Kabanata 4

21 4 0
                                    

 

Gabi na nang matapos ako sa mga dokumento, mas lalo akong natagalan dahil sa isang papeles na pinahanap ko pa sa sekretarya ni tito. Mukhang hindi ko na rin makakasabay si tito dahil pumunta na ito ng Batangas. Isang linggo siguro siya roon at wala namang ibang pinaalala sa akin.

Nagpasya na akong umalis sa opisina dala lamang ang aking bag. Tahimik na rin ang pasilyo dahil wala na ring tao. Tanging mga accountant na lang ang napapansin ko. Nginitian ko lang ang ilan sa mga staff na panay pa rin ang pagpunas sa sahig at pagwalis.

Nang makalabas ako sa building ay isang pamilyar na sasakyan ang nakita ko roon, hindi ko masyadong maaninag dahil sa ilaw nito na sobrang nakakasilaw.

"Excuse me? Could yo—"

"Kapatid! Bunso! Tara na! Agh! Ang tagal mo!"

Umalingawngaw ang isang boses ng kapatid ko habang bunubusina ng ilang beses. Dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya na tawa nang tawa.

"Veron! What are you doing? Oh my god! You make some noise! Don't do that again," malumanay kong saad dito.

"KJ mo na naman. Si tito kasi e, umalis siya kanina diba? Kaya sinundo kita, wala kang aasahan kay Nikashatot 'no, busy yon sa mga anak niya," pang-iirap nito nang makapasok ako sa kaniyang kotse.

Anak?

"What do you mean? Wala naman siyang asawa para magkaroon ng anak."

"Yong estudyante niya. Hindi na nga umuuwi yon e. Tingin mo ba nag-asawa na siya? Tapos tinatago niya lang? Tapos ilalayo niya yong mga bata, katulad sa mga nababasa niya. Tsk, ni hindi man lang niya bigyan ng karapatan yong asawa niya na makita ang anak nila..."

Napapikit na lang ako dahil sa mga iniisip na naman niya. Overacting. Kaya naiinis sa kaniya ang isa kong kapatid.

"Hindi niya magagawa yon. Ayaw naman niyang magkaroon ng pamilya e. Umuwi na tayo ngayon, delikado na sa dadaanan natin," mahinang anas ko na nginusuan niya.

"How's your work? Masakit ba ang katawan mo? Gusto mo hilutin ko?" tanong ko sa kaniya habang tinititigan siya.

Ang ganda ng kapatid ko. Kaya maraming mga lalaki ang nanliligaw sa kaniya kaso, si Zaffiro lang ang nakikita niya. Ngumiti ito ng parang bata at saka ngumiso.

"Oo e. Sa likod sana, roon ako sa mansyon matutulog. Tabi tayo, a."

"Sure. Oh, wait, I will call Nikasha," saad ko saka kinuha ang selpon sa bag.

Bumuntong hininga ang isa at saka natawa nang malakas. "Haynaku, Ren, yayain mo na ang lahat h'wag lang yan. Tatanggi lang yan, noh," komento nito sa akin.

Hindi na ako nakasagot kay Veron, dahil sinagot ka iyon sa kabilang linya.

"Hi! Good evening. Naistorbo ba kita?" nakangiting tanong ko.

"No. Why?" seryosong sabi nito saka ako pinanlakihan ng mata ni Veron.

"Ahm, Veron will sleep in mansion, it would be glad if you come with us. Let's bonding together," pangyayaya ko.

Pinipigilan kong lumingon kay Veron dahil sa mga senyas niya sa akin.

"I have a seminar tomorrow. I will not come. May inaasikaso rin ako," mahinang sabi nito.

Nakangiting tumango ako saka ulit siya kinausap. "Oh, it's okay. Take care okay? Better to sleep early. I love you."

"Hmm. Thank you. Night."

Dismayadong ibinaba ko ang telepono saka ibinalik iyon sa aking bag. Nothing change. Wala talaga siyang balak na magbago.

"O? Ano ka ngayon? Reject ka rin? Huwag mo na kasing guluhin yon," sabi nito sa akin nang makapasok sa gate ng mansyon.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon