Kabanata 52

23 1 0
                                    

 
Weeks ago nang pag-usapan namin ni Fred ang tungkol sa sinabi ni tito noon. Wala man sa akin ang lahat ng ibinigay niya ay hindi niya iyon literal na makukuha dahil ako ang nakapirma sa mga papeles. Tinititigan lang ako ni Fred na abala sa panggagatong ng mga kahoy para sa pagluluto. Medyo napaaga ang uwi niya kaya tinulungan na niya ako sa gawaing bahay. Tumalikod ako rito at saka kinagat ang mga daliri habang mariin na pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya.

"Already transferred Ma'am. We could send the details—"

"No it's okay. I just wanted to transfer it. Thank you." Binaba ko na ang telepono saka tinanggal ang sim doon. Tanging battery na lang ang naiwan at wala pa akong charger. Wala na rin naman akong balak na gamitin ang selpon na ito.

Ngumiti lang ako kay Fred saka muling pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay, ilang linggo na rin kami at hindi naman mahirap na makibagay, madalas na gulay ang pagkain dito dahil bukod sa nasa bukid kami ay mahal ang presyo ng mga karne kapag ganitong buwan. Unti-unti ko ring napag-aaralan ang mga kilos nila at totoo ngang alas-otso pa lang ng gabi ay tulog na sila, alas-tres naman ang pinaka-maagang gising ng ilan. Nasanay akong gumising ng ala-syete at alas-nuebe, pero mula nang magtrabaho si Fred, nasanay akong magising ng ala-singko. Binabawi ko na lang ang tulog tuwing hapon at paggising ay naroon na si Fred.

Nang matapos naming kumain at naghugas ng plato at kinuha ko na ang mga sampayan ko. Agad ko iyon itinupi dahil medyo marami dahil sa pantrabaho ni Fred, lalo na't puro semento.

"Ren." Inabot nito sa akin ang isang sobre, takang tiningnan ko ito na nag-aalis na rin ng mga hanger sa mga damit.

"What's this?"

"Sweldo," sagot agad nito saka ko nakita ang limang libo.

Ngumiti lang ako rito saka iyon inilagay sa gilid. Hindi naman na ako maghahangad ng kahit na ano dahil pinili ko 'to, nakakaltasan siya ng limangdaan sa tuwing hindi pumapasok para tulungan ako. Napapadalas kasi ang pagsakit ng katawan ko lalo na ang aking dibdib. Ayoko namang yayain siya sa hospital dahil sa kabilang bayan pa iyon at ayokong maistorbo ang trabaho niya.

"Mababait ba sila roon sa pabrika?" tanong ko na hindi siya tinitingnan.

"Oo naman, inaabuso lang ng Forman, karamihan kasi roon, walang pinag-aralan, kaya kahit papaano, tinuturuan ko yong iba. Mabait naman iyong engineer, si Forman lang ang problema, akala niya siguro hindi ako nakapag-aral," natatawang kuwento nito na inilingan ko.

"Good. Akala ko kasi kinakawawa ka nila, " bulong ko saka ito ngumiwi at kinuha ang isang damit.

"Ikaw? Hindi ka raw lumalabas tuwing tanghali sabi ni nanang," sabi nito na titig na titig sa akin.

"Natutulog ako kapag tanghali, mabilis akong antukin ngayon, hindi ko alam kung bakit," sumbong ko na ikinatawa niya.

Ayokong magbigay ng kahulugan dahil hindi pa ako dinadatnan, no'ng nakaraang linggo pa dapat ako magkakaroon, napansin ko rin ang ilang sintomas sa pagbubuntis dahil nakasama ko rin si Nikasha noon nang ipagbuntis niya si Gale. Ayoko munang sabihin sa kaniya dahil hindi pa ako sigurado.

Natapos ang pag-aayos namin kaya nagpasiya kaming magpahinga na, wala naman siyang pasok bukas kaya baka tulungan niya sina Tatang Alo, sa bukid sa pagtatanim, kahit papaano ay may nakukuha rin siya roon ngunit hindi nga lang kalakihan.

"Ren?" bulong nito sa aking tenga habang gumagapang ang kamay sa aking hita.

Kusa akong kumunot ngunit napangiti rin dahil alam ko na agad ang gusto niya. Because of his work, he always exhausted, we have no time for each other except when we're in dinner, then I let him to sleep because of his work for tomorrow... just like the routine. Ayokong tumanggi dahil gusto ko rin, he never forced me to do this kapag ayaw ko. Hindi mo maiwasang mapapikit sa ginagawa niya, he covering my mouth while his other hand thrust me so good! Sobrang kuntento na ako sa daliri niya not until his member going into my cave just like a fvck! I don't know where he learned those unbelievable positions.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon