Kabanata 38

20 1 0
                                    


 
Nakayuko lamang ako habang pinagmamasdan siyang inahaian ako ng pagkain. Hindi ko alam ang mga pagkain iyon pero mukhang masarap naman. Nakayuko lamang ako sa isang sulok habang ang manipis na kumot ay nasa aking hita. Sobrang ikli lang pala ng suot ko, damn!

Inhale, exhale, inhale, exhale...

"Kain na, ubusin mo yang gatas, binili ko pa yan sa sentro," mahinang saad nito saka inilapag ang tasa.

Kusang nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. What did he say? Pumunta siya ng sentro? As in nagbangka siya para makapunta sa kabilang isla para lang sa gatas?

"Iniwan mo ako rito?" tanong ko na kinunotan niya.

"Bumalik naman ako, ah. Ligtas ka rito, kumpara sa kabilang isla. Rito, lamok lang ang mangangagat sa iyo, wala namang masamang tao rito dahil may kalayuan ang ibang nakatira sa islang ito, at may mga asawa. Ako lang naman ang binata ri—" Natigil ito dahil sa pagtataka ko sa kwento niya. Nag-iwas ito ng tingin at saka inusog ang mga plato. "Ang mahalaga, binalikan kita, kain na."

Inaantok man ay pinilit kong kumain at sinabayan na niya ako. Walang nagsasalita, gusto ko na lang matapos ang araw na ito dahil napapadalas ang pagtingin niya sa akin at may kung anong gusto siyang sabihin. Napansin kong uminom ito ng kape at saka tumayo papunta sa lababo.

"May naaalala ka ba kagabi?" mahinang tanong nito.

Napahawak agad ako sa tasa at ininom ang gatas na iyon upang pigilan ang pagsamid ko. Naikagat ko agad ang aking labi nang muli na namang bumalik sa aking isipan ang mga kabaliwang nangyari. Dapat ba akong magpanggap na walang maalala? Alam kong mahahalata niya ako.

Bumalik ito sa harapan ko at inilapag ang bote na may tubig. Napansin kong bagong ligo ito at sobrang linis ng pangangatawan niya kahit pa mayroon siyang balbas na hindi naman maruming tingnan. Mas lalo pa akong natutulala sa itsura niya ngayon. He looks matured.

"Gusto mo talaga ako, ano?"

"What?!" sigaw ko dahil sa biglaang sabi nito. Napahawak na lang ako sa aking bibig dahil sa pag-iling niya.

"Kagabi, nangungulit ka. Gusto mong halikan kita bago ka matulog. Tinanong kita kung aware ka ba sa mga ginagawa mo, sinabi mo, oo."

"You kiss me at my forehead not in my lips. So what's the problem with that?" kumpronta ko dahilan para mapangisi siya.

Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na halos matandaan kung ganito rin ba ang kay Sevein noon na halos makalimutan ko na. O baka mas malala ito? Am I in the stage at indenial? Goodness! Can myself answer me?!

"Naaalala mo pa nga. Hmm. Mabuti. Wala akong masyadong ikukwento. May mga tanong lang ako na gusto kong sagutin mo Zerenika Cazue Ficarro," bigkas niya sa buong pangalan ko dahilan para matigilan ko.

Mas lalo akong kinakabahan at nabitawan ko na ang kutsara dahilan para umingay ang buong paligid dahil sa pagbagsak nito sa plato. Nakaawang lamang ang aking bibig at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

He looks like my lawyer. And now he gonna ask me some question to clarify those things that he noticed in order to know the truth.

I am his client.

"May gusto ka ba sa akin? Hindi mo kailangang mahiya. Magsabi ka lang ng totoo, malalaman ko naman kung nagsinungaling ka o hindi. Hindi naman ako nagbibigay ng malisya, gusto ko lang maliwanagan," mahinahong sabi nito.

And now, I am guilty.

Gusto kong magsabi sa kaniya ng kahit na ano, na kumportable akong kasama siy I can't define for now if I have an affection for him. I was really motivated and comfortable with him. That's it.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon