Kabanata 2

38 5 0
                                    


"Hey, Sero, wake up. Let's go outside, feel the raindrops. While the sun is behind the clouds, and the cold breeze hugs me tight..."

Mahina kong ninanamnam ang tunog ng bawat piano, dahan-dahan na idinidikit ang daliri doon. Sinasabayan ko lamang ng banayad na kanta ang malakas na ulan na halos hindi pa rin tumitigil. Naidilat ko ang aking mata nang maiba ang bawat tono, gano'n na lang ang pag-ngiti ko dahil sa maliit na kuting na dahan-dahang naglalakad doon.

"What are you doing, Sero? I'm singsing here." Pagkuha ko sa kaniya saka inilagay sa aking hita.

Hinimas ko ang mabalahibo nitong balat saka inilagay muli sa ibabaw ng piano.

"And where do you get that little orange? You buy it?"

Napalingon ako sa aking gilid, nakatayo si tito habang nakasandal sa dingding. I suddenly smiled when I saw what I want to buy him. My Sero's food.

Ngumiti ako saka binuhat ang kuting, lumapit ako kay tito at saka siya hinalikan sa pisngi. Kauuwi lang nito galing trabaho dahil base na rin sa suot niya na mukhang hindi pa nakakapamalit.

"Here. Are you sure na walang nagmamay-ari sa pusang yan?"

"Of course! Then, if its have, why would they let my Sero, to walk outside?"

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kuting na pang-ilang beses ko ng alaga, halos nawala ang iba at namatay na dahil madalas na nakakalabas sa mansyon at nasasagasaan. I felt bad with them.


"Okay. Don't get mad at me. I'm just asking," bulong niya saka siya naglakad sa mahabang pasilyo.

Sinabayan ko na rin siya dahil alam kong may sasabihin ang tito sa akin. Usually, every last week of month, we always have a meeting about bussines trip. For sure, that's what we do, later.

Nagpaalam ito na pumunta sa kwarto niya para makapag-palit ng damit. Naghintay na lang ako sa sala habang hinahayaan ang pusang maging pamilyar sa bago niyang bahay. Kawawa naman kung iwanan ko siya sa kalsada, wala namang may-ari sa kaniya, kung meron man, hindi dapat nila hinahayaang maglakad mag-isa.

Unti-unti ng dumarami ang mga tao sa bahay, pagod na pagod sila, lalo na ang mga lalaking maghapon sa opisina. Nakaramdam ako ng lungkot dahil wala man lang dumating isa sa mga kapatid ko, mas gusto raw nila na humiwalay muna sa amin at ako na lang ang manatili rito. Sa akin na muna nila pinaubaya si tito.

I don't have a problem with that. I'm so happy because they stand in their own even tito is not there. Unlike me, parang wala pa akong dapat na ipagmalaki.

Matapos naming mag-usap ni tito, ay dumiretso na ako sa kwarto naming magkakapatid, tatlo pa rin ang kama pero ako na lang ang mag-isang humihiga roon, bihira na lang silang umuwi rito dahil sa mga trabaho nila. Muli kong sinilip ang folder kung nasaan ang ibang information at kontrata na kailangan ko pang ipapirma sa inutos ni tito.

Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko, hindi nga lang ako kumportable.

"Z-Zeren?"

Mahinang katok ang aking narinig sa pintuan, tatlong beses niya pa tinawag ang aking pangalan kaya nagpasya akong bitawan ang mga ginagawa ko. Bumungad sa akin ang babaeng  naka-uniform pa rin. Nakangiti ang maamo nitong mukha at agad akong niyakap.

"I miss you!" Humiwalay ito sa akin saka sumilip sa loob. "Naistorbo ba kita?" magiliw na tanong nito na inilingan ko.

"Of course not. May binasa lang ako. Kararating mo lang? Sinong nag-sundo sa 'yo?" tanong ko saka sinara ang pinto ng kwarto.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon