Kabanata 15

14 4 0
                                    


Nanatili kaming tulala sa malawak na karagatan, damang-dama ko ang init ng braso nito na sumasagi sa aking braso. Yakap ko lamang ang aking sarili panlaban sa malamig na hangin na humahampas sa amin. Madilim na ang paligid, pero hindi iyon ang dahilan para hindi ko makita ang maamo nitong mukha. Pinagsamang mukha ng kaniyang magulang.

"Hindi kaya matunaw ako sa ginagawa mo?"

Muntik na akong mapatalon dahil sa malalim niyang boses. Napalayo pa ako nang kaunti na kaniyang kinatawa. Ni hindi ko alam kung dapat ko bang takpan ang aking mukha dahil sa kahihiyan.

"Tara, lakad tayo, para naman mahimasmasan ka," natatawang usal nito saka walang paalam na hinawakan ang aking kamay.

Kusang nanginig iyon at pinipigilan kong pigilan iyon. Hindi naman ako ganito noon, hindi na kilig ang nararamdaman ko. Hindi ko mapaliwanag.

Bahagya akong lumayo nang kaunti sa kaniya habang naglalakad sa kahabaan ng dalampasigan. Natanaw ko pa si Lucas na inaaway ang kapatid ko, pero hindi ko sila pinagtuunan nang pansin. Napadako ang tingin ko sa kaniya at doon ko lang napagtanto na nakatingin ito sa akin.

"Masyado kang tahimik. May problema ba?"

Hmm, I have. A lot.

"Wala naman."

"Baka may gusto kang itanong sa akin, I'm willing to answer it," nakangiting sambit niya saka huminto sa paglalakad.

Napapikit pa ako dahil sa malamig na tubig na sumagi sa aking paanan at mukhang naabot din siya. Bahagya akong ngumiti at saka mahinang tumawa.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang mga naranasan ko? Huhusgahan niya kaya ako kapag nalaman niya ang lahat?

"Ano bang senyales kapag nagkakagusto ka na sa isang tao?" wala sa sariling tanong ko.

Ang noo nito ay unti-unting kumunot pero hindi maalis ang ngiti. Tumango ito sa akin at saka tumingin sa malayo.

"Kapag kumportable ka na sa kaniya? Kapag magaan ang loob mo kapag kasama mo siya. Iba-iba kasi yan e. Bukod sa kumportable ako, nakikita ko rin ang sarili ko sa kasama siya, I don't know. Masyadong kumplikado," natatawang sabi nito saka kinamot ang batok.

Ngumiti lang ako dahil nakuha ko naman ang kaniyang punto. I like someone, but I didn't see myself with him in the future. Kumplikado nga.

"Is that the base?" tanong ko na maagap niyang inilingan.

"Nope. Ganito rin naman si mommy, hindi niya nakikita ang sarili niya kay daddy. But then, heto kami ni Maru," sagot nito saka dahan-dahang lumakad kaya ako napasunod. "Hmm, bakit mo natanong? May nagugustuhan ka ba? Kaso hindi mo alam kung gusto mo siya?"

"Not like that. Natatakot lang ako na baka layuan niya ako. Gano'n naman diba?"

"Don't think so, depende yon sa tao. May iba kasi na kaya umiiwas, e, dahil siguro sa pagkailang, may iba naman na okay lang sa kanila ang gano'n. Not a big deal tho. Gusto lang naman, e. "

"Mas okay bang umamin ang babae kaysa sa lalaki?" mabilis kong tanong na nagpatigil sa kaniya.

Tama ba ang tanong ko? Hindi kaya pag-isipan niya ako ng kakaiba?

"Pwede naman. Kung iyon ang magiging daan para napanatag ang babae. Kahit ako, gano'n din ang gagawin ko. Wala namang masama sa pag-amin. Hmm, sino ba yang ma-swerteng lalaking yan?" nakangiting tanong nito na tinawanan ko lang.

"W-Wala. Nagtatanong kasi yong kaibigan ko, wala akong masagot kaya ayon, nagtanong na lang ako," namumutlang anas ko at halos mag-init na naman ang aking katawan.

"I see. Kung sa 'yo mangyayari yon, aamin ka ba?" Isang tanong na tuluyang nakapagpahinto sa akin.

Kung alam kong wala naman akong pag-asa, para saan pa?

Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong, pinagpatuloy ko ang paglalakad at naramdaman kong nakasunod pa rin ito sa akin. Gusto ko pang magtanong. Gusto kong maliwanagan, pero gusto ko munang makawala sa kanila. Gusto kong takbuhan ang mundo, at pumunta sa lugar ng walang makakakilala sa akin.

Gusto kong mainis dahil sa buhok ko na kanina pa sumasagi sa aking mukha. Nawawala ang panali ko at wala naman akong maitatali. Pero agad akong napatigil dahil sa mahinang paghaplos sa aking buhok. Naramdaman ko ang kamay ng isang lalaking kanina pa nakasunod sa akin, natulirong humiwalay ito sa akin at nakakumpol na ang aking buhok.

"Ayan, hindi ka na mahihirapan tumingin sa daan. Tara? Punta tayo sa dulo? May nakita ako roon na duyan kanina, mukhang kasya tayo ro'n," alok nito na hinawakan pa ang aking kamay.

Hindi na ako nakapalag dahil kumalma na ang aking sistema. Mainit ang balat nitong sumasakop sa aking palad. Kitang-kita ko ang anino naming dalawa sa ilalim ng maliwanag na buwan.

"Alam mo ba? Isa sa mga pangarap ko, ang ikasal sa dalampasigan," anas nito sa akin at base sa anino niya ay lumingon ito sa gawi ko. "At nakita ko na kung sino yong babaeng iyon," bulong nito dahilan para ako na ang kusang tumingin sa kamay naming magkahawak pa rin.

Sa kabila ng mabagal naming paglalakad ay gano'n naman kabilis ang tibok ng puso ko. Para akong sasabog.

"N-Nakita mo na?"

Umiwas ito ng tingin sa akin at matamis na ngumiti. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata nito at napakagat pa sa kaniyang labi.

"I guess? I never expected to love her. I badly want her," sagot niya habang pinipisil ang aking kamay. "Pero hindi pa ito ang panahon para roon. But someday, I will looking forward to thay memorable day. At gusto ko, nandoon ka," banayad nitong pagkakasabi saka binitawan ang aking kamay.

Ayokong magbigay ng ibang kahulugan, pero utak ko na ang nagbibigay malisya sa mga ginagawa niya. Is this kind of negotiation? How about deal?

Bakit ganyan ang mga mata niya? Pakiramdam ko may kung anong ibig sabihin iyon. Ang gaan ng loob ko. Ang saya ko, ngunit ko magawang ngumiti.

"You know what, Caz, I am grateful for having a Zeren like you. A very supportive and kind. Huwag kang magbabago, halos lahat siguro nasa iyo na. Napaka-swerte ng lalaking mamahalin mo."

I don't know if you are lucky, Sevein. I don't even know.

Maya-maya pa ay dahan-dahan itong lumapit sa akin at unti-unting sinakop ng kaniyang palad ang buo kong katawan. Halos mag-init ang aking balat at nabawasan ang lamig na aking nararamdaman.

"I like the way you are smiling. You are like a gentle breeze. Alam kong maraming gumugulo sa isip mo. But let me calm you in this simple way. Gusto kong malaman mo kung paano kita tinitingala noon pa man. Hanggang ngayon."

Kasabay nang pagbitaw niya ng mga salitang iyon, ay bumagsak ang malakas na ulan, ngunit kabaligtaran ang ginawa niya. Imbes na tumakbo, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon