Kabanata 17

13 2 0
                                    

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos kong pirmahan ang sangkatutak na mga papel. Mabuti na lang at si Nikasha ang pinabasa ko ng mga iyon. Nakatitig lang sa akin si Nikasha na walang ibang ginawa kundi ang uminom ng kape at hindi sagutin ang tawag ni Maru. I guess, they have a relationship.

Isang buwan na lang at matatapos ko na ang pansamantalang termino rito sa opisina ni tito. Hindi pa rin siya nakakabalik mula sa ibang bansa dahil sa negosyo, wala naman akong dapat na ipag-alala dahil kasama naman niya ang iba kong mga tito.

Ilang buwan na ba akong umaaktong CEO? One? Two? I hope, three months are enough, but I badly need to stay for one month again. Ilang buwan pa lang ako rito pero napapagod na ako sa amga gawain, to the point na rito na ako natutulog matapos lang ang mga gawain.

"Uuwi na ako. Pupunta ka ba sa bahay?" tanong ni Nikasha, habang sinusuot ang sapatos.

"Hmm, try? Baka may pirmahan pa ako."

"Baka naman pati mga libro dito pirmahan mo rin? Wala ka nang pipirmahan, yan lang naman ang kailangan. Hayaan mo yang mga investor na yan, paulit-ulit na lang nagpapasa ng document," malamig na sabi nito saka na lumakad. "Umuwi ka," dugtong nito saka lumabas ng opisina.

Nang makaalis ito ay tumayo na ako at saka  tinitigan ang kabuoan ng lugar. Iba't-ibang mataas na gusali ang aking nakikita at halos madilim na rin. Bihira na lang ako kung umuwi sa mansyon, wala namang problema dahil dinadahilan ko na lang na nasa bahay ako ni Nikasha, kahit wala.

Natigil ako sa pagtitig sa labas nang marinig ko ang pagtunog ng selpon. Mabilis na bumungad sa akin ang mensahe ni Kelly, na ikinatuwa ko.

Kelly:

Hey! We have a date later. I would love to tell you what might happen with us, hihi. Best luck to me huhu.

Nailing na lang ako dahil doon at saka mining naupo sa swivel chair. Hindi mo maalis ang aking ngiti dahil sa sayang nararamdaman ni Kelly na halos umabot na sa akin.

To Kelly:

Lol, it's not your first time in dating stuff. Just enjoy, okay? Can't wait to see you and your boyfriend.

Siya na ang nagsabi na may relasyon na sila ng lalaki. Sinabi na raw niya iyon sa kaniyang mga magulang na okay naman daw sa kanila. Nakakapagtaka lang dahil mabilis na natanggap ng mga magulang niya ang lalaking iyon. Kilala ko si tito, mapili siya sa lahat ng tao lalo na kung para lang din kay Kelly. Baka this week makabisita ako sa mansyon.

Nagsimula na akong lumakad hindi para umuwi. Naging routine ko na ang paglibot sa ilan sa mga department bago umuwi. Halos lahat nang madaanan ko ay abala sa kanilang mga ginagawa at minsan pa akong binabati. Agad kong nilapitan si Faith, na isang Manager  habang kausap ang isa sa accountant namin.

"Ma'am? Sweldo na po ba?" bulong nito na tinawanan ko lang.

"Itatanong ko lang sana kung anong oras kayo umuuwi."

"Mamaya pa naman po Ma'am, mga alas-nuebe po..."

Hindi ko na napakinggan ang ilan sa mga sinabi niya dahil tumama ang aking Lanvin sa isang bakanteng upuan na nasa gilid ko lang. Napakunot ako at takang tumingin kay Faith.

"Nasaan ang tao rito?" turo ko roon.

Literal na tumikom si Faith saka ito lumapit sa akin.

"Nahuli po kasi ni Ma'am Nikasha, na nagseselpon lang, kaya ayon po. Inalis sa trabaho," nakangiwing kwento nito na hindi ko na ikinagulat.

Ngumiti na lang ako rito at saka nagpaalam na umalis. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang dismayado na iniisip ang ginawa na naman ni Nikasha. Wala pa akong natatanggap sa trabaho kaya mahirap sa akin ang ganito. Hindi ko kayang makita ang mga empleyado namin na nagmamakaawang huwag tanggalin sa trabaho, ngunit ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit gumagawa sila ng mali na pwede nilang ikapahamak.

Around seven o'clock na nang magpasya akong umuwi. Ngunit bago ako dumaan sa bahay ni Nikasha, ay pumunta muna ako sa grocery store. Mata ko ang sumasakit sa tuwing nakikita ang laman ng ref niya. Ang hilig niya sa prito at mamantika, idagdag pa ang mga tsokolate. Matapos non ah dumiretso na ako sa bahay niya. Simple lang iyon at mukhang sapat na para sa kaniya, may dalawang kwarto pero, tinatabihan ko siya.

Taas-kilay itong tumingin sa mga hawak ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka dumiretso sa kaniyang sala.

"Nagluto ka na?" tanong ko na inilingan niya.

"Wala ka naman sinabi na uuwi ka, a."

"Ikaw ang nagsabing umuwi ako, diba?" tanong ko na hindi niya pinansin. "Ako na lang ang magluluto. Gusto mo yong gata na maanghang? Ikaw na lang ang maglagay nito," pagtutukoy ko sa mga pagkain.

Tahimik kaming kumain at gano'n din siya. Hindi ko na rin sinabi ang tungkol sa tinanggal niya sa trabaho dahil ayoko siyang magalit o mainis sa akin. Natapos ang buong gabi nang tahimik at hinihintay ang bawat isa kung sino ang unang matutulog.

Tumagilid ako paharap sa kaniya at saka siya niyakap. Hindi ako pinansin nito na abala lang sa pagnonood. Inaantok na ako nang magsalita siya.

"Kumusta ang trabaho ni Kevin?" tanong nito na hindi pa rin lumilingon.

"Okay naman. Wala namang problema sa kaniya, nagagawa niya at nakakausap niya ng maayos ang ibang kliyente," sagot ko saka isiniksik ang ulo sa unan.

"Ah. Akala ko hindi. Matino naman yon, at isa pa, masasayang lang ang oras ninyo kalag hinanap si Fred, wala na atang balak magpakita yon. Mag-i-isang taon nang walang paramdam," sabi nito at pinipigilan ko pa ring lumingon.

"Ayokong mag-isip ng kung ano-ano, pero kasi kahit si tito nagtataka. Biglaan na lang umalis, daig niya pa ang nakapatay at nagtago na lang sa kung saan. Siguro nagkaroon ng kasalanan o utang kaya siya nagtatago ngayon..."

Marami pa itong sinabi tungkol kay Fred, at hindi ko magawang mag-komento, hindi ko ito pinansin dahil habang tumatagal ay mas lalo akong nakokonsensya sa mga ginawa ko. Sobra ang naging epekto sa trabaho at nahhagilap pa kami ng mga taong mas magaling may Fred. Sobrang tagal na ng mga nangyari at aaminin ko na mas sinisisi ko ang sarili ko dahil pati si tito ay namomroblema.

Halos patayin na ako ng konsensya ko. Gumanti lang ako, kung tutuusin puwede ko siyang ipakulong. Puwede ko siyang i-demanda. Pero hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Pati ang ibang tao ay magtaka sa pagkawala niya na ako ang totoong dahilan.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon