko.

Tumango ito sa akin at bahagya sanang magsasalita nang napalingon ito sa likuran ko, ang ngiting ipinakita niya sa akin kanina lamang ay nawala at napalitan ng pagkasabik. Mabilis itong umalis sa harap ko kaya't napalingon din ako.

"Hon," hinalikan nito sa labi ang asawa niyang mahinhing tumingin sa kaniya, "miss you," bulong pa nito na mas lalong ikinapula ng pisngi nito.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot, ang sakit pa rin pala.

Iyong mga panahong sa akin niya pa ginagawa ngayon sa iba na.

Lumingon sa amin ang mag-asawa at sinenyasan kaming pumasok na sa loob na tinanguan ko. Lumingon ako sa batang hawak-hawak ko ang maliit na kamay.

"Let's go po, Tita," pang-aaya ng anak ni Sevein saka ito bumitaw sa akin at tumakbong humawak sa kamay ng kaniyang ina.

I smiled bitterly, once again I was left alone.

How long will I be happy for others if I myself am aggrieved.

I went back to the main door that was open, I carefully held the doorknob to close but the heavy rain quickly fell along with the darkening sky.

I can't help but remember those times when the sky was so dark... and all of a sudden he forgot about me.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon