Kabanata 43

23 0 0
                                    

Tahimik lang ako habang nagmamaneho, umaambon na kaya kinailangan kong bilisan, lalo na't mag-aayos pa ako ng mga gamit. Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang paperbag kung nasaan ang frame na panlalagyan ko ng sketch ni Fred. Ayoko naman na itago iyon dahil sa sobrang ganda. Nang makapasok sa mansyon ay napansin ko ang maiingay na bata, kumaway lang ako at dumiretso sa taas. Maaga pa naman kaya nag-asikaso ako ng aking sarili. Maingat kong itinayo ang picture frame na iyon sa maliit na cabinet sa tabi ng aking kama. Looks great.

Bihira lang naman pumasok si Nikasha rito, at mukhang hindi niya ito papansin dahil hindi naman siya gano'n ka-big deal. Bumaba na ako at saka kumuha ng isang beer, madalas na bumili nito sila Martin lalo na kapag late na ng gabi at may kailangang gawin.

Pa-simple akong ngumiti sa mga tao sa sala bago maupo. Hindi nila ako pinakialaman pero base sa mga mata nila ay pinagbabawalan nila ako. Kaya hindi ako tumingin sa kanila. Hindi naman ako magpapakalasing.

Nanood lang ako ng balita na mayroong tatlong sunod-sunod na bagyo. Napanguso pa ako dahil halos tumapat ang araw na iyon sa kasal nila Kelly. I know na hindi nila iuurong iyon. Hands on sila sa mga plano. Ayokong mangi-alam sa plano na iyon dahil marami rin akong iniisip.

Maya-maya pa ay napansin ko si tito na nagdire-diretso sa itaas, agad kong inubos ang inumin ko saka tinapon iyon sa labas, ayokong itapon iyon sa trash can dito dahil madalas iyon tingnan ni tito. Hinintay kong bumaba si tito pero mukhang natulog ito. Tahimik na tumayo ako ngunit agad na nahinto nang makita si Jairo na naglalakad at inuunat ang leeg. Napatingin ito sa akin.

"Hey, dito ka na pala," nakakunot na sabi nito at tinitigan ang aking kwintas.

"Hmm. Puwede ba tayong mag-usap? Importante lang," wika ko na tinanguan niya.

Dumiretso ako sa pool kung saan walang makakarinig sa amin, sandali lang naman at wala akong balak na patagalin.

"Ano yon? Tungkol saan?" tanong nito nang maupo kami.

Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Hindi ko siya nakita mula nang dumating ako at alam kong siya ang inaasahan ni tito minsan kung wala si Kevin na pumalit kay Fred.

"M-May available pa bang flight papunta sa Agustin?" wala sa sariling tanong ko at napakurot na lang sa daliri.

Mabilis itong umiling saka sumandal sa upuan. "Hindi puwede. May bagyo ngayon, cancelled lahat ng flight papunta roon," kalmadong sabi nito.

"Look, importante lang, may kailangan lang akong balikan—"

"Kung si Fred, huwag na Zeren. Sinabihan niya akong huwag ka nang papuntahin doon, at isa pa, delikado. Tatlong bagyo ang tutumbukin ang islang iyon, makinig ka sa akin. Masyadong delikado," seryosong sabi nitong nagpatikom sa akin.

Ni hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Totoong delikado, pero aware ba si Fred doon? Ni wala silang tv, bumabase lang siya sa lagay ng alon at hangin. Nasa isla pa siya at maraming puwedeng mangyaring masama.

"I-I just want to talk him. I'm worried."

"Mas mag-aalala iyon kapag may nangyaring masama sa iyo," sabi nito saka ako tinapik at naunang lumabas.

Napapikit na lang ako dahil pati si Jairo ay wala akong balak na tulungan. Ayoko namang pagalitan siya dahil sa akin. I guess, hindi na lang siguro. Itutuloy ko na lang ang plano ko bukas dahil hindi rin naman matutuloy ang byahe ko papunta sa Agustin.

Kinabukasan ay nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili. Today is Monday so I have to work! Sobrang daming papel na naimbak sa mesa ko at wala akong assistant, maliban na lang kung humingi ako ng tulong sa mga empleyado. Maganda ang sikat ng araw, ala-syete pa lang ng umaga pero kitang-kita ko ang itim na itim na anino ng mga puno. Bluesky skirt at white polo lang ang aking sinuot, I ponytailed my hair and wore my black heels. Kinuha ko na ang folder kung saan nakalagay ang inayos kong appointment kagabi, more on papers lang naman at wala masyadong meeting. Obviously, bagsakan na naman iyon next week.

"Work?" bungad ni Jairo.

"Yep."

"Saan ang work mo?" muling tanong niya na ikinatawa ko.

"Seriously, Jai?"

"Malay ko ba sa Agustin o sa—"

"Office. Sa office lang," paglilinaw ko saka ngumiti at iniwan siya.

Tahimik lang na nakarating ako sa opisina, ang lahat ay bumabati at nginingitian ko naman. Napansin kong wala si Faith na madalas na sumasalubong sa akin, baka mamaya pa iyon dahil napa-aga ako ng pasok ng isang oras. Bumungad sa akin ang sangkatutak na mga folder. Hindi na ako na iniwala sa the more, the merrier... Hindi na.

One coffee is enough. Walang tayo-an, sa swivel chair para matapos ko ang kalahati, more on reviewing ako ng mga background ng company kahit na hindi ko ito gawain, pero kailangan kong matuto dahil sooner or later, mas mabigat na trabaho pa ang gagawin ko. Akala ng iba, masarap ang buhay ng mga taong nasa mataas na posisyon, even the CEO. Akala nila nakaupo lang kami sa malaking opisina na may mamahaling gamit. No. Maling kontrata, at maling negosyante ang sisira sa kumpanya. Bukod sa politiko, negosyo ang isa sa pinag-iinitan ngayon.

Be competitive.

Huminto na ako sa folder ni Mr. Gulliver, isa sa mga malalaking kumpanya na may hawak sa publication. Malinis ang tingin sa kaniya ng marami, but not me, either my tito. He could edited his background as white. Sinara ko na ang folder at saka lumayo sa mesa.

Ang sakit sa utak.

Nagpasiya akong lumabas ng opisina para makita si Faith, gladly, napalingon ito sa akin kaya hindi ko na kailangang lumapit. Sinikap nitong maglakad nang mabilis at nang makalapit ay nagtatatalon ito na parang bata.

"Grabe Ma'am, ganda mo today! Ganyan siguro kapag may Lovelife, ano?"

"What?— I don't have," depensa ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.

Nakinig lang ako sa mga kuwento niya tungkol sa pamilya niya, wala na siyang magulang at naiwan pa ang mga kapatid niya sa kaniyang puder, isa iyon sa dahilan kung bakit sinigurado ni tito na hindi siya matatanggal sa trabaho, tumatanggap naman si tito ng explanation, as long as valid.

"E, ikaw ma'am? Okay ka ba po ba talaga?" tanong niya na nginitian ko.

I'm good. Nanibago lang siguro sa mga nangyayari sa akin at a amga naiisip ko pero okay na ako. Thanks to them.

Nagmadali na akong kumain dahil kailangan mong matapos ang iba roon, wala pa ako sa kalahati, at least man lang, matapos ko iyon bukas ng gabi o kahit sa susunod ng araw. Pagkabalik ko sa opisina ay pinagmasdan ko lang ang mga papel, tinitingnan ko pa lang napapagod na ako.

Pinagmasdan ko na lang ang mataas na sikat ng araw, sobrang init na at unti-unting kumakapal ang mga ulap. Matatayog na imprestraktura at mangilan-ngilang mga puno. Nasa lungsod na talaga ako. Baka nga totoo ang sinabi niya. Dito ako nababagay sa maingay at magulong paligid.

While him, he deserves the peace that I wanted for myself.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon